Showing posts with label Malayang pag-sulat. Show all posts
Showing posts with label Malayang pag-sulat. Show all posts

Saturday, August 24, 2013

Bakasyon engrande !

(kanya-kanya lang ng spelling walang basagan ng trip:))

    Well, ito ay sa tingin ko ay isang random post? hehe, at mabilisan na pagtatayp lang .. kasi uwian na.. hmm.. Gusto ko lang nman magkwento tungkol sa mga nakaraang araw-linggo-buwan... na wala akong post..

- naging busy ako at hindi nagpopost dahil sa work (chos!) at meron na kasi akong bagong pinagkakaabalahan.. hihihi... well well well.. medyo nakabawi na ako sa isa sa mga nanakaw sa akin nung buwan ng Mayo tungkol dito .. nakabili na kasi kami ng bagong tablet.. siyempre dahil iyan sa butihin kong boypren, ayaw niya daw kasi akong nalulungkot.. kaya para akong bata na kanyang pinagbigyan.. hahaha.. kaya ayun .. napupuyat ako kakalaro ng mga bagong uploads na mga games at medyo online na at home..balik insta, twitter, fb, email at may wechat at line narin ako.. waha.. epal lang..

Saturday, July 6, 2013

P'wede ka bang maging kaibigan?

Blog.. blog .. blog ..

Bakit ba ako nagba-blog? Hmmmmm....

Para sa akin kasi ang blogging ang best tool para i-express kung anong mga feelings meron ako, kung anong meron sa utak ko kapag nalulungkot, kapag masaya, kapag may kakaibang kwento,na minsang gusto kong isulat at ipabasa sa mga tao. Para malaman ko din kung meron bang nagagandahan, natutuwa, pumapatol at nakakaappreciate ng mga akda ko.

Saturday, June 22, 2013

Kahit Maulan



Tag-ulan na naman. Kaliwat-kanan ang mga pagbaha, sakit na makukuha mo sa baha,  pagbrown-out, pagguho ng mga lupa, pagkasira ng mga tahanan, pagkawala ng ikinabubuhay, at pakamatay ng iilan - karamihan.



Kakaiba din talaga kapag umuulan, minsan andyan pa ang malalakas na kulog at kidlat na tiyak na iyong katatakutan dahil baka kitlin nito ang iyong buhay. Kaya maraming takot sa ulan, lalo na sa panahon ngayon, habang tumatagal palala ng palala ang mga nangyayari, mas nakakatakot kapag sa iyo ito mismo nangyari - wag naman sana.


Monday, April 22, 2013

Minsan ..



Minsan gusto ko pumunta sa malayo, pumunta sa isang lugar na iilan lang ang mga tao, yung hindi magulo, hindi maingay, yung malayo sa mata ng mga nakakikilala sa akin. Sa isang parke siguro, na may upuan sa bawat gilid, na kung saan ako mauupo. Dapat iyon ay gabi, at ang mamamasdan ko ang ganda ng ilaw na galing sa mga poste, ang ilaw na nagmumula sa buwan, at matatanaw din ang mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Baka lumiwanag at gumaan din ang aking pakiramdam.

Minsan kasi gusto ko

Thursday, October 4, 2012

Hindi na pala ako palakanta ?


Marami akong namiss .. kahit sa sarili ko marami na akong hindi na nagagawa .. Tulad ng walang patid na pagkanta, kung saan-saan, kahit habang naglalakad, habang busy sa ginagawa, naisisingit ko parin ang walang habas na pagkanta. Parang nagkulang na ako.

Kanina nga nagulat sa sakin ang isa kong katrabaho, pagpasok ko sa office nya kumakanta kasi ako, hahaha.. di ko rin alam kung bakit .. pero sabi niya (ni sir Raul ) sige kumanta lang daw ako kasi namimiss na nga daw nya ako na parating kumakanta.


