Kahapon pa dapat ako magpopost eh .. kaso nakalimutan ko .. na
kahapon pala yung Anniversary ko ng pagkakasilang sa MDJuan .. ahahaha… isang
taon narin pala akong nagtatrabaho sa kompanya na ‘to.. medyo luma narin pala
ako dito sa lugar na to.. marami narin pala ang nangyari…
Meron naman na akong mga natutunan, at patuloy parin naman akong
natututo sa araw-araw. Marami akong pinupulot na aral sa mga katrabaho ko. Halos
lahat sila mababait sa akin.. sinisikap ko na maging mabait sa lahat, makisama
ng maayos at makipagkaibigan.. para mas masaya. Kaya nga mas marami na kong naging
mga kahalubilo .. na nagpapasaya at nagpapagaan ng buhay ko sa MD Juan.
Nadagdagan din ang mga pamilya ko. Pagdating dito sa trabaho may
tinuturing na kong mga nanay at tatay, tito at tita, at mga kapatid. Ang mga mas madalas ko nang sinsabayan sa
pagkain.. dito sa IGLF office. Meron kasi kusina dito na parang nasa bahay ka
lang. Para kaming isang pamilya na sabay-sabay kumakain. Kasama ko ang mga ma’am
ko na sila m’Elvie, m’Gina, m’ofel, m’Luz, m’Ellie, m’Florence, si ate Salve (
na ma’am ko rin ). Ang bago naming HR na napakakulit.. hehe.. si Sir Aldren..
magkasundo kami sa kakulitan.. lagi nya ko napapatawa at napapangiti.. at kasama
narin pati pag-ngiwe.. hahaha.. kaso di siya ubra sakin kasi mas makulit ako sa
kanya .. ^^ At siyempre ang tatay ko
na halos na si Sir Boy,plant manager namin, na lagi akong hinahatian sa pansit at tinapay na
baon niya, napakabait. Siya nga nag-pauso na tawagin akong “neneng lee”
..hehehe.. pasaway.. pero ayos lang ‘yon .. naliligayahan naman ako kapag
tinatawag nila ako nun eh.. HEHE.
Basta masyado na silang marami lahat para banggitin ko isa-isa sa
blog post ko na ‘to.. alam na nila kung sinu-sinu sila. Pwedeng lahatin ko na
sila, lahat ng mga sumasayaw tuwing umaga sa bagong theme song ng MDJuan.. na
ako ang nanguna sa pagcompose ng lyrics, pati dance steps, sa tulong din ng mga
ka-platoon ko, ang PENTAGON. Haha.. nakakatuwa …
Haist. Basta masaya parin ako dito sa trabaho ko, kahit madalas
maraming masakit sa ulo na sitwasyon eh ayos lang.. nag-eenjoy parin ako. Haha.
Masaya
ako na yung mga nakatampuhan ko nakaraang taon eh tropa na ulit kami ngayon. Bati-bati
na kami lahat, nakakatuwa na napapasaya ko din sila sa mga simpleng pag-ngiti
ko, sa mga mabubuting pakikihalubilo at pakikipagkaibigan.
Basta tuloy ko parin pagtatrabaho ng matino, pasado sa mga
target work ko.. ayos sa bossing ko.. at sa mga tao na nakakatrabaho ko.
Papakabait pa ako lalo, baka sakaling mas tumagal pa ko dito.
Sana mas lumawak pa ang mga kaalaman ko, at mas mahubog pa ng mas mabuti ang
aking pagkatao.
Happy first year stay at MD Juan Ms.Daisylee Saberon. More power !!
hahaha…
P.S.
Salamat po pala sa treat nila Sir Boy at Sir
Aldren sa ‘di sinasadyang pagcecelebrate ko kahapon ng unang taon ko. Hehe,
salamat po.. super nag-enjoy ako. Sa uulitin ! ^.^