Thursday, January 30, 2014

Bungo



Sana bumilis ang oras
                Di ko nais na dito pa manatili
Ang nakapalibot sa aki'y
                halang ang mga ugali

 
from google images










Sana bumilis ang oras
                ayoko na silang makahalubilo
Di ko batid kung
                sila'y mga tao
O sadyang butas lamang
                ang kanilang bungo
Pakiramdam ko sila'y demonyong
                kumakain ng mababait
Mga dila nila’y sadyang
                Mahahaba’t mapanlait


Kaunti na lang ang oras
                para sa kanila
Kakainin na kasi sila
                ng mga uod sa lupa
Ngayon pa lang sila na
                ay nangangamoy lupa.
Tiyak na pagpipyestahan
                Ng mga ipis at daga
Sapagka’t sila’y pawang
                Mga kutong lupa.

15 comments:

  1. Hala may kaaway haha... Pero in a way naka-relate, marami din kasing people in my life na ganyan na ganyan, mga pasakit sa buhay.

    ReplyDelete
  2. hahaha... hindi naman po ate marge.. di ko naman sila inaaway.. sila ang nangaaway sa akin.. pumapatol kasi sa bata.. nyahaha..

    ReplyDelete
  3. heheh may galit. madalas ganito rin pakiramdam ko sa mga tao sa paligid ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe.. sakto lang.. dito ko naidaan ang galit ko.. haha

      Delete
  4. Replies
    1. marami nyan talaga... sa kasamaang palad..

      Delete
  5. Naaayyy anu yans.... kala ko pang halloween entry ito kase may bungo hihihi.

    Yun pala tungkol sa mga baddies :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha.. masyado atang maaga para sa holloween...

      Delete
  6. love this poem. marami talagang mga walanghiya sa mundo

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobrang dami talaga.. mga halimaw sa kaplastikan pa..

      Delete
  7. parang may pinaghuhugutan ah. hahha

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron talaga.. nyahaha... kasi mga kumag mga nagaaway sa akin.. ehehe

      Delete
  8. kagigil ang pinatutungkulan mo. kakarelate. natula rin ako 'pag may kinaiimbyrenahan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. check! nakakapeste lang talaga kasi ang sasarap durugin ng mga muka..

      Delete
  9. Super nice!!!!! mejo nakakarelate ako!! :)))) Nako... sino ba yan ah? ahaha

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.