Thursday, October 17, 2013

Ang Nais kong Tahanan







Kung sakaling ako’y bubuo ng sarili kong tahanan
Ang nais ko sana’y ikaw ang aking maging kaagapay
Pumayag ka sanang patatagin ang haligi ng ating bahay
Mula sa iyong matatapang na paghamon sa buhay,
Galing sa iyong lakas ako ay huhugot
Kubo ma’y maliit, ilaw dito’y di malalagot
Sisikapin kong pasidhiin ang liwanag kong dulot
Gagabay sa’yo at sa ating mga paslit
Patungo sa magandang buhay na walang kapalit.

Hindi ko nais ng magarbong bahay o buhay
Nais ko lamang ay tahimik na pamumuhay
Ayoko ng gulo, o ng napakaraming pagtatalo
Ang gusto ko lamang ay ang pamilyang buo
Simpleng tahanan na puno ng pagmamahalan
Pagbibigayan at lubos na pagkakaunawaan
Marami mang pagsubok ang maranasan
Kahit may kanya-kanya pa tayong kahinaan
Tayo ay tiyak naman na may masasaligan
Isang buong pamilya, masayang tahanan
Tahanan ng ating kinabukasan 





Ito ay aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5 sa Kategoryang Tula



Sa pakikipagtulungan ng :



 


10 comments:

  1. wow good luck sa entry mo Leeh

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. humabol pa ako... di ko naman gustong manalo nuh... nais ko lang talaga sumali... hehehe...

      Delete
  2. Kung hindi mo gustong manalo ngayon, asamin mo naman next year na makapwesto.
    Last year kasi 'yun din lang ang gusto ko pero this year ang wish ko naman manalo (sa tatlong kategorya!)
    haha ang taas ng pangarap ko pero sabi nga if you have to dream you must dream big!
    Pero handa pa rin naman ako just in case na hindi palarin malaking bagay na maging bahagi at nakisuporta tayo sa taong nagnanais na palawigin ang sining ng literatura.

    Goodluck on this.

    ReplyDelete
  3. Wow, ang ganda naman ng poem entry mo Leeh :)

    Goodluck sa ating mga nagsubmit ng entry for SBA 2013!

    ReplyDelete
  4. nice.. goodluck sa entry mo teh ^_^

    ReplyDelete
  5. Hi! salamat sa pagbisita sa blog ko <3
    ganda rin itong tula mo, haven't written a poem in tagalog for a very long time
    great read! thanks sa pag follow sa 'kin follower mo na rin ako *smiles*
    good luck nga rin pala sa contest,sana manalo ka

    love lots,
    Tin

    mypoeticisolation.blogspot.com

    ReplyDelete
  6. Sana wala na lang mga tahanang nasisira both physically and figuratively :(

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. We all have our dream home and life. Napakagandang tula at may kurot sa puso. Sali ka ulit sa Saranggola Blog awards.

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.