Thursday, May 9, 2013

AKYAT-BAHAY Victim


Sa lahat po ng aking mga kaibigan at kamag-anak, hindi nyo na po ako mako-contact sa aking lumang number sapagkat wala na po ang aking cellphone.

At hindi lamang po iyon ang nawala sa akin, sapagkat kaninang madaling araw lang, habang mahimbing po ang aming tulog, kami po ay nanakawan, na biktima po kami ng AKYAT-BAHAY gang. Nanakaw po ang dalawang cp, bagong laptop, tablet, portable dvd,body bag ng kapatid ko at ang buong bag ko po na may lamang pera at mga importanteng bagay po sa akin ay tinangay din ng mga walang hiyang mga magnanakaw.
Mga halang ang kaluluwa. Swabeng-swabe ang panloloob na ginawa nila at hindi man lang kami nagising sa dami naming nakabalandra sa sala na natutulog. Wala man lang itinira sa akin kahit singko, nilimas lahat ng pinaghirapan namin. Nakakatulala. Nakapanghihina. Parang hindi totoo ang mga nangyari, hindi ko pa po matanggap. Naiiyak parin ako habang tina-type ang post ko na 'to ngayon.

Iniisip ko na lang , mabuti na lang at walang nasaktan sa aming pamilya, mabuti na lang at hindi kami napahamak, hindi kami nagising at nanlaban pa sa mga magnanakaw kundi baka kami pa ay mapahamak. Mabuti na lang din. Pero, nakakaawa parin ang mga taong iyon, mga walang magawa sa buhay, walang matinong trabaho kaya ang ginagawa na lang ay mamirwisyo na iba,magnakaw, gumawa ng masama,puro kasamaan ang nananalaytay sa dugo nila, wala silang mararating sa buhay, habang buhay na silang ganoon, walang maayos at matahimik na buhay. Dahil habang patuloy parin nilang ginagawa iyon ay hindi sila matathimik at matatagpuan parin sila ng karma, Ang Ama na ang bahala sa mga taong ganoon. Nakakaawa sila. Mapalad parin kami at hindi kami tulad nila.

2 comments:

  1. tama , lets look on the brighter side n lng. Ligtas kayo . walang nasaktan.

    Si God ng bahala sa tao/mga taong yun.



    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga .. salamat po sa mga kometo ..

      Delete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.