Thursday, October 4, 2012

Hindi na pala ako palakanta ?


Marami akong namiss .. kahit sa sarili ko marami na akong hindi na nagagawa .. Tulad ng walang patid na pagkanta, kung saan-saan, kahit habang naglalakad, habang busy sa ginagawa, naisisingit ko parin ang walang habas na pagkanta. Parang nagkulang na ako.

Kanina nga nagulat sa sakin ang isa kong katrabaho, pagpasok ko sa office nya kumakanta kasi ako, hahaha.. di ko rin alam kung bakit .. pero sabi niya (ni sir Raul ) sige kumanta lang daw ako kasi namimiss na nga daw nya ako na parating kumakanta.


 

Hmmm.. sa totoo lang napansin ko rin yan sa sarili ko .. parang nabawasan talga ang pagkanta ko, di ko alam kung bakit, paano nagsimula, ano bang meron o nawala sakin at nabawasan ko ang hilig sa lantarang pagkanta ng basta basta. Parang hindi na nga ako.

Nabawasan narin ata ang pagiging masayahin ko, yung tipong palangiti kahit kanino na makakasalubong ko –dito sa trabaho. Ewan ko ba kung bakit, bakit ba ako nagkakaganito. Sabi tuloy ng iba ko pang katrabaho eh parang nagbago na nga daw ako. Sabi ko naman parang hindi naman… pero sa totoo lang… parang ganoon na nga… Parang maynawawala sa akin.

Ano nga kaya iyon? Tsk. Mayroon na akong mga naiisip na dahilan kung bakit, pero siguro kailngan ko pang siyasatin mabuti ang sarili ko. Pero sa tingin ko, tama na na maging ganito muna ako. Para protektahan ang sarili, sa mga taong may mga matang mapanghusga.

4 comments:

  1. Replies
    1. hehehe .. pero babalik din yan ... bumabalik na nga .....

      Delete
  2. basta gawin mo mga gusto mo hindi ka naman niya gustong pigilan.. ok..

    ReplyDelete
  3. sarili ko lang ang may diperensya ..

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.