Bakit ba ako nagba-blog? Hmmmmm....
Para sa akin kasi ang blogging ang best
tool para i-express kung anong mga feelings meron ako, kung anong
meron sa utak ko kapag nalulungkot, kapag masaya, kapag may kakaibang
kwento,na minsang gusto kong isulat at ipabasa sa mga tao. Para
malaman ko din kung meron bang nagagandahan, natutuwa, pumapatol at
nakakaappreciate ng mga akda ko.
Pero ang totoo rin, gaya rin ng ibang
blogero maraming beses na parang gusto ko ng itigil ang pagba-blog
kasi nakakatamad na, wala na akong maisulat, walang time dahil sa
work, walang sariling computer dahil nanakaw ang laptop ko, haist.
Minsan pakiramdam ko rin na wala namang
nakakapansin sa blog ko, iilan lang ang naliligaw dito, bihira lang
ang tumatambay, yung iba sapilitan pa para lang dalawin ako dito. Eh
kasi ba naman, hindi naman talaga ako magaling magsulat, hindi
nakakaakit ng mga maraming mambabasa. Meron akong mga kwentong
nahihirapan akong itranslate into words, na nahihirapan akong gawing
kwento na maiintindihan ng iba. Kaya bigo din ang ninanais-nais kong
magkaroon ng maraming kaibigan dito sa mundo ng mga blogero. Kaya
minsan nakakalungkot narin. Parang ayaw ko na ngang mag-blog.
Pero buti na lang, kahit papaano meron
naman naliligaw dito, sa mga iilan na yon ay labis na ang kasiyahan
ko. Na kahit papaano mayron naman pumapansin sa akin. Kaya mas
nangingibabaw parin ang panghihinayang kung sakaling ititigil ko na
itong blog ko. Kasi nakapanghihinayang din naman kung babalewlain ko
na lang basta ang mga pinaghirapan ko, at ang mga iilang nakakabasa
dito, as in iilan lang, hehe. Sa mga kakilala ko, kaibigan,
kapamilya ,katrabaho na humahanga kasi blogger daw pala ako, Hahaha
.. akala naman nila sikat ako, eh isa lang akong hamak na blogero na
gumagawa ng sarili kong mundo. Na kahit hindi marami ang
nakakaintindi, kahit hindi ako sikat di ko naman kailangan yun,
masaya na ko, sa simpleng blog ko, sa simpleng ako. Tutal simpleng
tao lang naman talaga ako... wahahahaha
Bale itong post ko na 'to, parang tanga
lang na naman. Nakakatuwa lang kasi yung ibang blogero na maraming
nagko-comment every after post, magagaling kasi silang magsulat. Ako
kaya kailan huhusay? Haayystt .. good luck na lang sa akin. Sana lang
merong iba pang mapadpad dito sa lugar ko, magbasa at magiwan ng
komento. Pero di ko na masyado inaasahan yung comment. Bahala na si
batman, pero matutuwa talaga ako kapag ganun. Hihi. Yung iba ko
kasing mga friends dito naglaho narin eh, di na rin sila ata
nagpopost. Pero di naman ako sumusuko sa paghahanap ng mga bagong
magiging kaibigan ko,
dito ,
sa mundo ng mga blogero.
Ikaw na kaya yun?
Huy Leeh!
ReplyDeleteNaku, ako ang unang magtatampo sa iyo kapag tumigil ka sa pagsusulat dito sa blog mo. Kakakilala ko pa lang sayo tapos mawawala ka na rin :(
Huwag mong isipin na porke walang dumadalaw sa blog mo ay wala nang nakaka appreciate ng mga posts mo. I'm sure marami jan, mga silent readers mo lang hehe. Kaya cheer up ka na ha!?
Kung gusto mo talagang lumawak pa ang connection mo at makakilala pa ng maraming bloggers, huwag kang magsasawang magblog hop, bumisita, at magkumento sa ibang fellow bloggers naten. Marami sila jan. Syempre sa simula, mejo may "ilangan" pang ganaps, pero pag tumagal at nakapagpalagayang loob na kayo, ayun na ang start ng blogging friendship nyo dito sa mundo ng blogoshere. Ganyan din ako nung nagsisimula pa lang akong mag blog. Wala halos akong visitors at commentators. Pero, thru hard work, patience, at being loyal din sa ibang blogs na pina-follow ko, I was able to build a strong bond of friendship with my fellow bloggers. Most of them ay mga close friends ko na rin sa FB at twitter.
Huwag mo rin iisipin na wala kang talent sa pagsusulat ng blog. Naku, that's a big No, no! Bawat tao, bawat bloggers, may kanya-kanyang forte or strength sa pagsusulat ng isang blog. Hindi ko din naman kino-consider na magaling na writer ang aking sarili. Ilang beses na rin akong muntik muntik tamarin at huminto sa blogging pero hindi ko ginawa kase passion ko toh eh. Basta keep the passion burning lang. Find your inner strength in writing and maintaining a blog.
I know sometimes, mejo mahirap... pero hindi imposible. Kaya yan Leeh!
Suportahan kita 101%
wow fiel-kun.. pinalakas mo naman ang loob ko .. comment pa lang tambling na ko agad .. hehehe .. salamat sa inyong mahabang paliwanag at naappreciate ko yang mga sinasabi mo .. ayos!
