Saturday, January 25, 2014

Napasabak sa overnight sa office


Howww may gash… nabubulok na pala ang luma kong pahina.. dahil wala nang napapadpad na bagong mambabasa dito dahil wala na akong bagong post.. nakteteng.. matatapos na lang lahat-lahat ang January eh muntikan pa kong hindi makapag post.. nyahaha… kawawa naman ang blog ko na ‘to..

At may ganitong mga pagkakataon… “Overnight sa office” ang peg .. Tama.. and it’s already 1:23 AM at nasa office parin ako.. kami ng mga ka-officemates ko, meron kasi silang tinatapos para sa ISO certification ng company namin.. parang corporate planning lang nila.. Actually, hindi naman talaga ako dapat kasama dito, pawang hamak na rank and file lang ako at puro supervisor at manager and mga kasama ko dito..  nag overTime lang talaga ako kanina at dapat until 10pm lang.. eh kaso eto, andito parin dahil wala na akong kasamang pauwi.. yung boypren ko kasi pasimuno sa overnight  work na ‘to.. usapan naming dapat ihahatid nya ako kanina pa hindi na nga lang natuloy dahil sa dami ng ginagawa pa nila at gabi narin naman daw… mukhang sinadya nya nga na kaligtaan.. hayst.. bongga.. dito na lang daw matulog ako.. as if naman makatulog talaga ako dito? Hindi ako prepared! Walang pamalit na damit, walang kumot, wala kahit anong baon para dito! Kaasar lang! Hindi pa naman ako makatulog na walang kumot, hindi ako kumportable kapag hindi nakasandal ang paa ko sa pader.. Kaya paano ako makakatulog??  Wews.. kanina pa ako inaantok.. ayoko na gawin yung trabaho ko dahil masakit na ang mata ko.. tapos naka-block pa lahat ng social networking dito sa computer ko kaya lalong nakakabaliw..!

Buti na lang at naisipan ko na lang dumalaw dito sa nilalangaw kong blog.. Nagsulat na lang ako para may update naman sa buhay ko itong blog.. nyahaha.. okei narin.. pero inaanok na talaga ako.. siguro maya maya pipilitin ko nang umidlip.. kasi bukas may pasok pa kami, hindi pwedeng umabsent dahil marami pa akong gagawin at hingit sa lahat sayang ang sahod! Hehe..

At dahil umiikot na ang paningin ko.. sa antok.. eh titigilan ko na itong kalokohan ko.. sa susunod na lang ulit ako magpopost.. sana magkaroon pa ulit ako ng time.. iba parin talaga kapag napapadpad ako sa blog ko.. iba parin kapag nakakadalaw sa ibang mga pwenship kong blogger.. nyahah..

Oh sya sya! Til next post!


Muah!


7 comments:

  1. Sana marami ka pang ma-post. Meaning maraming overnight LOLjk

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... wag naman kuya glenn.. naku mauubusan ako ng dugo!! Pero sana makpagpost pa nga ako ulit.. ng marami.. haha..

      thanks!

      Delete
  2. blessing in disguise ang overtime, naka pag post ko ng di oras :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka Zai.. haha.. buti na lang.. nakapag comment pa tuloy kaso ng di oras.. nyahaha..

      salamat!

      Delete
  3. Ikaw na ang employee of the year hihihi :D

    Teka... magwawalis at magpupunas muna ako ng mga agiw at alikabok dito sa page mo....

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige pagbutihin mo ang pagwawalis.. sana makahikayat ng mga mambabasa....hahaha...

      salamat sa pagbisita!!

      Delete
  4. ikaw na! looking forward for more post hehe more overnights!

    Ongoing giveaway here: Blossoming Wallflower

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.