Saturday, October 29, 2011

Bakit ka ba nababahala?



Lumilipas ang mga araw. Maraming pangyayari ang dumadaan-daan lang sa sa mga kamalayan. Hindi namamalayan gano’n na naman ang nangyayari…  walang nangyayari… Paulit-ulit..

Paano ba ko hindi mababahala kung parating ganito ang nararamdaman ko.
Eh mukhang malapit na ko masanay mag-isa.
Yun ba talaga ang gusto mong mangyari?
Ano bang plano mo? Ano  bang binabalak mo?

Paano naman akong hindi mababahala at matatakot kung
Ganyan ng ganyan ang nangyayari?
Nakakadala.
Pero ayokong magsawa.
Pero ipakita at iparamdam mo naman na mahal mo kong talaga.
O baka imahinasyon ko lang ang lahat ng ‘yon?
Nadadaya lang ako sa mga magagandang simula?
Matatamis na pangangako at magagandang salita?
Nahihirapan kasi ako, di mo naman ako masisisi kung
Bakit ako nagkakaganito.




Ayoko lang mawala ka.
Yun ang dahilan kung bakit ako nababahala.


1 comment:

  1. and pagbabalik.. pero eto.. lungkot lungkutan ulit..

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.