ReplyDeletetama ka dyan.. blog lang ng blog ..
salamat ng marami :) wag ka magsawa dumalaw sa blog ko ha ... *super smile*
Ayan ha, todo 100% moral support ako sayo hehehe ^___^
DeleteBasta keep the passion burning lang... unti unti, makaka build up ka na rin ng mga loyal followers mo :))
Cheers!
naku prang nakaka relate ako sayo hehe:) kahit ako iilan lang din ang nag cocomment at naliligaw sa blog ko, basta may mag comment lang sa mga post ko sobrang saya ko na haha! kahit nga ang comment eh "exchange Link" tumatalon na puso ko sa tuwa(kahit may sakit ako sa puso)
ReplyDeleteMinsan may feeling talaga tayo na hindi tayo magaling magsulat, kaya lumalabas yung iba ibang idea kung pano natin mapapaganda at dun tayo nagsisimula. Keep blogging lang po. Walang masama kung matagal ka mawala sa blog ang mahalaga babalik ka: )inaamin kong hindi din ako magaling magsulat, pero wala ako pakialam dun! basta mag blog ako yun na yun.
wahaha... katulad ngayon nadagdagan na naman ang nagcommeht kaya super hapi na naman..
DeleteTenks sa pagdalaw.. bali ka ulit...
nyaha palagi naman ako nandito.. silent reader lang minsan :) pero sige from now on and on and on, mag cocomment na ako hihihihihi
Deleteoh hayan dagdag reinforcement si Xan Gerna hehe :))
DeleteCount me in! I can be a friend... I feel you. Nararamdaman ko rin mga nararamdaman mo pero never kong naisip ang huminto... may mga downtime lang pero okay lang... sulat lang ng sulat 'pag may emotion na pwedeng gamitin... ganyan...
ReplyDeleteoh eto pa si Senyor, dagdag back up hehe!
DeleteDwontime pala akala ko DOWNLINE hahaha! parang networking lang :)
Deletetahaha .. downline ..
Deletemakinig ka sa kanila leeh, 'wag ka susuko.
ReplyDeletenakaka-tats naman kayo .. hehehe.. salamat sa inyong lahat na nagcomment .. wag kayo mag alala .. naniniwala naman ako sa inyo ..
ReplyDeletelumulundag na ang puso ko ..
wetwiw ..
salamat Fiel-Kun
Xan Gerna
Senyor Iskwater
Cyron Agustin
*group hug *
ngayon po ay sinusubaybayan ko na din ang inyong pahina :D
ReplyDeleteat eto pa ako! a new friend in a whole new world.... *swoons and spins* hehe
ReplyDeleteSobrang nakaktuwa kapag may nagcocomment saking page... at maka-connect sa ibang mga manunulat :D
Its nice to know you here Leeh :)
Tagasubaybay na ng iyong blog! Salamat pala sa pagdalaw at pag-iwan ng komento sa aking blog.
ReplyDeleteat ayun!! nadagdagan na naman .. heheh.. ambabait nyo po :)
ReplyDeletethanks sa pagdagdag sa akin.. masaya po akong makilala kayo dito sa mundo natin..
Tenkyu po:
Rix
yccos
Mar Unplog
e sali mo narin ako sa listahan, hahaa, ang dami kong tawa dito, mema lang :D
Deletepero ayos, agree ako na magandang tool ito para e express ang sarili. wag lang gawing parang facebook na ang bawat post ay parang status lang, haha
wahahaha .... *daeng tawa* wagas talaga .. pinatatawanan mo po talaga ako eh .. hehehe.. salamat po sa pagbisita ..:)
Deletethanks for visiting my blog :D sali ka po ate, malay mo, ikaw manalo ng eyewear :D or paypal cash! :D
ReplyDeletehttp://myxilog.blogspot.com/2013/07/firmoo-international-giveaway-5-paypal.html
sana nga palarin .. hehe .. sinubukan ko magpasa ng entry .. :)
DeleteHmmm ano ba , hindi ko alam sasabihin ko sayo pero , napagdaanan ko n yung pinagdaanan mo , okay lang yan sulat lang ng sulat may magcomment man o wala , ang mahalaga na iiexpress mo sarili mo sa iba
ReplyDeleteat ayun oh nalaman mo naman kung anong sasabihin .. salamat po sa pagdalaw ..:)
DeleteHI Leeh! Pwede ba akong mag apply na friend hihi :)
ReplyDeleteSa akin wala naman un sa galing mag sulat..basta kwinekwento mo ay ang galing sa puso mo, magiging ma-appeal sa mga tao o mambabasa ang iyong nais ibahagi :) O ang mature ko dyan haha :)
pwedeng pwede! lahat naman welcome :) dalaw ka lang parati dito sa mga talata ko .. heheh.. at mukha ka naman pong matured.. lalo na pagnagsusulat :)
Deleteat aba .. nadagdagan na naman ang mga komentong nagpapataba ng aking puso .. salamat po
ReplyDeleteHi Ms. Leah!
ReplyDeleteIsama mo na ako sa mga kaibigan mo sa virtual na mundo ng blogging. :)
Simula ngayon, aabangan at babasahin ko na yung mga post mo.
Okay lang kahit ano suportahan ka pa rin namin, wala namang requirements ang blogging di ba?
Keep it up, sulat lang lagi.
God bless!
salamat po .. masaya ako nadagdagan ulit.. :) wag sana kayo magsawa dumalaw dito sa blog kahit bihira lang ako mag post :)
Deletekung walang akialam ang mundo, hayaan natin sila. basta masaya tayo magblog. hahaha. im following you know, looking forward for more friends on this place. :-)
ReplyDelete^^* Yung mga maraming comments, not necessarily na magaling silang magsulat...cguro nagkataon lang na nakakarelate ang nagbasa. Madami din akong nababasang magagandang post pero tamad akong magcomment or ang hirap magcomment dahil may mga "captcha" achu-chu-chu...hehehe
ReplyDeletePero, tulad ng sabi mo, nagbablog ka kasi gusto mong mag-express ng self mo..there you go! Express lang ng express...hahaha