Monday, June 16, 2014

Loom Bands kayo dyan!


Oha oha! Ako ay nagbalik muli dito sa aking blog! Huwahaha! Ang saya ko ‘no? hehe, wala lang.. naaaning..

Maglalako lang naman sana ako ng aking bagong kinaaadikan sa ngayon. Ang usong-usong “Loom Bands”

 Marami na kasi akong nakikitaan nito, kaya ako itong si inggitera, intrimitida, at ambisyosya ay nagpabili sa aking butihing kasintahan ng isang set ng loom bands. Yung kumpleto, may loom board, hook, clips, 4200 bands, na may mga compartments. O ‘di ang saya ko na naming bata. Hehehe. Masaya talaga ako nung nagkarron ako ng isang isang dahil naaaply ko ang pagka creative, pagka-artistic at pagka autistic. Nyahaha. Kasi ilang gabi rin akong napuyat kakagawa ng mga bracelets, rings at necklaces.  Kasi papanuorin ko muna sa youtube tapos saka ko na gagawin. Dahil sa pag-aambisyon ko makagawa ng iba’t ibang designs eh hinahatinggabi na talaga ako ng tulog, sobrang nakakaadik talaga lalo na nung mga unang araw ko pa lang na gumagawa. Pero ngayon hindi na masyado, buti na lang. haha.

Pero dahil sa malaki narin ang nagastos ko (ni BF) sa loombands na yan, ang goal ko syempre eh magkaroon ng “significant return of investment” hihihi.. kahit papaano. Negosyante tayo eh. Hehehe. Ayun na nga, syempre yung mga nagawa kong accessories eh binibenta ko for affordable prices. Meron akong mga bracelets, rings, necklace s, for girls, boys, kids and adults.and couples.  Pwede ring personalize ang designs and combinations of colors, maaring kayo ang pumili ng kulay at disenyo at gagawin ko para mas makuha ang inyong gusto. *wink* Take note, latex free and lead free po ang bands na binibili ko kaya safe and sure na maganda talaga. Eto po ang samples ng mga gawa ko..




 
 
So.. ano pa po ang hinihintay nyo? Order na..!! Mas marami pa akong design na gagawin, kung personalized mas better.. hehehe.. nego-negosyo din kapag may time!!

Seryoso yan ah, message nyo na lang po ako sa FB, twitter, or sa intagram.. para ma entertain ko po ang mga may gusto. Tumatanggap din po pala ako ng wholesale! Pwedeng for giveaways, sa kasal, binyag, birthday,  etc. mas marami ang order mas malaki ang discount! Yebah! haha.. push na natin toh!!

Yun lang po.

Thank you and God Bless..

P.S. Belated Happy Father's Day po sa lahat ng mga tatay dyan sa buong daigdig.. ^^

Saturday, May 24, 2014

Wattpad random

Hello people!!
Anybody here??!
Hehe, assuming na lang. Nyahaha. Well, napabisita lang ulit ako ngayon dito sa blog ko, actually lagi naman ako bumibisita wala nga lang akong maipost na bago, at nagagawa ko rin naman ang mag blog-hop kaso hindi lang talaga ako nakakapag comment sa lahat ng nabibisita ko. Kaya siguro wala narin pakielam sakin mga katauhan dito (as if meron naman talaga :D). So ayun, napapost ako dito sa blog ko kasi meron akong gusting I-share syempe. Nung nakaraang linggo yata yun nag create ako ng account ko sa Wattpad. Na-tripan ko lang kasi mukang interesting. Maraming mga free ebooks dun, sinubukan ko maglibot libot. Tapos naisipan ko rin ang gumawa ng sarili kong ebook dun. Bale yung mga tula ko, na dito ko original napost sa blog, ay pinagsama-sama ko. Para masaya. Hehe. Kaya ayun, available na po sya online as ebook, mas madali ata yun mabasa ng mga mobile phones.
OK naman sya, so kung gusto nyo lang naman.. dalaw na lang kayo sa wattpad work ko..
So sino sa inyo ang meron ding wattpad account dyan? ffollow ko kayo.. hehehe... (meron kayang sumagot?) hmm.. bahala na...


http://www.wattpad.com/story/15913699-ang-mga-talata-tula-poem-collection

http://www.wattpad.com/story/15913699-ang-mga-talata-tula-poem-collection
 
So yun lang naman po.. nakakamiss din talaga dito sa blog iba parin ang atmosphere dito.. kulang lang talaga ako sa time gumala gala sa ibang blog at gumawa na rin ng bagong post. Pero darating din tayo dyan.. subaybayan ko na lang yung mga sikat na blogero.. hehe.. isa lang naman akong hamak na talagahanga..