 

Friday, March 23, 2012

MD Juan Part III



( my 1st year anniv. of working )



Kahapon pa dapat ako magpopost eh .. kaso nakalimutan ko .. na kahapon pala yung Anniversary ko ng pagkakasilang sa MDJuan .. ahahaha… isang taon narin pala akong nagtatrabaho sa kompanya na ‘to.. medyo luma narin pala ako dito sa lugar na to.. marami narin pala ang nangyari…

Meron naman na akong mga natutunan, at patuloy parin naman akong natututo sa araw-araw. Marami akong pinupulot na aral sa mga katrabaho ko. Halos lahat sila mababait sa akin.. sinisikap ko na maging mabait sa lahat, makisama ng maayos at makipagkaibigan.. para mas masaya. Kaya nga mas marami na kong naging mga kahalubilo .. na nagpapasaya at nagpapagaan ng buhay ko sa MD Juan.
Nadagdagan din ang mga pamilya ko. Pagdating dito sa trabaho may tinuturing na kong mga nanay at tatay, tito at tita, at mga kapatid.  Ang mga mas madalas ko nang sinsabayan sa pagkain.. dito sa IGLF office. Meron kasi kusina dito na parang nasa bahay ka lang. Para kaming isang pamilya na sabay-sabay kumakain. Kasama ko ang mga ma’am ko na sila m’Elvie, m’Gina, m’ofel, m’Luz, m’Ellie, m’Florence, si ate Salve ( na ma’am ko rin ). Ang bago naming HR na napakakulit.. hehe.. si Sir Aldren.. magkasundo kami sa kakulitan.. lagi nya ko napapatawa at napapangiti.. at kasama narin pati pag-ngiwe.. hahaha.. kaso di siya ubra sakin kasi mas makulit ako sa kanya .. ^^    At siyempre ang tatay ko na halos na si Sir Boy,plant manager namin,  na lagi akong hinahatian sa pansit at tinapay na baon niya, napakabait. Siya nga nag-pauso na tawagin akong “neneng lee” ..hehehe.. pasaway.. pero ayos lang ‘yon .. naliligayahan naman ako kapag tinatawag nila ako nun eh.. HEHE.
Basta masyado na silang marami lahat para banggitin ko isa-isa sa blog post ko na ‘to.. alam na nila kung sinu-sinu sila. Pwedeng lahatin ko na sila, lahat ng mga sumasayaw tuwing umaga sa bagong theme song ng MDJuan.. na ako ang nanguna sa pagcompose ng lyrics, pati dance steps, sa tulong din ng mga ka-platoon ko, ang PENTAGON. Haha.. nakakatuwa …
Haist. Basta masaya parin ako dito sa trabaho ko, kahit madalas maraming masakit sa ulo na sitwasyon eh ayos lang.. nag-eenjoy parin ako. Haha.
Masaya ako na yung mga nakatampuhan ko nakaraang taon eh tropa na ulit kami ngayon. Bati-bati na kami lahat, nakakatuwa na napapasaya ko din sila sa mga simpleng pag-ngiti ko, sa mga mabubuting pakikihalubilo at pakikipagkaibigan.
Basta tuloy ko parin pagtatrabaho ng matino, pasado sa mga target work ko.. ayos sa bossing ko.. at sa mga tao na nakakatrabaho ko.
Papakabait pa ako lalo, baka sakaling mas tumagal pa ko dito. Sana mas lumawak pa ang mga kaalaman ko, at mas mahubog pa ng mas mabuti ang aking pagkatao.


Happy first year stay at MD Juan Ms.Daisylee Saberon. More power !! hahaha…  

 
P.S.
  Salamat po pala sa treat nila Sir Boy at Sir Aldren sa ‘di sinasadyang pagcecelebrate ko kahapon ng unang taon ko. Hehe, salamat po.. super nag-enjoy ako. Sa uulitin ! ^.^


Thursday, December 29, 2011

GREAT YEAR END (yes and no)



pahabol sa blogpost ng taon... this is our last day of working for the month.. and for the year...

Sa mga nagawan ko ng kasalanan.. oh kaya naman eh nabadtrip saken.. nagalit.. nagtampo... o kahit ano pa man.. sorry sa aking mga pagkukulang.... tao lang lang.. nagkakamali rin... I want ot share my BIG SMILE as a sign of my peace offering.. ehehe...

