Saturday, August 24, 2013

Bakasyon engrande !

(kanya-kanya lang ng spelling walang basagan ng trip:))

    Well, ito ay sa tingin ko ay isang random post? hehe, at mabilisan na pagtatayp lang .. kasi uwian na.. hmm.. Gusto ko lang nman magkwento tungkol sa mga nakaraang araw-linggo-buwan... na wala akong post..

- naging busy ako at hindi nagpopost dahil sa work (chos!) at meron na kasi akong bagong pinagkakaabalahan.. hihihi... well well well.. medyo nakabawi na ako sa isa sa mga nanakaw sa akin nung buwan ng Mayo tungkol dito .. nakabili na kasi kami ng bagong tablet.. siyempre dahil iyan sa butihin kong boypren, ayaw niya daw kasi akong nalulungkot.. kaya para akong bata na kanyang pinagbigyan.. hahaha.. kaya ayun .. napupuyat ako kakalaro ng mga bagong uploads na mga games at medyo online na at home..balik insta, twitter, fb, email at may wechat at line narin ako.. waha.. epal lang..



- at pagkatapos siyempre nitong mga nakaraang linggo at mga araw eh naguuulan, nagkabagyo pa. Tapos sakto nung Sabado ng gabi umuwi kami ng Tagaytay para magbakasyon ng konti, magpahinga sa mga stress ng buhay, nagleave kami pareho ng boypren ko last monday, eh ayun nga bongga naman itong si Bagyong Maring at Habagat, kaya na extend ang bakasyon namin doon. Na-stranded kasi kami paano malaking bahagi ng Cavite ang baha, at hindi kami makaluluwas pa Maynila dahil baha din sa Pasay. Kaya stayput lang kami dun. Mega higa-tulog-kain-nuodmovie-laro-ulit-ulit ang pinaggagawa ko doon.. Kaya ang saya ng bakasyon hanggang wednesday dahil Holiday ulit nun di ba .. kaya Thursday na ko(kami) pumasok sa work.

- Good thing pa, dahil bagong regular employee lang ako, nalaman ko lang lately na with pay na pala ang mga leave ko kaya bongga! hindi mababawasan ang sasahurin ko gawa ng mga absences.. oh di ba.. clap clap!

- at eto na naman sa Lunes, Holiday ulit! National Heroes day ba yun? tama ba? Ah basta, todo-todo ang bakasyon sana maenjoy ko pa at sana makapag pahinga ng marami. Para tumaba na ako - ay mali - para magkalaman pala ng unti.. para sakto na ang kaseksihan ko! nyahaha..



Oh siya! Got to go na po .. hmm.. hindi pa nga pala ako nakakadalaw sa mga blogs ng mga friends ko.. siguro nextweek na lang.. pagtitiyagaan ko isa-isahin ang mga bagong updates sa buhay nila..


Bye bye.. tengkyu tengkyu..!!!


XD





5 comments:

  1. Na-a-adik ka pala lately sa mga online games lol dumaan din ako sa ganyang phase, so enjoy it na lungs!

    congrats din pala for being a promoted to a regular employee. pa burger ka naman Leeh XD

    at buti naman at mejo umayos na tong weather naten. nakaka stress ung ilang araw na ulan with matching bonggang baha lols

    ReplyDelete
  2. Ang saya naman pala ng experience mo sa habagat, naka bakasyon ka pa kasama si boypren hihihi :) At very good yang walang bawas ang sweldo :)

    Enjoy the long weekend! Update mo kami pag sakto na ang kaseksihan mo Ms Leeh :)

    ReplyDelete
  3. wow.. at least there is something good that come out sahabagat.. nagkaroon ng madaming pahinga.. hehehe...

    ReplyDelete
  4. Wow regular na!
    Anaarap tlga ng long weekend lalo n pag nakabakasyon ka

    ReplyDelete
  5. salamat po sa inyong mga nagcomments .. fiel,Zai,Kamilkshake at kulapitot...

    buti nagtitiyaga kayong dumalaw dito sa aking blog ..

    sa uulitin :)

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.