Wednesday, February 20, 2013

Bakit nga ba ako hindi nagpopost?



          Siguro nagtataka kayo kung bakit nag-iba ang pangalan ko dito sa blog ko, nung December pa nga ito. Kagagawan kasi 'yun ni GMAIL, hindi na kasi niya pinahintulutan na palitan at muling ibalik ang tunay kong pangalan... after 3 years pa daw ako maaaring magpalit muli .. kaya steady na sa “Jdeuhg Ehekag” ang user name ko - siyet!!


 

          Iyon din ang dahilan kung bakit mahigit dalawang buwan akong hindi nakapagsulat at nakapag post dito sa aking blog. Walang tula.. o kahit random post man lang .. Nasira ang buong sistema ko sa pagsusulat, nahirapan akong ibalik muli ang aking sigla at interes sa paglikha ng mga akda. Ni ang tumingin o sumilip ng ibang blog ay hindi ko rin nagawa. Paano ba naman kasi naalala ko lang yung dahilan kung bakit ko pinalitan ito. Kasi ang totoo ay mayroon pang ibang dahilan kung bakit ko pinalitan ang username ko, nahalata rin marahil ng iba kong mambabasa dahil sa huling post ko.. Pero hindi ko na masyadong ipapaliwanag pa ang iba pang dahilan kung bakit. Ayoko narin kasing sariwain pa.




Naging maayos naman na ang problema ko noong nakaraang taon sa pagba-blog.          

 

          Basta ang alam kong problema ko ngayon ay kung paano maibabalik muli ang dati kong username dito. At kung paano ko ibabalik ulit ang sigla ko kahit konti sa pagpopost ng blog.

 

          Pero pansamantala, pwede ring pansamantagal, magpopost muna ako gamit ang iba kong account para hindi na mag-appear yung panget na pangalan na nakarehistro dito sa blog ko sa mga bago kong ipo-post, pwede naman eh, para di ko naman tuluyang talikuran ang pagba-blog, ’di ba.

 

Hehe, magiging maayos din ang lahat. Sana meron paring sumusuporta at bumabasa sa aking blog. Nagpapasalamat nga din ako sa mga bagong likes ng aking FB page, na kahit hindi ako nagpopost ng bago ay meron parin tumatangkilik kahit papaano. Ayun, salamat sa kanila at sa inyo na dumadaan parin dito sa aking pahina.

 

Hanggang sa susunod na post :)

3 comments:

  1. Nasubukan mo na bang kontakin si Google bro? Explain mo kung bakin kailangan mo yung username mo. Baka sakaling iconsider nila.

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.