Salamat naman sa mga nagpasaya sa akin... sa'king pamilya.. kaibigan.. kabarkada.. katrabaho.. at sa pinakamamahal ko.... salamat sa mga kasiyahan na naibigay at naipamahagi nyo sa akin..

Salamat sa maraming regalong natanggap ko.... kahit wala akong regalo sa inyo.. sana nextyear ulit... hehe.. promise.. sisikapin ko na makapagregalo sa inyo..

Sana maging maganda ang pasok ng taon.. sana makabawi.... (kahit brown out sa bahay ngayon) haha...

Haist.. kahit maraming pagsubok ang nagdaan.. salamat sa panginoon patuloy parin niya akong ginagabayan.. ,sampu ng aking pamilya... salamat po...


Oh siya siya.. hindi ako masyadong nakapaghanda ng magagandang salita na maipopost ko dito eh...

Basta HAPPY NEW YEAR sa LAHAT..


GOD BLESS YOU all...!!

Thursday, November 17, 2011

Welcome Home Mama Tess !


After of almost 3 weeks sa hopsital... nakalabas narin ng hospital si Mama sa wakas ! Sa tulong-tulong namin nila ate,ni daz, ni papa ,lola at ka.rey, ako, si tita vec, lalo na si nanay... ambag-ambag na pera.. nakaipon-ipon.. naawa rin ata yung hospital na yun.... at saka natakot.. paano sabi nila mama isusumbong sila kay Tulfo.. hehe.. kaya ayun.. pinalabas na si mama... duguang pirmahan ng mga promisory note... goodluck sa amin.. sana di kami mamulubi sa pagbabayad nun sa laki ng utang namin sa ospital na yun.. damuho kasi... mapagsamantala.. sa katulad pa naming mahirap lang.. haist.. di na sila naawa.....

Kagabi lang nakalabas si Mama,kasama si ate at shen-shen, galing ng hospital dumiretso na sila sa burol ni lolo.. Dun na kami nagkita nila mama kasama ang mga katrabaho ko.... Natutuwa akong makita si mama na nasa labas na.. pano super frustrated na siya , ikaw ba naman makulong ng tatlong linggo sa hospital na ang napakalaking dahilan ng hindi mo paglabas eh dahil sa wala kang pambayad ng napakalaking bill ng hospital at professional fee ng mga doctor... wiw.. nakakabaliw.. lahat kami nagkawindang-windang sa paghahagilap ng maipambabayad na pera...

Buti na lang naawa ang Diyos sa aamin.. kay mama... 
Salamat po talaga...

Kaya kahapon pa lang naghanda na ang mga bata sa bahay sa pagsalubong kay mama. Gumawa pa nga ng welcome banner ang mga pinsan at mga kapatid ko.. todo effort talaga... hindi ko nga alam ang tungkot dun eh... pag-uwi ko na lang nalaman... nauna akong umuwi kila mama... kaso sigurado pagdating nila mama eh tulog narin ang mga bata dahil sa tagal ng paghihintay sa kanya..

Eto yung ginawang welcome banner ng mga kapatid at pinsan ko.. simple lang pero touching... di ba? hehe



Hatinggabi na ata nakauwi sila mama.. di ko narin namalayan kasi nakatulog narin ako sa sobrang antok ko narin kasi....

Haist.. salamat... nabawasan narin kami ng problema kahit papano...

Sa mga natitira pang mga problema.. kaya namin yun... naniniwala akong pagsubok lang ang lahat ng mga iyon sa aming pamilya.. kakayanin namin yun.. basta wag lang mawalan ng pag-asa at paniniwala sa Ama.. gagabayan niya tayo sa lahat ng mga tuwid na lkad na tintahak naten.. kailangan lang magpakabait.. at magbagong-buhay......


           *wink*

Tuesday, November 15, 2011

Paalam Lolo...


                Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan..  hindi rin mapigilan ang umiiyak na damdamin ko ngayon..  Isang balita na nakakagulat… nakalulungkot, sobrang lungkot.. Wala na kasi si Lolo..

