Monday, June 16, 2014

Loom Bands kayo dyan!


Oha oha! Ako ay nagbalik muli dito sa aking blog! Huwahaha! Ang saya ko ‘no? hehe, wala lang.. naaaning..

Maglalako lang naman sana ako ng aking bagong kinaaadikan sa ngayon. Ang usong-usong “Loom Bands”

 Marami na kasi akong nakikitaan nito, kaya ako itong si inggitera, intrimitida, at ambisyosya ay nagpabili sa aking butihing kasintahan ng isang set ng loom bands. Yung kumpleto, may loom board, hook, clips, 4200 bands, na may mga compartments. O ‘di ang saya ko na naming bata. Hehehe. Masaya talaga ako nung nagkarron ako ng isang isang dahil naaaply ko ang pagka creative, pagka-artistic at pagka autistic. Nyahaha. Kasi ilang gabi rin akong napuyat kakagawa ng mga bracelets, rings at necklaces.  Kasi papanuorin ko muna sa youtube tapos saka ko na gagawin. Dahil sa pag-aambisyon ko makagawa ng iba’t ibang designs eh hinahatinggabi na talaga ako ng tulog, sobrang nakakaadik talaga lalo na nung mga unang araw ko pa lang na gumagawa. Pero ngayon hindi na masyado, buti na lang. haha.

Pero dahil sa malaki narin ang nagastos ko (ni BF) sa loombands na yan, ang goal ko syempre eh magkaroon ng “significant return of investment” hihihi.. kahit papaano. Negosyante tayo eh. Hehehe. Ayun na nga, syempre yung mga nagawa kong accessories eh binibenta ko for affordable prices. Meron akong mga bracelets, rings, necklace s, for girls, boys, kids and adults.and couples.  Pwede ring personalize ang designs and combinations of colors, maaring kayo ang pumili ng kulay at disenyo at gagawin ko para mas makuha ang inyong gusto. *wink* Take note, latex free and lead free po ang bands na binibili ko kaya safe and sure na maganda talaga. Eto po ang samples ng mga gawa ko..




 
 
So.. ano pa po ang hinihintay nyo? Order na..!! Mas marami pa akong design na gagawin, kung personalized mas better.. hehehe.. nego-negosyo din kapag may time!!

Seryoso yan ah, message nyo na lang po ako sa FB, twitter, or sa intagram.. para ma entertain ko po ang mga may gusto. Tumatanggap din po pala ako ng wholesale! Pwedeng for giveaways, sa kasal, binyag, birthday,  etc. mas marami ang order mas malaki ang discount! Yebah! haha.. push na natin toh!!

Yun lang po.

Thank you and God Bless..

P.S. Belated Happy Father's Day po sa lahat ng mga tatay dyan sa buong daigdig.. ^^

5 comments:

  1. Very creative! Good luck sa sale!

    ReplyDelete
  2. hehe.. thanks po ms.joy..
    napag tripan ko lang yan.. mahili po kasi ako mag kutingting... hahaha

    ReplyDelete
  3. galing galing naman :) talented at creative ka pala Ms Leeh :)

    buti yung kapatid ko din mega gawa ng loom band, nalilibre tuloy ako :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... yung mga kapatid at pamangkin ko rin naililibre ko.. nalulugi na tuloy ako.. hehe.. pwede namang libre basta gagawin kitang model at endorser... hihihi

      Delete
  4. Kanina lang habang naliligo ako napaisip ako kung nasaan na yung mga binigay na loom bands sa akin. Coincidence nabasa ko itong post mo...

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.