Wala akong maipost na matino, haha. Gusto ko lang
ibahagi ang nararamdaman ko ngayon, may after shock parin kasi nung nanood kami
ng partner ko ng super hit na movie na Breaking Dawn Part 2 ( The Twilight Saga
) ... at ayun na nga .. sobrang fan talaga kasi ako ng movie na yun .. at
idinamay ko lang ang partner ko dun .. kahit hindi niya talaga gusto panuorin
ay nanood narin siya ( meron kasi syang panget na experience tungkol dun ) pero
ang love story ng movie ay ayos na ayos .. nakaka inlove naman talaga ..
nakaka-antig ng damdamin .. at siyempre kinu-connect ko ang love story nila
Bella at Edward samin ng partner ko :) nakakawala ng stress tunay
Wednesday, November 28, 2012
Thursday, November 22, 2012
Multo
- M U L T O - (iginuhit ni Leeh) |
Ayoko ng ganitong pakiramdam
may mga multo ng nakaraan
hinahabol nila ako
ayaw nila akong
tigilan.
Sinisira nila ang tapang ko
Dinudurog pati puso ko
Bumibilis ang bawat pintig
Ninanakaw ang labis na
pag-ibig.
Mali man ang aking pakiramdam
Hindi ko ito maiwasan
Kasalanan ko ito
Kulang pa ako sa
tapang.
Saturday, November 10, 2012
Tanga
Nakakatawa
Sapagkat
sila’y
mga
tanga
Tanga
para ako’y
Isiping
tanga din
tulad
nila
Iisipin
nilang hindi ko
pa
naiisip
Ang
kanilang hinuha
ang
ideyang
sa
akin
lang
naman nila
nakuha
Ipinagmamalaki
ang
tagal
sa lipunan
Ngunit
kung umarte
naman
ay
Masahol
pa sa sanggol
na
walang alam
Mas
mangmang
Sila
Kung
akala nilang
Ako’y mangmang din
Tulad
nila
Friday, November 9, 2012
Hindi 'yun totoo, ako ang totoo
Nagmamadali at
‘di magkanda-ugaga sa paglakad na patakbo sa iskinita papunta sa aming bahay. Malakas
ang kaba sa dibdib sa galit, nanlilisik ang mga mata, hindi pinapansin ang
sinumang madaanan. Papalapit sa garahe, isang lalaki ang nasalubong ko na siguradong
nanggaling sa aming bahay at alam kong siya ay kanyang kaibigan. Tumigil siya
sa paglakad nang makita niya ako. Hindi pa man ako nagsasalita pero nakuha niya
na kaagad ang tanong ng aking mga mata.
“O-Oo, a-andun silang dalawa,
nakita ko sila, magkahawak ng kamay at nakasandal pa nga sa balikat si …”
Subscribe to:
Posts (Atom)