                Kahapon natanggap ko ang text message ni Papa na pumunta daw kami lahat sa manggahan… dahil wala na daw si lolo.. patay na… pagkatapos kong mabasa yung text na yon dere-derecho na ang pagbuhos ng luha ko.. nanginginig ang katawan ko.. parang hindi ko na naririnig ang mga nagsasalita sa paligid ko…gusto ko na sanang lumipad papunta kay lolo.. baka kasi sakaling maabutan ko pa siya.. pero iniyak ko na lang ng iniyak.. pumunta ako sa lugar na walng nakakakita saakin.. masikip sa dibdib.. iyak ako ng iyak.. pero pinilit kong matapos ang mga trabaho na dapat kong tapusin.. kahit nahihirapan ako.. kahit sabog na at lutang ang isip ko… wala na si Lolo… wala na…

Si Lolo Pol, isang mabait na lolo sa kanyang mga apo. Mapagmahal at mapagkalingang lolo. Malambing din sa pagkakakilala ko. Pero naiinins ako sa sarili ko kasi matagal na panahon ko siyang hindi nakita. Ni  hindi ko manlang siya nakita bago siya nawala. Naiiyak na naman ako ngayon. Siguro nagtatampo ang lolo sa akin, sa amin na hindi manlang siya nadalaw nung nanghihina na siya. Hindi manlang ako nagkaraoon ng pagkakataong mayakap siya kahit sa mga huling saglit. Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na alagaan siya. Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko ngayon habang inaalala ko ang mga pagkakataon na nakakasama namin si lolo. Masasayang alaala, Hindi malilimutang pagkukulitan kasama kaming lahat na mga apo niya… napakasaya…

Wala na ang Lolo namin, na nagtatanggol lalo na sa aming magkakapatid. Tumatanggap kapag halos ipagtabuyan na kami ng marami. Naaalala ko pa nga noong mga bata pa kami, si lolo kasi ang laging nag-aaya sa aming kumain kapag pumupunta kami sa kanila, dahil sa wala kaming pagkain sa bahay. Walang pag-aalinlangan kahit sardinas lang ang ihain niya saamin. Masaya na kami doon. Sabay hihingi pa ng pasensya si lolo dahil un lang ang naipapakain niya saamin, babawi na lang daw siya sa susunod. Di ko rin malilimutan nung doon pa ako nakatira kay lola, sa compound ng mga Ssberon. Si lolo pa kasi ang nagbubukas sa akin ng pinto kapag gabi na ako umuuwi noon, kahit nagagalit siya kasi late na ang pag-uwi ko at talaga nga namang naiistorbo ko ang pagtulog niya, kahit ganun.. lalambingin ko parin siya at magpapasalamat, kaya babawian parin niya ako ng inis pero may halo na ng pinipigilan niyang ngiti habang pabalik sa kwarto niya.

Kung tutuusin, hindi ko talaga laging napupuntahan si lolo na pinagsisisihan ko ngayon. Mas maraming panahon na hindi ko siya nakakahalubilo di gaya ng mga pinsan ko at iba kong kapatid. Hindi kasi ako madalas dumalaw sa compound. Pero dapat talaga, plano na namin ni ate den, na paglabas ni mama sa hospital eh pupuntahan na namin si lolo, kasi yun yung hinihiling niya.. na makita niya ang mga apo niya…. Pero… wala na, huli na ang lahat…. di ko manlang naialay ang mga huling yakap ko kay lolo. Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit… para iparamdam sa kanya na mahal na mahal namin siya… hindi siya nagkulang bilang lolo sa aming mga apo niya….

Mamimiss ko talaga si lolo…  sana hindi siya galit sa akin… kasi hindi ko siya napuntahan kahit nung birth day niya…. Sorry talaga lolo… Paalam po.. Mahal na mahal ka naming lahat ng mga apo mo… 


picture kasama si Lolo.. buti may naitabi pa ako... hindi ko ito iwawala.. ( kahit wala ako diyan )





Saturday, November 12, 2011

Mama is sick and stuck !


 My mom was admitted last October 30, 2011 in the hospital.  She needs to undergo operation in her gallbladder because of the doctors so called “stone” in it.  

She was getting well after the operation. We are looking forward for her continuous recovery so we can be with her soon.


