Tuesday, October 30, 2012

Lakad pauwi


Sabay ang ating mga paa sa paghakbang

Sa madilim na kalsada ng bagong silang

Na kung saan ako ay iyong hinahatid

Pauwi sa aming tahanan

Habang sabay ding humihinga ang ating mga puso

Ninanamnam ang giliw nang pagsasama

Inaabangan ang iyong mga pagtitig sa aking mata

At susulyap din ang masaya mong kaluluwa

Na siyang aking kasamang  masaya.

Ako nama’y nangingiti sa bawat salitang nasasambitla

Habang mahigpit mong hawak  ang aking mga kamay

Sasabihin na ako ang pinaka maganda sa iyong paningin

Na hindi kailanman wawaglit sa aking tabi

Maya’t maya tayo’y sumusulyap sa kalangitan

Hinahambing ang ganda at payapang nararamdaman

Mangangakong magsasama habang buhay

Tatahakin ang  parehong landas

Patungo sa kapwa natin pangarap

Na magandang buhay

Simpleng buhay,

na magkasama

5 comments:

  1. tumagos sa puso ko habang binabasa ko...

    nice poem...

    ReplyDelete
  2. Napakabilis magtranslate ng isip sa tula. Tula translator. Pambihirang talento. Tiyak kikiligin ang kasama mo ng gabing 'yan..

    ReplyDelete
  3. hehe .. talaga nagustuhan mo? salamat naman Aldren :)

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.