Wednesday, July 31, 2013

Violation of Company Rules and Regulations



rockadrome.com



Yes! Nagawa ko! Nagawa kong hindi ma-late sa huling araw ng buwan.Fullfillment ito para sa akin, hehe.  Buti na lang, kasi dito sa company na pinagtatrabahuhan ko ay bawal ang tardiness... ang maaari mo lang maging late ay tatlo, 3 times lang .. kapag umabot ka sa apat ay sigurado mairereport ka na sa MPR (Monthly Performance Review) at mabibigyan ka na ng Memo , na siyempre nakapaloob doon ang parusa mo. Hehe.. parusa talaga. Eh kaso nga umabot na ko sa 3rd offense last May, kaya nga nagkaroon na ako ng 3 days suspension, woahaha. In fairness masarap naming magbakasyon at humilata lang maghapon, yun nga lang lugi ang kinabuhi.. tehehe.  Kaya takot na ko umabot sa apat ang late ko kada-buwan. Kasi ang next offense will be 6 days suspension, 15 days .. tapos dismissal na. O diba sosyal? Sino ba naman ang gugustuhing matanggal at mawalan ng trabaho.. edi kawawa naman ang pamilyang sinusuportahan ko. HEHE.


Eh kaso nga yun, kanina sa sobrang pagmamadali ko, meron na naman akong violation sa company rules. Ang memo about wearing uniforms. Takte! Nung nagpasabog ng kalimot ang langit mantakin mong nasalo ko ata ang lahat. Hay naku, paano ba naman naiwan ko ang uniform ko, pina-plantsa ko pa naman iyon sa butihin kong ina tapos nalimutan ko lang dalhin. Sa sobrang pagiwas na ma-late. Pero good thing, kanina meron akong nahiram na uniform sa admin..Medyo malaki nga lang sa akin,mali.. malaki talaga, para akong nagsuot ng daster at ako ang hanger. Siyet.  Pero siymepre pinaubra ko na lang ito, sinikipan ko ang bewang sa pamamagitan ng mahiwagang stapler! Medyo na fit na sa balingkinitan kong katawan.. nayahaha. At eto lusot na naman ako! Woohoo!

Kaya good mood ako ngayon eh, hehehe. Sana magtuloy-tuloy na to. Mas maganda nga kung maka perfect attendance ako para naman magkaroon ako ng premyo, GC, maliit lang pero pwede na pakunswelo at dagdag pamalangke narin yun nuh. 

Kaya ayun, goodluck na lang sa akin. Sa inyo ring lahat..

Good day!

23 comments:

  1. Hahaha, natawa naman ako sa kuwento mo Leeh. Naku, dapat talaga gumising ng maaga upang hindi ma-late sa work. Kung alam mong matraffic on your way to work, dapat double time sa pagkilos ehehe!

    Ayaw na ayaw ko rin ang pakiramdam na lagi kang naghahabol sa oras. Nakaka stress lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh .. kaso ang sarap kasing matulog kaya ang hirap bumangon ng maaga .. hehehe kaya tuloy laging late..

      Delete
  2. nyahahaha ang kulit. napa isip tuloy ako, kasi ako sa 6 days kong pasok halos 4 days akong late.. at minsan perfect late pa ^_^ buti ang rules na ganyan dito sa company namin ay hindi applicable sa akin/samen. nyahahaha

    pero dapat talaga sakto tayo sa oras.. matuto tayo rumespeto sa oras.. dahil ang lahat ay gumagalaw ng nasa oras (anu daw) lolz!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. naguluhan din ako dun .. aist, buti pa kayo walang katulad ng sa amin, at ang hanep ha perfect late .. hehehe .. ganyan ako sa una kong work kaya di ako na regular dun eh .. hihihi

      Delete
  3. Ay jusko ganyan din samin pero medyo mas OA. Hehe. :)
    Anyway, pagpatuloy mo lang na wag malate! Extra effort lang talagang bumyahe ng mas maaga, pero kaya yan.

    Good luck!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat .. sana nga maging consistent ang pagpasok ko ng hindi late .. yung tipong JIT ..

      Delete
  4. ang hirap kase.. kapag late ka ang dami ding nangyayari.. tulad niyan mga nakakalimutang gamit.. o di kaya ang traffic o ulan./. or whatever!!! wag na kase mag internet sa gabi.. hahaha at matulog ng maaga.. ahahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. di naman ako nagiinternet sa gabi .. nanunood ako ng Mundo Mo'y Akin at My Husband's Lover .. nyehehehe

      Delete
  5. At ako ang nagbibigay ng memo at suspension hahaha.

    ReplyDelete
  6. yun na nga eh .. walang consideration .. hehehe .. joke..

    ReplyDelete
  7. Mahigpit pala sa company nyo. Flexi time kasi sa amin eh. Hindi kami namememohan pag late pero nakakababa siya ng grade pagdating sa evaluation. Congrats at sana magtuluy-tuloy na yang pagdating mo on time sa work.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun ang masarap flexi time .. hehe .. miski sa amin .. sure na bawas sa evaluation grade mo ang mga lates .. thanks po sa pagdalaw..

      Delete
  8. Hirap ganon ano.. pag malate, may parusa. Buti k puede ko i overtime amg oras pag nalate ako. Ang sweet mo siguro tingnan sa hiram na uniform:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe .. buti nga po gumana ang stapler .. balak ko nga sanang ipost ang pictures kaso nahiya ako bigla .. hihihi

      Delete
  9. FTW ang stapler! HAHAHA. Ika nga nila desperate cals for desperate measures... tahaha! Buti hindi undies mo naiwan mo girl... Kundi hindi lang memo inabot mo, pati iskandalo.. hehehe... sa susunod isasama sa alarm ang mga susuotin ha :) Pero keri lang yan.. Mas nakakahiya yung wash day tapos naka-uniform ka, base on my xp nakakahiya talaga. HAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe .. tama thanks sa payo, isasama ko na sa alarm ang mga kailangang dalhin .. hihihi .. kahiya nga yun mas kapansin pansin .. haha

      Delete
  10. Bigyan ng jacket 10 thousand pesos! Pak!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha .. pwede bang .. Bigyan narin ng Cellphone?

      Delete
  11. ipagpatuloy ang gumagandang simula. :)

    ReplyDelete
  12. Ganyan din ang problema ko. Alam kong ayaw kong malate pero tamad ako matulog nang maaga at tamad rin bumangon :(

    ReplyDelete
  13. ayokong nalalate sa school and im sure sa work din soon... pero pag di important nagpapalate ako XD like kung gagala lang ..hehehe

    ReplyDelete
  14. sarap magpa late.... sarap kasi matulog sa umaga hehehe

    musta na.... enjoy lang diyan...

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.