Eto
ang problema sa’kin kapag nag-iisip
Dire-deresto
walang patid
Kung
saan-saan napupunta and diwa
Kaya
tuloy tumutunganga
Pero
'di naman talaga natutulala
'Di
lang mapigilan ang isip parang nagwawala
Meron
kasing binabagabag at inaalala
Sana’y
mawaglit na sa isipan – mawala
Pero
‘di ko talaga alam kung ano ang gagawin
Ang
totoo 'di ko rin tiyak ang nais kong linawin
Ni
ang detalye ng aking mga isipin
'Di
ko mahinuha ang tunay na hangarin
Nakakapagod
mag-isip ng walang direksyon
Kaya
tuloy di ako makahanap ng solusyon
Pero
gusto kong may mapala at gawan ng aksyon
Sana
tulungan akong ito'y mabigyan ng atensyon
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)