Oh pano? dalaw na lang kayo sa wattpad ko, baka sakaling hindi nyo pa nababasa yung iba kong mga tula, baka meron pang magkagusto oh di ba ang saya...

Sige na sige.. eto na nga aalis na..
Bye bye!

Thursday, January 30, 2014

Bungo



Sana bumilis ang oras
                Di ko nais na dito pa manatili
Ang nakapalibot sa aki'y
                halang ang mga ugali

 
from google images










Sana bumilis ang oras
                ayoko na silang makahalubilo
Di ko batid kung
                sila'y mga tao
O sadyang butas lamang
                ang kanilang bungo
Pakiramdam ko sila'y demonyong
                kumakain ng mababait
Mga dila nila’y sadyang
                Mahahaba’t mapanlait


Kaunti na lang ang oras
                para sa kanila
Kakainin na kasi sila
                ng mga uod sa lupa
Ngayon pa lang sila na
                ay nangangamoy lupa.
Tiyak na pagpipyestahan
                Ng mga ipis at daga
Sapagka’t sila’y pawang
                Mga kutong lupa.

Saturday, January 25, 2014

Napasabak sa overnight sa office


Howww may gash… nabubulok na pala ang luma kong pahina.. dahil wala nang napapadpad na bagong mambabasa dito dahil wala na akong bagong post.. nakteteng.. matatapos na lang lahat-lahat ang January eh muntikan pa kong hindi makapag post.. nyahaha… kawawa naman ang blog ko na ‘to..

At may ganitong mga pagkakataon… “Overnight sa office” ang peg .. Tama.. and it’s already 1:23 AM at nasa office parin ako.. kami ng mga ka-officemates ko, meron kasi silang tinatapos para sa ISO certification ng company namin.. parang corporate planning lang nila.. Actually, hindi naman talaga ako dapat kasama dito, pawang hamak na rank and file lang ako at puro supervisor at manager and mga kasama ko dito..  nag overTime lang talaga ako kanina at dapat until 10pm lang.. eh kaso eto, andito parin dahil wala na akong kasamang pauwi.. yung boypren ko kasi pasimuno sa overnight  work na ‘to.. usapan naming dapat ihahatid nya ako kanina pa hindi na nga lang natuloy dahil sa dami ng ginagawa pa nila at gabi narin naman daw… mukhang sinadya nya nga na kaligtaan.. hayst.. bongga.. dito na lang daw matulog ako.. as if naman makatulog talaga ako dito? Hindi ako prepared! Walang pamalit na damit, walang kumot, wala kahit anong baon para dito! Kaasar lang! Hindi pa naman ako makatulog na walang kumot, hindi ako kumportable kapag hindi nakasandal ang paa ko sa pader.. Kaya paano ako makakatulog??  Wews.. kanina pa ako inaantok.. ayoko na gawin yung trabaho ko dahil masakit na ang mata ko.. tapos naka-block pa lahat ng social networking dito sa computer ko kaya lalong nakakabaliw..!

Buti na lang at naisipan ko na lang dumalaw dito sa nilalangaw kong blog.. Nagsulat na lang ako para may update naman sa buhay ko itong blog.. nyahaha.. okei narin.. pero inaanok na talaga ako.. siguro maya maya pipilitin ko nang umidlip.. kasi bukas may pasok pa kami, hindi pwedeng umabsent dahil marami pa akong gagawin at hingit sa lahat sayang ang sahod! Hehe..

At dahil umiikot na ang paningin ko.. sa antok.. eh titigilan ko na itong kalokohan ko.. sa susunod na lang ulit ako magpopost.. sana magkaroon pa ulit ako ng time.. iba parin talaga kapag napapadpad ako sa blog ko.. iba parin kapag nakakadalaw sa ibang mga pwenship kong blogger.. nyahah..

Oh sya sya! Til next post!


Muah!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.