But until now, she’s still there.  The hospital is still holding her because of our failure to pay for the exceeding bills. She has her medicard ,Philhealth assistant, to wrap major bills. The philhealth is geared up to pay for Php 80,000 for the hospital bill, so we still need to pay for the exceeding bills.  But that bills was too big for us. We’ve asked them if we can make a promissory note promising that we’re going to pay for it for a specific period of time. From then we have thought that our mom will be discharge that day (Nov. 4). But I am, specially, was shocked that we still need and forced to pay for the Professional Fees of the five doctors that assist my mom in the operations.   Wow ! That hospital was so greedy, as if we so looked like a rich family that we can easily pay for their demands. 
“walang awa” That was words that comes out from my mouth ‘coz Im so  mad at them.

Haist. I really don’t know what to do.

Stressed.  

I’ve already ask my friends to help me but like me, they can’t help for that big amount of money.  My officemates also tried to lend a hand, and I thank them for that. At least I know that they wanna help us. But additional problem is, the more my mom stayed there, the more our bills get bigger and bigger each day.

Now, my aunt Melvie was trying to seek help from the mayor’s office in our city. Pitiful but we need to smack for that if that will be the only way that we can crack our problem.

I hope there will be wealth from heaven that hears our cries. 


“Sana makauwi na si mama sa bahay, we missed her so much. Sana tuloy-tuloy narin ang paggaling niya. Kahit medyo nahihirapan kami ngayon, masaya parin kasi ligtas na si mama.”

Thursday, August 25, 2011

Opinyon ko lang.. tama ba ako?



Pagyamanin mo kung ano ang mayroon ka... kahit kapiraso, kakaunti, kahit may diperensya, hindi mo gusto, may kulang, o palpak.. Kaya at maaari mo itong gawing perpekto sa sarili mong paraan at sa sarili mong batayan, na kahit hindi mo ito ipilit na ihalintulad at ihanay sa iba, dahil hindi batayan ang paghahanap ng ibang panghalili, pamalit pansamantala, panakip butas… para lang paniwalain ang sarili mo sa inimbento mong paniniwala na doon ka masaya…

Kung nasaan ka ngayon, kung ano ang takbo at daloy ng buhay mo ngayon, kung kaninong pamilya, asawa, magulang, anak ka man napunta.. lahat ‘yan may dahilan.. dahil dyan ka nababagay, diyan ka dinala ng pagkakataon at panahon.. yan ang lugar na huhubog ng maganda sa iyong pagkatao, yan ang pamilya, asawa, magulang, anak na bagay sa iyong katangian… na wala sa iba.. na ikaw lang ang nagkataon na nagkaroon… dahil  diyan ka patitibayin ng buhay at diyan ka magiging kongkreto…

At kung sakaling hindi mo gusto o hindi mo na magustuhan ang katayuan at nararanasan mo ngayon, bukas, o kahit sa paglipas ng panahon.. dahil hindi na ito gaya ng dati , hindi ka na sumasaya o hindi kana masaya dahil nahihirapan ka na ngayon… 'wag ka magrebelde, wag umapaw ang galit, 'wag mong sisihin ang mga taong nasa paligid mo, habaaan parin ang pasensya,'wag ka maburyong, 'wag ka mainip..'wag ka parin mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob…
Oo nga at hindi maiiwasan ang pagkukumpara sa mga bagay na wala ka, at mga bagay na meron ka pero hindi naaayon sa gusto mo… Pero hindi lunas ang pag-iisip na malas ka at wala ka nang karapatang lumigaya… Hindi rin pwedeng payagan at hangarin ang mga bagay na nakikita mo ngayon na wala sayo na maaari mo sanang makuha kung mas maaga o nakita mo na ito noon pa lang… hindi tama na maghanap ka ng kapalit, maghanap ka ng mas maganda, iwan mo ang sira at palitan ito  ng bago at mas kaaya-aya.. Hindi solusyon ang pagsasantabi sa isang may kapintasan kapalit ng isang inaakalang mong pupuno sa kanyang pagkukulang… bakit hindi mo muna subukang ayusin at pinuhin ang mga gusot na hadlang sa iyo.. bakit hindi mo muna pagsikapang magawa ang sarili mong batayan ng pagiging perpekto… kahit hindi perpekto para sa iba… pero para sa iyo.. yung ang tiyak na magpapaligaya sa buhay mo… yun ang makapagpapatagumpay at makapagkakamit ng mga pangarap mo... yun ang makapagbibigay at makapagpaparamdam ng tunay na pagmamahal para sayo…






… and dami kong alam.. hahaha..
…tama ba ako??




