Kailan sisikat ang liwanag
Para akong naglalakad sa kawalan
Madilim ang buong paligid
Ni hindi ko makita ang daan
Kailan aayos ang paghinga
Maya't maya dumadagundong
Ang pintig ay parang manhid
Malapit na itong pamatid
Kailan mo ibabalik iyong kamay
Na ipinangako mo sa akin
Na kahit ano mang mangyari ay
Hindi ka bibitiw sa akin
Hanggang kailan mo titiisin
Na malayo ka sa akin
Hindi ka pa ba nasasabik
Sa aking mga yakap at halik
Kailan nga ba?
Kailan ka ba
babalik?
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)