Oha oha! Ako ay nagbalik muli dito sa aking blog! Huwahaha! Ang saya ko ‘no?
hehe, wala lang.. naaaning..
Maglalako lang naman sana ako ng aking bagong kinaaadikan sa ngayon. Ang
usong-usong “Loom Bands”
Marami na kasi akong nakikitaan nito,
kaya ako itong si inggitera, intrimitida, at ambisyosya ay nagpabili sa aking
butihing kasintahan ng isang set ng loom bands. Yung kumpleto, may loom board,
hook, clips, 4200 bands, na may mga compartments. O ‘di ang saya ko na naming bata.
Hehehe. Masaya talaga ako nung nagkarron ako ng isang isang dahil naaaply ko
ang pagka creative, pagka-artistic at pagka autistic. Nyahaha. Kasi ilang gabi
rin akong napuyat kakagawa ng mga bracelets, rings at necklaces.
Kasi papanuorin ko muna sa youtube tapos saka
ko na gagawin. Dahil sa pag-aambisyon ko makagawa ng iba’t ibang designs eh
hinahatinggabi na talaga ako ng tulog, sobrang nakakaadik talaga lalo na nung
mga unang araw ko pa lang na gumagawa. Pero ngayon hindi na masyado, buti na
lang. haha.
Pero dahil sa malaki narin ang nagastos ko (ni BF) sa loombands na yan, ang
goal ko syempre eh magkaroon ng “significant return of investment” hihihi..
kahit papaano. Negosyante tayo eh. Hehehe. Ayun na nga, syempre yung mga nagawa
kong accessories eh binibenta ko for affordable prices. Meron akong mga
bracelets, rings, necklace s, for girls, boys, kids and adults.and couples.
Pwede ring personalize ang designs and
combinations of colors, maaring kayo ang pumili ng kulay at disenyo at gagawin
ko para mas makuha ang inyong gusto. *wink* Take note, latex free and lead free
po ang bands na binibili ko kaya safe and sure na maganda talaga. Eto po ang
samples ng mga gawa ko..
So.. ano pa po ang hinihintay nyo? Order na..!! Mas marami pa akong design na gagawin, kung personalized mas better.. hehehe.. nego-negosyo din kapag may time!!
Seryoso yan ah, message nyo na lang po ako sa FB, twitter, or sa intagram.. para ma entertain ko po ang mga may gusto. Tumatanggap din po pala ako ng wholesale! Pwedeng for giveaways, sa kasal, binyag, birthday, etc. mas marami ang order mas malaki ang discount! Yebah! haha.. push na natin toh!!
Yun lang po.
Thank you and God Bless..
P.S. Belated Happy Father's Day po sa lahat ng mga tatay dyan sa buong daigdig.. ^^