Saturday, December 1, 2012

Nilalamon ako ng lungkot

 

pinipira-piraso ang puso
malapit na itong mapaso
 
sumasalisi ang paghinga
ang mga labi ay namumutla
 
sinisipsip ang dugo ko ng takot
ang pagtibok ay baka malagot
nilalamon ako ngayon ng lungkot
 
sumisikip ang daanan ng hangin
dumidilim ang aking paningin
pero gusto ko itong pigilin

pigilin ang sakit ng dibdib
itago at manatiling liblib
dito sa silong ng pag-ibig
 
'pagkat nais ko nang mapalagay
at manatili sa iyong gabay
sa'yo ko parin naman iaalay
ang aking puso habang buhay
 
 
T.T

Wednesday, November 28, 2012

Nakiki - Breaking Dawn Part 2 ( A Thousand Years )

 



Wala akong maipost na matino, haha. Gusto ko lang ibahagi ang nararamdaman ko ngayon, may after shock parin kasi nung nanood kami ng partner ko ng super hit na movie na Breaking Dawn Part 2 ( The Twilight Saga ) ... at ayun na nga .. sobrang fan talaga kasi ako ng movie na yun .. at idinamay ko lang ang partner ko dun .. kahit hindi niya talaga gusto panuorin ay nanood narin siya ( meron kasi syang panget na experience tungkol dun ) pero ang love story ng movie ay ayos na ayos .. nakaka inlove naman talaga .. nakaka-antig ng damdamin .. at siyempre kinu-connect ko ang love story nila Bella at Edward samin ng partner ko :) nakakawala ng stress tunay


Thursday, November 22, 2012

Multo


- M U L T O -

(iginuhit ni Leeh)




Ayoko ng ganitong pakiramdam
                may mga multo ng nakaraan
                                   hinahabol nila ako
                ayaw nila akong

tigilan.

 

 


Sinisira nila ang tapang ko
                Dinudurog pati puso ko
                                   Bumibilis ang bawat pintig
                Ninanakaw ang labis na

pag-ibig.


 

 

 

Mali man ang aking pakiramdam
                Hindi ko ito maiwasan
                             Kasalanan ko ito
                Kulang pa ako sa


tapang.
           

Saturday, November 10, 2012

Tanga


Nakakatawa

Sapagkat silay

mga tanga

Tanga para akoy

Isiping tanga din

tulad nila

Iisipin nilang hindi ko

pa naiisip

Ang kanilang hinuha

ang ideyang

sa akin

lang naman nila

nakuha

Ipinagmamalaki ang

tagal sa lipunan

Ngunit kung umarte

naman ay

Masahol pa sa sanggol

na walang alam

Mas mangmang

Sila

Kung akala nilang

Akoy mangmang din

Tulad nila

Friday, November 9, 2012

Hindi 'yun totoo, ako ang totoo


          Nagmamadali at ‘di magkanda-ugaga sa paglakad na patakbo sa iskinita papunta sa aming bahay. Malakas ang kaba sa dibdib sa galit, nanlilisik ang mga mata, hindi pinapansin ang sinumang madaanan. Papalapit sa garahe, isang lalaki ang nasalubong ko na siguradong nanggaling sa aming bahay at alam kong siya ay kanyang kaibigan. Tumigil siya sa paglakad nang makita niya ako. Hindi pa man ako nagsasalita pero nakuha niya na kaagad ang tanong ng aking mga mata.

“O-Oo, a-andun silang dalawa, nakita ko sila, magkahawak ng kamay at nakasandal pa nga sa balikat si …”

Tuesday, October 30, 2012

Lakad pauwi


Sabay ang ating mga paa sa paghakbang

Sa madilim na kalsada ng bagong silang

Na kung saan ako ay iyong hinahatid

Pauwi sa aming tahanan

Habang sabay ding humihinga ang ating mga puso

Ninanamnam ang giliw nang pagsasama

Inaabangan ang iyong mga pagtitig sa aking mata

At susulyap din ang masaya mong kaluluwa

Na siyang aking kasamang  masaya.

