Thursday, August 25, 2011

Opinyon ko lang.. tama ba ako?



Pagyamanin mo kung ano ang mayroon ka... kahit kapiraso, kakaunti, kahit may diperensya, hindi mo gusto, may kulang, o palpak.. Kaya at maaari mo itong gawing perpekto sa sarili mong paraan at sa sarili mong batayan, na kahit hindi mo ito ipilit na ihalintulad at ihanay sa iba, dahil hindi batayan ang paghahanap ng ibang panghalili, pamalit pansamantala, panakip butas… para lang paniwalain ang sarili mo sa inimbento mong paniniwala na doon ka masaya…

Kung nasaan ka ngayon, kung ano ang takbo at daloy ng buhay mo ngayon, kung kaninong pamilya, asawa, magulang, anak ka man napunta.. lahat ‘yan may dahilan.. dahil dyan ka nababagay, diyan ka dinala ng pagkakataon at panahon.. yan ang lugar na huhubog ng maganda sa iyong pagkatao, yan ang pamilya, asawa, magulang, anak na bagay sa iyong katangian… na wala sa iba.. na ikaw lang ang nagkataon na nagkaroon… dahil  diyan ka patitibayin ng buhay at diyan ka magiging kongkreto…

At kung sakaling hindi mo gusto o hindi mo na magustuhan ang katayuan at nararanasan mo ngayon, bukas, o kahit sa paglipas ng panahon.. dahil hindi na ito gaya ng dati , hindi ka na sumasaya o hindi kana masaya dahil nahihirapan ka na ngayon… 'wag ka magrebelde, wag umapaw ang galit, 'wag mong sisihin ang mga taong nasa paligid mo, habaaan parin ang pasensya,'wag ka maburyong, 'wag ka mainip..'wag ka parin mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob…
Oo nga at hindi maiiwasan ang pagkukumpara sa mga bagay na wala ka, at mga bagay na meron ka pero hindi naaayon sa gusto mo… Pero hindi lunas ang pag-iisip na malas ka at wala ka nang karapatang lumigaya… Hindi rin pwedeng payagan at hangarin ang mga bagay na nakikita mo ngayon na wala sayo na maaari mo sanang makuha kung mas maaga o nakita mo na ito noon pa lang… hindi tama na maghanap ka ng kapalit, maghanap ka ng mas maganda, iwan mo ang sira at palitan ito  ng bago at mas kaaya-aya.. Hindi solusyon ang pagsasantabi sa isang may kapintasan kapalit ng isang inaakalang mong pupuno sa kanyang pagkukulang… bakit hindi mo muna subukang ayusin at pinuhin ang mga gusot na hadlang sa iyo.. bakit hindi mo muna pagsikapang magawa ang sarili mong batayan ng pagiging perpekto… kahit hindi perpekto para sa iba… pero para sa iyo.. yung ang tiyak na magpapaligaya sa buhay mo… yun ang makapagpapatagumpay at makapagkakamit ng mga pangarap mo... yun ang makapagbibigay at makapagpaparamdam ng tunay na pagmamahal para sayo…






… and dami kong alam.. hahaha..
…tama ba ako??




.

Wednesday, August 17, 2011

Sa bawat araw na hindi kita kasama




Natutulala na naman ako ngayon..
Malayo ang tingin..
Nagiisip ng mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan
Inaalala ang mga pagkakataon na malayo ka sa akin
Ginugunita ang mga panahon na hindi kita kasama..

Masyado akong nalulungkot kapag hindi kita nakikita
Kapag hindi kita kasama nag-aalala ako baka
Agawin ka ng iba sakin
Hindi ako mapalagay kapag malayo ka
Tapos kahit konting paramdam wala para sakin.

Hindi mo lang alam na umiiyak ako gabi-gabi kapag
Nararamdaman ko na parang lumalayo ka na sakin
Na parang napakalayo mo na sakin
Hindi kita maabot ng tanaw
Hindi ka masipat ng pandinig
Hindi ko magawang makarating papalapit sayo
Kasi ayaw mo naman di ba.

Nangangamba tuloy ako baka
Hindi mo na magawa ang mga pangako mo sakin
Paano na lang kung ikaw pa ang maunang sumuko
Paano na lang kung ikaw ang mauna pang bumitiw
Paano na lang ako.

Kasi sa bawat oras nga lang na hindi kita kasama
 hindi ko na alam ang gagawin ko para lang
 mapanatag ang loob ko
Halos sumabog na ang puso ko sa
 kakapigil ng nararamdaman nito
Sa sakit at pighati na nararansan ko.
Hindi makahinga ng maayos,
Hindi makatulog ng matino.

Pero sa kabila ng lahat hindi ko
 parin magawang tumigil
 sa pagmamahal sayo.
Sinisikap ko na lang alalahanin ang mga panahon na kasama kita,
na nasa tabi kita, kayakap.. busog sa pagmamahal.
Gusto na kitang makita at makasama na muli.
Kung maaari nga lang nais ko na
Pang habang-buhay na kitang makapiling.



Walang kaso, ipararamdam ko sayo ang buong puso kong pagmamahal.


Tuesday, August 16, 2011

Bitin




Walang tinatanaw na malinaw.
Walang nasisilayan na maganda sa paningin.
Naghahanap kasi ng hindi makita.
Malayo ang tingin, na siya lang ang nakatutukoy ng pinapangarap.
Hindi naiintindihan ng nakararami.
Wala silang pakialam.
Hindi kasi nila alam.
Hindi naman mangmang pero naggagaling-galingan.
Hindi nararapat ngunit pinipilit na isipat.
Walang habas.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.