Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.. hindi rin mapigilan ang umiiyak na damdamin ko ngayon.. Isang balita na nakakagulat… nakalulungkot, sobrang lungkot.. Wala na kasi si Lolo..
Kahapon natanggap ko ang text message ni Papa na pumunta daw kami lahat sa manggahan… dahil wala na daw si lolo.. patay na… pagkatapos kong mabasa yung text na yon dere-derecho na ang pagbuhos ng luha ko.. nanginginig ang katawan ko.. parang hindi ko na naririnig ang mga nagsasalita sa paligid ko…gusto ko na sanang lumipad papunta kay lolo.. baka kasi sakaling maabutan ko pa siya.. pero iniyak ko na lang ng iniyak.. pumunta ako sa lugar na walng nakakakita saakin.. masikip sa dibdib.. iyak ako ng iyak.. pero pinilit kong matapos ang mga trabaho na dapat kong tapusin.. kahit nahihirapan ako.. kahit sabog na at lutang ang isip ko… wala na si Lolo… wala na…
Si Lolo Pol, isang mabait na lolo sa kanyang mga apo. Mapagmahal at mapagkalingang lolo. Malambing din sa pagkakakilala ko. Pero naiinins ako sa sarili ko kasi matagal na panahon ko siyang hindi nakita. Ni hindi ko manlang siya nakita bago siya nawala. Naiiyak na naman ako ngayon. Siguro nagtatampo ang lolo sa akin, sa amin na hindi manlang siya nadalaw nung nanghihina na siya. Hindi manlang ako nagkaraoon ng pagkakataong mayakap siya kahit sa mga huling saglit. Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na alagaan siya. Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko ngayon habang inaalala ko ang mga pagkakataon na nakakasama namin si lolo. Masasayang alaala, Hindi malilimutang pagkukulitan kasama kaming lahat na mga apo niya… napakasaya…
Wala na ang Lolo namin, na nagtatanggol lalo na sa aming magkakapatid. Tumatanggap kapag halos ipagtabuyan na kami ng marami. Naaalala ko pa nga noong mga bata pa kami, si lolo kasi ang laging nag-aaya sa aming kumain kapag pumupunta kami sa kanila, dahil sa wala kaming pagkain sa bahay. Walang pag-aalinlangan kahit sardinas lang ang ihain niya saamin. Masaya na kami doon. Sabay hihingi pa ng pasensya si lolo dahil un lang ang naipapakain niya saamin, babawi na lang daw siya sa susunod. Di ko rin malilimutan nung doon pa ako nakatira kay lola, sa compound ng mga Ssberon. Si lolo pa kasi ang nagbubukas sa akin ng pinto kapag gabi na ako umuuwi noon, kahit nagagalit siya kasi late na ang pag-uwi ko at talaga nga namang naiistorbo ko ang pagtulog niya, kahit ganun.. lalambingin ko parin siya at magpapasalamat, kaya babawian parin niya ako ng inis pero may halo na ng pinipigilan niyang ngiti habang pabalik sa kwarto niya.
Kung tutuusin, hindi ko talaga laging napupuntahan si lolo na pinagsisisihan ko ngayon. Mas maraming panahon na hindi ko siya nakakahalubilo di gaya ng mga pinsan ko at iba kong kapatid. Hindi kasi ako madalas dumalaw sa compound. Pero dapat talaga, plano na namin ni ate den, na paglabas ni mama sa hospital eh pupuntahan na namin si lolo, kasi yun yung hinihiling niya.. na makita niya ang mga apo niya…. Pero… wala na, huli na ang lahat…. di ko manlang naialay ang mga huling yakap ko kay lolo. Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit… para iparamdam sa kanya na mahal na mahal namin siya… hindi siya nagkulang bilang lolo sa aming mga apo niya….
Mamimiss ko talaga si lolo… sana hindi siya galit sa akin… kasi hindi ko siya napuntahan kahit nung birth day niya…. Sorry talaga lolo… Paalam po.. Mahal na mahal ka naming lahat ng mga apo mo…
picture kasama si Lolo.. buti may naitabi pa ako... hindi ko ito iwawala.. ( kahit wala ako diyan ) |
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)