Tuesday, October 30, 2012

Lakad pauwi


Sabay ang ating mga paa sa paghakbang

Sa madilim na kalsada ng bagong silang

Na kung saan ako ay iyong hinahatid

Pauwi sa aming tahanan

Habang sabay ding humihinga ang ating mga puso

Ninanamnam ang giliw nang pagsasama

Inaabangan ang iyong mga pagtitig sa aking mata

At susulyap din ang masaya mong kaluluwa

Na siyang aking kasamang  masaya.

Ako nama’y nangingiti sa bawat salitang nasasambitla

Habang mahigpit mong hawak  ang aking mga kamay

Sasabihin na ako ang pinaka maganda sa iyong paningin

Na hindi kailanman wawaglit sa aking tabi

Maya’t maya tayo’y sumusulyap sa kalangitan

Hinahambing ang ganda at payapang nararamdaman

Mangangakong magsasama habang buhay

Tatahakin ang  parehong landas

Patungo sa kapwa natin pangarap

Na magandang buhay

Simpleng buhay,

na magkasama

Monday, October 8, 2012

Tsinelas na butas






Suot ang aking tsinelas,
Magsisimula akong maglakbay
Patungo sa aking bukas
Mula sa gabing napakatamlay

Ihahanda ko rin ang aking baro
Na proteksyon sa lamig hangin at bagyo
Na kahit puno ng putik at mabaho
Tatakip naman sa katawan kong buto-buto

Bato man ng pighati aking matapakan
Bubog man ng pagsubok ang malakaran
Kahit umabot ito sa aking kalamnan
Di ako susuko sa aking kinabukasan

Suot parin ang aking tsinelas
Na kahit na magkabutas-butas
Marating ko lamang ang landas
Na tiyak na magtataguyod ng wakas




Friday, October 5, 2012

Ngumiti sa Pagkamuhi




Tukuyin mo kung kanino ka namumuhi
Makipagtagisan ka para nang sakali
malaman na ikaw ang tunay na may mali
Sino ba ang iyong tunay na katunggali?
Galit mong sa iba palaging nakatali
Di naman batid na ikaw ang bumabali
Dahil sa katangahan at pagkakamali



Bumangon ka pa , bilisan at  magmadali
Lisanin mo ang puot na namamayani
Sa mangmang mong isipan at ugali
Tanawin mo ating magandang bahaghari
Abangan sa ulap sa langit mamutawi
Magandang pangarap sa iyo’y manatili
Tanggalin ang galit, mabuhay na may ngiti


:)

Thursday, October 4, 2012

Hindi na pala ako palakanta ?


Marami akong namiss .. kahit sa sarili ko marami na akong hindi na nagagawa .. Tulad ng walang patid na pagkanta, kung saan-saan, kahit habang naglalakad, habang busy sa ginagawa, naisisingit ko parin ang walang habas na pagkanta. Parang nagkulang na ako.

Kanina nga nagulat sa sakin ang isa kong katrabaho, pagpasok ko sa office nya kumakanta kasi ako, hahaha.. di ko rin alam kung bakit .. pero sabi niya (ni sir Raul ) sige kumanta lang daw ako kasi namimiss na nga daw nya ako na parating kumakanta.


 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.