Sunday, November 5, 2023

Don't you dare

In shadows deep, you mustn't tread,

If fleeting thoughts are all you bring, instead.

Don't let me hold on to a fading dream,

Release my heart from the what-ifs' scheme.


Don't question of my day's embrace,

The hollow echoes, the empty space.

Let silence linger, let distance mend,

A heartache's journey, a sorrow's end.


In whispered echoes, let it be,

A distance kept, a soul set free.

For in your presence, flames may rise,

Desires unbidden, in longing eyes.


The fear of wanting, of needing you near,

It whispers softly, in shadows of fear.

You seem to sidestep, to keep me at bay,

A choice unspoken, a love held at bay.


To touch your shoulders, taste your lips,

A dangerous dance, a precipice.

Yet I must hold back, restrain the fire,

And quell the yearning, quench desire.


In hushed plea, I beg you stay away,

For closer still, my heart may sway.

I sense your distance, your quiet retreat,

A truth I grapple, a pain hard to meet.


I've tasted the ache, the sting of before,

A heart left bruised, longing for more.

So spare me the pain, the wounds of old,

Let silence speak, let the story unfold.


#itsmedaisyLee

Wednesday, August 2, 2023

P. S.

Kung sakaling mabasa mo ito

at naisipan mong iwasan na ako

dahil hindi mo naman talaga ako gusto

sapagkat panaginip lang lahat ng 'to

Ayos lang, huwag kang mag-alala

Asahan mong hindi na kita kukulitin

At aayain sa kung saan-saang ganap

para magkasama tayo

Nadala narin naman ako

Papalipasin ko na lang ang mga araw

hanggang sa matanggap ko na

magkaibigan lang talaga tayo

Na maaaring may iba ka naman talagang gusto,

hindi ako.

Possible ring sa iba mo nilalaan

ang kantang paborito kong kantahin para sayo.

Pasensya kana,

kung inakala kong si Janice ay ako. 



Monday, July 24, 2023

Panaginip Kay Janice

Matapos ang buong gabi nating magkasama, dahil tila hindi kuntento sa nagsisimula pa lang na palitan ng kwento nating dalawa, habang sakay mo ako sa iyong motorsiklo, nag desisyon tayo na dumayo sa isang lugar na maaaring uminom pa ng bahagya habang nagkukwentuhan.

Pagdating doon ay magkaharap tayo ng upuan. Sa lamesa ay may sampung bote ng pilsen at mga pritong manok na hindi masyadong malinamnam. Pero hindi natin maiwasan na magpasahan ng mga tawa sa bawat istorya na binabahagi natin sa isa't isa. Habang hindi natin namamalayan ay sumisikat na pala ang araw at unti-unti narin akong tinatamaan sa iniinom kong serbesa.

Hindi ko alam kung ako lang ba, pero nagsisimula na akong sumisid sayong kaluluwa. Bakit ba kasi ganyan kang ngumiti? Para akong kinikiliti. Iniiwasan kong makita mo na abot tenga na ang aking tawa, sumisingkit na ang mata at nagsisimula ng dumami ang mga paru-paru sa aking tiyan na nagpapamula ng aking pisngi at nagpapakaba ng aking pakiramdam.

***

Habang maligaya ang aking kaluluwa at nakatingin sa'yong buong mukha, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. May mga taong hindi ko kilala na unti-unting pumalibot sa ating dalawa. Sa kanan ay may mga babae na sumasayaw ng mabagal habang sa kaliwa naman ay mga kalalakihan na kumakanta ng kantang..

"Halika dito, sumugal ka ng sampung minuto. Sabay tayong maglalayag sa kawalan, sakay ng ating isipan"


(Janice by Dilaw)


Sa sobrang lakas ng tugtog hindi ko na maintindihan ang pangyayari. Parang lahat sila masaya, naghihintay, nakikikanta at nag-aabang. Basta kinakabahan na ako, sabay tanong ko sayo "Anong nangyayari?" Ngumiti ka lang, yung ngiting nakakapag pahina ng kalamnan. Tuloy-tuloy parin ang musika habang naghihintay parin lahat ng mga taong nakikisaksi sa gagawin mo. Bigla kang tumayo, at dahan-dahang lumapit sakin kaya napatayo narin ako. Maya maya pa, may iniabot ang isang lalake sayo na mga bulaklak at mikropono. Huminga ka ng malalim bago tuluyang nag salita at tumingin sa aking mga mata.

"Alam ko, ngayon lang tayo nag kakilala pero tinamaan na yata ako sayo. Pwede ba kitang maging kasintahan?" Nakangiti ka parin.

Pero na blanko ako ng bahagya, nagulat at nag-alala. Kasi tama ka ngayon lang tayo nagkasama ng mga ilang oras pero hindi pa natin lubusan na kilala ang isa't isa. Kaya sabi ko..

"Totoo ba ito? Ngayon kaagad?"

sumagot ka "Totoo, gustong gusto kita kaya sana pumayag kana, pwede ba?"

Kaya huminga ako ng malalim at sumagot sayo "Oo, sobrang saya ko ngayong araw na ito dahil kasama kita, na halos ayaw ko na nga matapos na makasama ka, pero ayaw mo ba muna akong mas makilala pa? Ayaw mo ba muna akong ligawan? Atska, alam mo ang dahilhan kung bakit hindi pweng maging tayo kaagad, naikwento ko na kanina di ba?"

Hindi ko alam kung nalungkot ka bigla sa sagot ko, kaya hinawakan ko ang mga kamay mo at nagsalita ulet.

"Pasensya kana, hindi kita sasagutin sa ngayon, pero hindi ibigsabihin nun ay hindi kita gusto, ang totoo nyan gustong gusto kitang makilala pa ng lubusan, para makita ko rin kung handa ka ba talagang pagdaanan ang mga mahihirap na bagay kapag balang araw ay dumating ang punto na mahal mo na talaga ako. Pakiramdam ko kasi masasaktan lang tayo kapag binigla natin ito, mas gusto ko yung dahan dahan. Yung sa bawat araw, mas malalaman ko yung hindi lang ang pagka gusto mong maging sayo ako ngayon kundi yung pang mahabang panahon na hindi mo na gugustuhing hindi ako mahalin sa bawat araw ng buhay mo. Na pipililiin mo ako sa maraming pagkakataon at lahat ng iyon, lahat ng pagmamahal mo ay  tutumbasan ko ng walang pag-aalinlangan at buong-buong ako"

Ngumiti ka lang at di na nagsalita, kaya lumapit pa ako sayo, niyakap na lang kita ng mahigpit habang nakapikit at nagpasalamat sa pagiging matapang mo ngayon araw na to. 

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, bigla na lang nawala yung ingay sa paligid at mukhang nag si alisan narin yung ibang mga taong nakiki isyoso sa atin. 

***

Pag-dilat ko, napatingin ako sa kisame, sunod ay sa orasan ng telepono.

Alas dose. Tanghali na pala. Kailangan ko ng gumising.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.