Friday, October 5, 2012

Ngumiti sa Pagkamuhi




Tukuyin mo kung kanino ka namumuhi
Makipagtagisan ka para nang sakali
malaman na ikaw ang tunay na may mali
Sino ba ang iyong tunay na katunggali?
Galit mong sa iba palaging nakatali
Di naman batid na ikaw ang bumabali
Dahil sa katangahan at pagkakamali



Bumangon ka pa , bilisan at  magmadali
Lisanin mo ang puot na namamayani
Sa mangmang mong isipan at ugali
Tanawin mo ating magandang bahaghari
Abangan sa ulap sa langit mamutawi
Magandang pangarap sa iyo’y manatili
Tanggalin ang galit, mabuhay na may ngiti


:)

3 comments:

  1. tanggalin ang galit, inggit ang negatibong damdamin sa katawan. Sarili ang ipapahamak nito.

    magandang umaga po. Pinalo kita at iniadd sa aking listahan.

    maramning salamat po sa inyong pagbisita. dadalas na din ako dito. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po sa pagbasa ... :) tinangkilik ko rin po ang inyong pahina ...

      Delete
  2. wow .. salamat po sa pagdalaw dito sa aking mga talata .. idol :)

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.