Wednesday, July 31, 2013

Violation of Company Rules and Regulations



rockadrome.com



Yes! Nagawa ko! Nagawa kong hindi ma-late sa huling araw ng buwan.Fullfillment ito para sa akin, hehe.  Buti na lang, kasi dito sa company na pinagtatrabahuhan ko ay bawal ang tardiness... ang maaari mo lang maging late ay tatlo, 3 times lang .. kapag umabot ka sa apat ay sigurado mairereport ka na sa MPR (Monthly Performance Review) at mabibigyan ka na ng Memo , na siyempre nakapaloob doon ang parusa mo. Hehe.. parusa talaga. Eh kaso nga umabot na ko sa 3rd offense last May, kaya nga nagkaroon na ako ng 3 days suspension, woahaha. In fairness masarap naming magbakasyon at humilata lang maghapon, yun nga lang lugi ang kinabuhi.. tehehe.  Kaya takot na ko umabot sa apat ang late ko kada-buwan. Kasi ang next offense will be 6 days suspension, 15 days .. tapos dismissal na. O diba sosyal? Sino ba naman ang gugustuhing matanggal at mawalan ng trabaho.. edi kawawa naman ang pamilyang sinusuportahan ko. HEHE.

Wednesday, July 24, 2013

Tula mula sa aking kasintahan

Masaya ako at natutuwa dahil nuong nakaraang linggo, pinagkaabalahang ng aking partner gumawa ng isang tula para daw sa akin, at maganda talaga ang nagawa niya, malalim pero makikita mo at maiintindihan ang ibig niyang sabihin, ..

Ang tulang pangalan ko pa ang naging pamagat ..eto ang link "UnknownymousPoet Blog" ..

basahin nyo na lamang po at kung maaari ay magiwan na lang po kayo ng komento .. isang paraan narin ito para ipakilala ko din siya sa inyong mga kaibigan ko dito sa mundo ng blogero .. sana maibigan nyo rin ang kanyang blog ..

yun lamang.. saka na po siguro ang sarili kong post..

Salamat sa lahat ng magbabasa!!

:)

Eto ang kanyang banner

Saturday, July 6, 2013

P'wede ka bang maging kaibigan?

Blog.. blog .. blog ..

Bakit ba ako nagba-blog? Hmmmmm....

Para sa akin kasi ang blogging ang best tool para i-express kung anong mga feelings meron ako, kung anong meron sa utak ko kapag nalulungkot, kapag masaya, kapag may kakaibang kwento,na minsang gusto kong isulat at ipabasa sa mga tao. Para malaman ko din kung meron bang nagagandahan, natutuwa, pumapatol at nakakaappreciate ng mga akda ko.

Thursday, July 4, 2013

Nag-iisip ako

Nag-iisip ako ngayon
   Iniisip ko kung ano ba
     Ang dapat kong isipin

Para mawala na sa isip ko
    Ang hindi ko na dapat pang isipin
     Dahil gumugulo ang isipan ko
      Kapag marami akong iniisip

Kaya iisipin ko na
    Kung ano ang iisipin ko
      Para hindi mo na isiping

       Mali ang iniisip ko


academic.cuesta.educ

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.