Natutulala na naman ako ngayon..
Malayo ang tingin..
Nagiisip ng mga bagay-bagay na gumugulo sa isipan
Inaalala ang mga pagkakataon na malayo ka sa akin
Ginugunita ang mga panahon na hindi kita kasama..
Masyado akong nalulungkot kapag hindi kita nakikita
Kapag hindi kita kasama nag-aalala ako baka
Agawin ka ng iba sakin
Hindi ako mapalagay kapag malayo ka
Tapos kahit konting paramdam wala para sakin.
Hindi mo lang alam na umiiyak ako gabi-gabi kapag
Nararamdaman ko na parang lumalayo ka na sakin
Na parang napakalayo mo na sakin
Hindi kita maabot ng tanaw
Hindi ka masipat ng pandinig
Hindi ko magawang makarating papalapit sayo
Kasi ayaw mo naman di ba.
Nangangamba tuloy ako baka
Hindi mo na magawa ang mga pangako mo sakin
Paano na lang kung ikaw pa ang maunang sumuko
Paano na lang kung ikaw ang mauna pang bumitiw
Paano na lang ako.
Kasi sa bawat oras nga lang na hindi kita kasama
hindi ko na alam ang gagawin ko para lang
mapanatag ang loob ko
Halos sumabog na ang puso ko sa
kakapigil ng nararamdaman nito
Sa sakit at pighati na nararansan ko.
Hindi makahinga ng maayos,
Hindi makatulog ng matino.
Pero sa kabila ng lahat hindi ko
parin magawang tumigil
sa pagmamahal sayo.
Sinisikap ko na lang alalahanin ang mga panahon na kasama kita,
na nasa tabi kita, kayakap.. busog sa pagmamahal.
Gusto na kitang makita at makasama na muli.
Kung maaari nga lang nais ko na
Pang habang-buhay na kitang makapiling.
Walang kaso, ipararamdam ko sayo ang buong puso kong pagmamahal.
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)