.

Tuesday, July 26, 2011

Adobong Kanin




Nasubukan mo na bang kumain ng fried chicken? Ng lechong baboy? Ng kalderetang baka? Pinakbet na gulay? Maaning sa sarap ng mga hamon? Ng sinigang na sugpo? Ng sarsiyadong bangus?  At ng kung anu-ano pang masasarap na putahe at ulam? Eh nakatikim ka na ba ng adobong kanin?

Siguro nagtataka kayo ano? Kasi si Mang Ising madalas kainin iyon noon. Ang sarap daw kaya, minsan nga naging favorite pa nga 'yon. E pa'no ba naman madalas nilang kainin 'yon. Nila? Oo silang magkakapatid noon, minsan na lang ngayon,kapag trip na lang daw nila. Noon parati talaga. Nangyayari 'yon kapag wala silang ulam, sinaing na kanin tapos lalagyan ng toyo,konting paghalo,tapos adobong kanin na! Nakakatawa na nakakaawa silang pagmasdan. Kapag gipit ganoon talaga ang nangyayari. Ang totoo pinag-isipan ko nga muna bago ko napapayag si mang Ising na ipost ito ngayon e. Kasi kung iisipin, parang nakakaloko, at saka hindi alam yun ng marami niyang mga kaibigan, ng mga nakakakilala sa kanya, na ganoon ang hapunan nila sa bahay, minsan buong araw na iyon ang nakahain sa hapag kainan. E sa iyon lang ang available, kesa naman hindi sila kumain di ba?

Pero naiinis siya kapag ganoon parati. Naiiyak na lang siya minsan kapag nakikita niya ang mga kapatid niya na ganoon lang ang kinakain. Sa totoo lang suwerte pa nga kapag maraming kanin at kapag may toyo pa sila. Kasi kapag wala na at konti lang ang bigas, lugaw na lang ang lulutuin. Ayos na 'yon pang laman ng tiyan. Dumarating talaga ang mga puntong iyon, dahil mahirap lang ang pamilya nila. Maraming pagkakataon na nagugutom noon. Kumakalam ang tiyan na parang hindi makatotohanan sa kanila. Tipong walang-wala talaga. Totoong-totoo dahil ako ang saksing buhay nila.

Ayaw na niya maranasan ulit 'yon Nasasaktan kasi ang puso niya tuwing nakikita na dinadanas ng mga kapatid niya ang ganoong paghihirap. Umiiyak kasi walang makain. Naiinggit sa mga kapit-bahay na sagana ang pagkain at puro masasarap ang nakahain at ‘di tulad nila… hamak na adobong kanin lamang ang laman ng tiyan. Kaya naman dahil sa mga pangyayaring iyon ay nagsikap siyang makatapos ng pagaaral. Tinapos ang Bachelor’s Degree sa kolehiyo. Para matulungan ang mga magulang, lalo na ang kanilang Ina sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Ngayon ay pinipillit at pinagiibayuhan na maigapang at maiahon sa kahirapan ang pamilya. Tumutulong na makatapos ang mga kapatid tulad niya. Pinagsisikapan na huwag nang maranasan ng mga kapatid niya ang  magutom ulit. Para hindi na ulit maghain ng Adobong Kanin.


Sunday, July 17, 2011

Sinong Bratinella?



