Monday, October 8, 2012

Tsinelas na butas






Suot ang aking tsinelas,
Magsisimula akong maglakbay
Patungo sa aking bukas
Mula sa gabing napakatamlay

Ihahanda ko rin ang aking baro
Na proteksyon sa lamig hangin at bagyo
Na kahit puno ng putik at mabaho
Tatakip naman sa katawan kong buto-buto

Bato man ng pighati aking matapakan
Bubog man ng pagsubok ang malakaran
Kahit umabot ito sa aking kalamnan
Di ako susuko sa aking kinabukasan

Suot parin ang aking tsinelas
Na kahit na magkabutas-butas
Marating ko lamang ang landas
Na tiyak na magtataguyod ng wakas






Please support and Vote me by liking this link on Facebook >> Ang Mga Talata ( pls click and Like ) <<



Opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 4     sa kategoryang Tula:
















sa pakikipagtulungan ng :





 

21 comments:

  1. yung tsinelas na butas, sumisimbolo sa tiwala at pananalig na meron ka. yan ang ating kasangkapan sa ating paglalakbay..

    muli akong naparito. sulat ka pa ng madami ha. sana sa wikang atin. :)

    magandang araw sayo at gudluk dine sa entry :)

    ReplyDelete
  2. huwaw .. salamat po ng marami .. hehehe.. wala lang po yan .. sinubukan ko lang .. ang galing nyo po talaga kahit sa komento :)

    ReplyDelete
  3. yan talaga ang dapat pag nagsusulat pinapairal ang damdamin ang masibughong saloobin ng kung ano ang nasa puso dahil ito ang magpapatunay ng kung ano ang tunay na ikaw

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat pareng jordan ... ganda ng comment .. hehe

      Delete
  4. ipagpatuloy mo yang matagal mo nang itinatago sa iyong kalooban.. matagal nang nais kumawala, pakawalan mo at hayaang lumipad sa langit, maglayag sa karagatan at ikutin ang mundo.. ang mundo ng sining...

    kilalanin ang ibang sarili.. basagin ang salamin ng pagkabulag.. talunin ang liwanag.. hawakan ang dilim..

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po .. kahit hindi po kayo nagpakilala kung sino kayo, salamat po sa magandang komento ..

      Delete
  5. Dati pa ba 'to? O nakapulot ka ng time machine at nakabalik sa panahon na butas ang tsinelas mo? hehe mapagkakamalan kitang bata. O nagkasya ka lang ulit sa tsinelas ng isang bata, bata o matanda, kahit ano, ang lalim. Nakakatuwa, malinis ang mga linya. galing ulit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha .. salamat .. wala lang akong maisip eh.. na ugnay sa lakbay .. sinubukan ko lang .. salamat sa napaka gandang komento .. buti naappreciate mo talaga .. :))

      Delete
  6. magaling ang pagkakagamit sa butas na tsinelas... malikhain ang tula... saka maayos ang bawat linya... Goodluck sa entry ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po ... :) hehe .. nakakatuwa may mga nagcocomment na di ko kilala .. :)

      Salamat po ulit JonDmur !

      Delete
  7. galing ng pagkakasulat mo dito no stir! haha! : )

    (")(^_^)(") napadaan lang : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po .. maganda din po blog nyo .. nakakatuwa ..

      salamat sa magandang comment :)

      Delete
  8. makabagdamdamin , punong puno ng tiwala , punong puno ng pagasa . MAgaling na akda :)

    Goodluck po sa SBA.

    ReplyDelete
  9. pwede bang malaman ang brand ng iyong tsinelas,
    sa hinaba-haba ng lakbay, mukang ito'y matikas!

    goodluck sa'yo! XD

    ReplyDelete
  10. Ang imaheng inilagak mo ay syang unang suot ko pero kahit kailan ginto man ang nasa yapak ko, hindi ko tatalikdan daang tinahak ko. Salamat

    Paumanhin sa Paul..

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.