Ako nama’y nangingiti sa bawat salitang nasasambitla

Habang mahigpit mong hawak  ang aking mga kamay

Sasabihin na ako ang pinaka maganda sa iyong paningin

Na hindi kailanman wawaglit sa aking tabi

Maya’t maya tayo’y sumusulyap sa kalangitan

Hinahambing ang ganda at payapang nararamdaman

Mangangakong magsasama habang buhay

Tatahakin ang  parehong landas

Patungo sa kapwa natin pangarap

Na magandang buhay

Simpleng buhay,

na magkasama

Monday, October 8, 2012

Tsinelas na butas






Suot ang aking tsinelas,
Magsisimula akong maglakbay
Patungo sa aking bukas
Mula sa gabing napakatamlay

Ihahanda ko rin ang aking baro
Na proteksyon sa lamig hangin at bagyo
Na kahit puno ng putik at mabaho
Tatakip naman sa katawan kong buto-buto

Bato man ng pighati aking matapakan
Bubog man ng pagsubok ang malakaran
Kahit umabot ito sa aking kalamnan
Di ako susuko sa aking kinabukasan

Suot parin ang aking tsinelas
Na kahit na magkabutas-butas
Marating ko lamang ang landas
Na tiyak na magtataguyod ng wakas




Friday, October 5, 2012

Ngumiti sa Pagkamuhi




Tukuyin mo kung kanino ka namumuhi
Makipagtagisan ka para nang sakali
malaman na ikaw ang tunay na may mali
Sino ba ang iyong tunay na katunggali?
Galit mong sa iba palaging nakatali
Di naman batid na ikaw ang bumabali
Dahil sa katangahan at pagkakamali



Bumangon ka pa , bilisan at  magmadali
Lisanin mo ang puot na namamayani
Sa mangmang mong isipan at ugali
Tanawin mo ating magandang bahaghari
Abangan sa ulap sa langit mamutawi
Magandang pangarap sa iyo’y manatili
Tanggalin ang galit, mabuhay na may ngiti


:)

Thursday, October 4, 2012

Hindi na pala ako palakanta ?


Marami akong namiss .. kahit sa sarili ko marami na akong hindi na nagagawa .. Tulad ng walang patid na pagkanta, kung saan-saan, kahit habang naglalakad, habang busy sa ginagawa, naisisingit ko parin ang walang habas na pagkanta. Parang nagkulang na ako.

Kanina nga nagulat sa sakin ang isa kong katrabaho, pagpasok ko sa office nya kumakanta kasi ako, hahaha.. di ko rin alam kung bakit .. pero sabi niya (ni sir Raul ) sige kumanta lang daw ako kasi namimiss na nga daw nya ako na parating kumakanta.


 

Friday, July 6, 2012

Labo - labong isip


 












Eto ang problema sa’kin kapag nag-iisip
Dire-deresto walang patid
Kung saan-saan napupunta and diwa
Kaya tuloy tumutunganga


Pero 'di naman talaga natutulala
'Di lang mapigilan ang isip parang nagwawala
Meron kasing binabagabag at inaalala
Sana’y mawaglit na sa isipan – mawala


Pero ‘di ko talaga alam kung ano  ang gagawin
Ang totoo 'di ko rin tiyak ang nais kong linawin
Ni ang detalye ng aking mga isipin
'Di ko mahinuha ang tunay na hangarin


Nakakapagod mag-isip ng walang direksyon
Kaya tuloy di ako makahanap ng solusyon
Pero gusto kong may mapala at gawan ng aksyon
Sana tulungan  akong ito'y mabigyan ng atensyon