//
-It can mean a lot of things. Depends on the context.
  -It can mean any of the ff: vain, snobby, bitchy, picky, elitist, tasteful, finicky, particular, fussy, demanding, selective, hard to please, discriminatory, exclusive, selective, limited, arrogant.
  -A 'brat' is an informal term for a poorly behaved child. The standard plural is 'brats'. The dolls use the 'z' spelling to be hip, I suppose.  -zim8
  -"It means 'one who is defined by their possessions and adherence to social stereotypes'" - Peter A
  -"Brats are children who are spoiled or ill-mannered. You might imagine that the wealthy children of a movie star would be brats - hence the name of the Children's dolls. - benjamin
  -http://answers.yahoo.com/question/index?
// //
//


            Brats…   bRaTz.. – kami ata yun, nila jherald, jha-de, rakhz at leEh (ako). Apat na babaeng magbabarkada mula first year college  hanggang sa ngayon. Actually, hindi naman  “bratz” ang original na pangalan namin, kasi kami talaga ang the DON’T CHA!! Yan ang ipinangalan namin sa barkadahan namin kasi uso nuon ang kantang “don’t cha” ng pussycat dolls, at yun ang kantang trip namin ng mga panahong yun kaya ayun na ang naging bansag sa aming apat. 

DONT CHA !
            Mga pasaway, cool girls, not the typical type of girls kasi hindi kami ganun kaarte *wahaha*, mga siga sa daan na tipong nanghahawi ng atensyon ng mga tao kapag naglalakad kasi maaangas. Pero matatalino, mga palaban sa klase, hindi naman napag-iiwanan, sumasakto lang wala namang mga bagsak na grade, lahat pasado o kaya naman pasang-awa, kasi mga tamad minsan (minsan din madalas tamad) *tahaha*

jha-de, leEh, rakhz and jherald
            Naging bratz na lang kami simula nung sumali kami sa isang clan, mga clanmates namin ang nagbansag samin ng bratz kasi parang mga bratinella daw kami. At saka sikat nun ang “bratz” dolls na movie. Since apat yung mga bida dun, sumakto sa aming apat. Ganu’n ang imahe namin sa kanila. Cute 'di ba. Parang mga timang, wala lang magawa kaya ayon kami na ang mga bratz.

            Marami narin kaming pinagdaanan, marami naring mga problema ang sumubok sa tatag pagkakaibigan namin. Pero hindi naman kami nagpatinag, sa katunayan malapit na kaming mag celebrate ng ika-5th  anniversary ng pagkakatatag ng pagkakaibigan namin. Sa July 28 limang taon na pala kami. Matagal-tagal narin. Hindi ko akalain na buo parin kami hanggang ngayon. Ilang beses na kasi kaming muntik matinag.  Nakailang di pagkakaunawaan narin ang dumalaw sa amin, napakaraming di pagkakaintindihan, pero sa awa ng panahon, eto buo parin kami.. at patuloy na nagbibilang ng taon na magkakaibigan.

            Hindi lang basta kaibigan o ordinaryong magbabarkada lang  ang pagtuturingan namin. Masasabi at matatawag na tunay na magkakaibigan. Karugtong na nga ng pagkatao namin ang isat-isa. Halos magkakapatid na kung magmahalan. Kabiguan ng isa kabiguan ng lahat. Handang dumamay sa mga problema. Handang tumulong sa kahit anomang bagay na maaaring maitulong sa abot ng makakaya. Hindi magkakailang magbigay ng kahit anong kaligayahan at kaaliwan mapasaya lang ang lahat. Walang pag-aalinlangan na tutulungan ang isa’t isa kung sakaling naliligaw na ng landas. Kung sakaling pakiramdam na ng isa ay wala na siyang mapagkakapitan, walang problema, walang takot na tutulungang makabangon at makaahon sa pagkakalubog at pagkakalugmok. Aakayin pabalik sa maliwanag na buhay

            Kahit napakaraming pagkakaiba ng mga pagkatao namin, kahit hindi magkakapareho ng antas sa buhay, kahit na liku-liko ang mga ugali, nagiging isa parin ang buhay namin kapag magkakasama. Masayang nagtatawanan, humahalakhak habang nagkukuwetuhan. Nagngingis-ngisan habang nag-aasaran. Nagbubugbugan at nagkakapikunan. Pero sa huli, bati-bati at buo parin ang samahan, wala na ‘yong kamatayan.

