Tuesday, May 14, 2013

Good Vibes !


Limang araw narin ang lumipas simula noong nalooban kami at nawala ang aking mga kagamitan. Ilang araw ring lagi akong tulala, hindi makapagtrabaho ng maayos, walang ganang kumain, hindi makangiti, at wala sa sarili ---- pero ayoko na! Ayoko nang alalahanin pa ang mga bagay na iyon. Buti na lang nakalikom ako ng maraming dahilan para hindi na isipin pa ang nangyaring iyon.


1.     Mga Kaibigan at katrabaho - Ikinatutuwa ko na lang isipin na may mga nagpapayo sa akin, mga kaibigan, katrabaho, na mayroon pa daw mas maraming biyaya ang nakaabang sa akin at sa aming pamilya. Ang galing di ba? Umaasa naman ako at pinaniniwalaan ko iyon. Nararamdaman ko, higit pa sa mga bagay na iyon ang maibabalik sa akin. HEHE. Salamat at binibigyan nila ako ng mga payong pampalubag-loob.

Thursday, May 9, 2013

AKYAT-BAHAY Victim


Sa lahat po ng aking mga kaibigan at kamag-anak, hindi nyo na po ako mako-contact sa aking lumang number sapagkat wala na po ang aking cellphone.

At hindi lamang po iyon ang nawala sa akin, sapagkat kaninang madaling araw lang, habang mahimbing po ang aming tulog, kami po ay nanakawan, na biktima po kami ng AKYAT-BAHAY gang. Nanakaw po ang dalawang cp, bagong laptop, tablet, portable dvd,body bag ng kapatid ko at ang buong bag ko po na may lamang pera at mga importanteng bagay po sa akin ay tinangay din ng mga walang hiyang mga magnanakaw.

Friday, May 3, 2013

New look ..

Wahahaha .... ito ay isang "wala lang" na post ... 

Gusto ko lang sabihin .. siguro kahit di sabihin ay mapapansin ito ng mga pumapansin pa sa blog ko .. hihi .. siyempre ang bagong itsura nito .. mas magaan daw ang kulay sabi ni partner .. pero di pa pulido ang design .. kulang pa ko sa time .. at siyempre ang mga dinagdag kong plug-ins ... pwede na kasi mag comment dito ang mga facebook user lang na walang blog .. oh di ba ... actually matagal ko nang gustong gawin ito kaso wala akong panahon ... eh kanina napagtripan ko lang .. ayun .. gumana naman ..!!

Hmm.. siguro mas aayusin ko pa ito sa mga susunod pa na panahon .. at ita-try ko rin magpost ng mas marami pa para madagdagan naman ang mga suki ko .. hehe ..


ayun lang..

LOG OUT

GO HOME


uwian na!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.