Thursday, October 17, 2013

Ang Nais kong Tahanan







Kung sakaling ako’y bubuo ng sarili kong tahanan
Ang nais ko sana’y ikaw ang aking maging kaagapay
Pumayag ka sanang patatagin ang haligi ng ating bahay
Mula sa iyong matatapang na paghamon sa buhay,
Galing sa iyong lakas ako ay huhugot
Kubo ma’y maliit, ilaw dito’y di malalagot
Sisikapin kong pasidhiin ang liwanag kong dulot
Gagabay sa’yo at sa ating mga paslit
Patungo sa magandang buhay na walang kapalit.

Hindi ko nais ng magarbong bahay o buhay
Nais ko lamang ay tahimik na pamumuhay
Ayoko ng gulo, o ng napakaraming pagtatalo
Ang gusto ko lamang ay ang pamilyang buo
Simpleng tahanan na puno ng pagmamahalan
Pagbibigayan at lubos na pagkakaunawaan
Marami mang pagsubok ang maranasan
Kahit may kanya-kanya pa tayong kahinaan
Tayo ay tiyak naman na may masasaligan
Isang buong pamilya, masayang tahanan
Tahanan ng ating kinabukasan 





Ito ay aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5 sa Kategoryang Tula



Sa pakikipagtulungan ng :



 


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.