Ms. Leeh ( about me )


Sa propesyon ako ay isang inhinyero
Nagpaplano sa kompanya kung san ako nagtatrabaho
karamihan puro lalaki ang nakakahalubilo
kaya minsan napagkakamalan nila akong kabaro

Isa ding singero (mang-aawit hehe),
pagkanta at musika ang pinakahilig ko,
medyo marunong maggitara,
medyo marunong mag piano,
hilig ko rin ang ukulele sa pagkanta ko
at nagpu-flute din nung bata pa ako







mahaba ang buhok,
hindi matangkad pero
di rin naman pandak
balingkinitan ang katawan,
morena ang kutis,
malaki ang mata,
maliit ang labi,
sarat ang ilong minsan matangos ..
sana ma-imagine mo ^^
pero simpleng babae lang ako


nagsusulat ako ng kung anu-ano
tungkol sa akin dito sa blog ko,
minsan tungkol sa aking kapamilya, kapuso at kapatid ..
hehehe. mas marami tungkol sa pag-ibig (ata),
kaya sana 'wag kayo magsawa...

basa lang kayo ng marami dito sa blog ko
at mag-iwan ng mga komento
na talaga namang nagpapagaan ng loob ko
Kasi dun ko malalaman kung may nagbabasa na pala
sa mga akda ko at sila'y naging interesado
na maaari din namang maging kaibigan ko
dito sa daigdig ng mga bloggero

Salamat !





8 comments:

  1. Aahh.. talented ka pala .. nice poem =D

    ReplyDelete
  2. nice mini auto-biography,
    kaya mga fans club mo ay dumarami
    pwede pa bang makisali?
    sa koponan ni daisylee....





    down+leftkick+lowpunch+curldown+bendedup+bendedup+bendeddown+angle90°
    =rearcornerhousing

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha .. pwedeng pwede naman .. fans agad?

      hihihi.. tenks ..

      sana nextime pakilala ka naman .. :)

      Delete
  3. wow ang ganda naman po ng Poem na ginawa mo. pwede ko po bang malaman kung ano ang email mo or kung saan po kita pwedeng makontak? gusto po sana kitang iinvite sa aming Pinoy Portal Website. I hope to hear from you po.

    ReplyDelete
  4. Ayos ah, isang manunulang engineer :-) Sige lang, sulat lang ng sulat, blog lang ng blog. Para naman maiba sa ginagawa mo sa work mo hehe. Isang magandang diversion ang blog. Diversion ko rin ito eh. Kaya tulad mo, minsan ay napapatula rin ako sa blog ko :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe.. salamat po at naligaw kayo dito.. sa uulitin po... dumalaw din po ako sa blog nyo :)

      Delete
  5. Well, I like the scenery
    of the photo and the background is so pink (the blogspot). Why not other color?

    ReplyDelete
  6. Ang imaheng inilagak mo ay syang unang suot ko pero kahit kailan ginto man ang nasa yapak ko, hindi ko tatalikdan daang tinahak ko. Salamat

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.