            Masaya ako at nakakilala ako ng mga tulad nila. Maraming beses na sila ang nagpahid sa mga bumabagsak na luha sa mga mata ko. Maraming pagpapayo mula sa kanila ang nakatulong sa buhay ko. Kahit maraming problema na sa akin nagmula, na ako ang dahilan ng pagkakagalit at pagkakatampuhan. Maraming beses na kapag mag hihintayan at tagpuan, sakin sila napepeste paano ako parati ang nahuhuli, pinaghihintay ko kasi sila ng matagal, kaya tawag nila sakin “pagong”, napakabagal ko daw kasi.

            Pero sana kahit mas marami pang problema ang dumating sa amin, kahit na mas madalas kaming hindi magkakasama, kahit magkakalayo ng pinagkakaabalahang hanapbuhay,  kahit ano pang bagyo ang humagupit sa pagkakaibigan namin, kahit sinumang mga tao ang umeksena sa amin, kahit na mas marami pang pagbabago ang maganap… sana mananatili parin kaming tunay na magkakaibigan. Hanggang sa magkaro’n na ng mapapangasawa,  hanggang sa magkaro’n na ng sariling pamilya.. hanggang sa pagtanda… don’t cha parin.. bratz parin. Wala ng hahadlang, walang makapipigil, patuloy na uusad at mas magiging matibay ang pagkakaibigan hanggang sa mas mahaba pang panahon, Hanggang sa dulo ng kahuli-hulihan.. at hanggang sa katapusan ng walang hanggan.

Thursday, July 7, 2011

Kantahan Na !




 
Bahagi na ng pagkatao ko ang pagkanta. Isa kasi iyong alternatibong paraan para mailabas ko ang aking mga emosyon at saloobin.

Kapag malungkot, masaya, tensyonado, kinakabahan, nag-aalala at higit sa lahat.. kapag in-love.

Dinadaan ko kasi mga bagay-bagay sa pagkanta. Kapag trip ko at katabi kita, bigla na lang akong totopakin at magugulat ka na lang, kakantahan na kita. Minsan nga damang-dama  pa, papikit-pikit, tatayo, tapos kapag ganado may action pa. (haha)

Marahil hindi mabubuo ang araw ko kapag walang lumabas na mga tono sa bibig ko, at kapag hindi nalapatan ng musika ang mga letra na binibigkas ko.

Samahan pa ng mga malulupit na lyrics ng mga kanta. Iba’t ibang uri ng mga kanta, iba’t iba ang ‘genre’, frustration ko ang  mga ‘rock songs’ na may pagka ‘love songs’ . Mga makabagbag damdaming mga kanta, senti minsan naman hataw sa saya. Buo na ang ligaya.


Kahit sa bahay, parati rin kantahan ang trip. Lahat ba naman kami eh marunong kumanta. Bonding moments nga kapag magkakasama kami sa bahay at nagsasabay-sabay sa mga pagkanta. May blending pa nga kami minsan kapag altogether ang kantahan. Nakakabuo kami ng isang choire. Kaya maraming nabibilib sa'ming mga magkakapatid kasi sabi nila magaganda daw ang mga boses namin. Kaya mas lalo kaming nageenjoy na magkantahan.

          Ako nga daw ang pasimuno ng pagkanta sa bahay e. Sa aming magkakapatid ako daw  kasi ang pinaka naunang nahilig  na kumanta. Ako yung naunang sumubok sa amin kung may talento ba ako sa pagkanta gaya ni Papa at Mama.  Kaya ayon, naging epidemya, lahat kami ngayon bumibirit na. Iba’t iba ng timbre, pero lahat mahuhusay. Sabi pa nga ni Papa, mala angel daw ang mga tinig namin.

        Masarap naman kasing kumanta eh, walang duda. Lalo na kapag may kinababaliwan kang bagong labas na mga soundtrack, o kaya ng favorite mong banda. Kahit nga mga lumang tugtugin pa, basta paborito mo, uulit-ulitin mong pakinggan at sabayan.  Nakakapag pagaan ng loob, nakabubuhay ng ilang natutulog na damdamin, nakapagbibigay aliw sa mga tagapakinig, nakapagpapasigla sa malumbay na puso, at nakapaghahatid  pag-asa sa mga natatakot lumigaya.

       

       




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.