Friday, June 1, 2012

Poem ko 'to



From the darkest and dreary night
 
Your light roars my heart so deep
 
My wearied life turned into bright
 
Faded glooms and less a weep





Your love is indeed a beacon

Glowing affection that fills bliss

That mislaid within me from then on

But you bid fondness, I hold a kiss





This love is so pesky for I tend to refuse

But it keeps on coming back to me more again

So the word love has been over used

It sinks and marks in me like a stain





Then each sound of your soul goes nearer

All your music keeps me out of the rain

Your kindness takes away all the blubber

Make me sing with all my heart and brain





Sweet smile of yours makes me damn happy

Like a carriage of chills down my spine

Your infatuation seems to be bubbly

Terribly like it; I love it, thus divine!





So remember when your eyes meet mine

My soul is all yours which I can’t deny

With discreet liaison, I don’t mind

From your sincere gaze I will just rely





Coz I knew that we’re predestined

To be as one, delighted that was pristine

Forever awaiting we’re both mature

I only hope that our love will endure





I will hold you from my deepest rhyme

Keep on believing every verse of your mime

Each facet of my being will not be bushed

I will love you until my heart is crashed







Daisylee Saberon is deeply in love with Mark Aldren Jeciel”

_kuletkoh_


   Ito ay inaalay ko para sa aking pinakamamahal....... matagal ko na 'to nagawa.. at ibinigay sa kanya ang kopya... . .. masaya kasi nagustuhan niya.. . . . First time ko nakagawa ng tulang ganito...... english pa.. ...poem na nga....... para sa mahal ko.... sa kuletkoh...... basta masaya ako....... masaya kasi siya ang mahal ko.. mahal na mahal ko...... hanggang sa walang hanggan na ..... tiyak ko... salamat at mahal niya rin ako...... ramdam ko sobra...... masarap...... umaapaw na kaligayahan.. *yakap*


Monday, May 14, 2012

Tula - tulaan lang ..


Sino bang mag-aakala na ikaw ay magkakatotoo
Nung una biro-biro yun pala magiging seryoso


Malalim na ang narating, matayog na ang pinangarap
Mas matandang pangunawa ang nabatid
Nabukas na ang isip pati ang paligid
Maganda na ang inaasahang darating na pangarap


Sana ‘wag na hamaking tumakbo o magtago
Hayaan mo‘kong sumama kung nais na magpakalayo

Saturday, May 12, 2012

Praning


Ngayon lang ako natakot ng ganito
Kaiba, nakakaduling at nakakalito
Paano kung sakaling kumawala
Biglang bumitiw saka mawala
Dahil nagising ang akalang panatag na diwa
Lumingon sa dating pag-ibig at paniniwala.
Ayoko nitong pakiramdam ko
Ayoko nang isipin nakakabobo
Kailangan mapanatag na ang loob ko
Patawad kung nakakaramdam ako ng ganito
Ayokong mawala ka
Baka mapraning ako

Wednesday, April 11, 2012

Love Poem

 
(re post only)

Sometimes at night, when I look to the sky,
I start thinking of you and then ask myself, why?
Why do I love you? I think and smile,
because I know the list could run on for miles.
The whisper of your voice, the warmth of your touch,
so many little things that make me love you so much.
The way you support me, and help with my emotions,
the way that you care and show such devotion.
The way that your kiss, fills me with desire,
and how you hold me with the warmth of a blazing fire.
The way your eyes shine when you look at me,
lost with you forever is where I want to be.
The way that I feel when you're by my side,
a sense of completion and overflowing pride.
The dreams that I dream, that all involve you,
the possibilities I see and the things we can do.
How you finish the puzzle that lies inside my heart,
how that deep in my soul, you are the most important part.
I could go on for days, telling of what I feel,
but all you really must know is my love for you is real.
- Scotty Wright -

reference :
 
http://www.lovepoemsandquotes.com/LovePoem37.html 




*I'm going to post my own soon...
   kapag sinipag ako .. hehe*





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.