Monday, April 22, 2013

Minsan ..



Minsan gusto ko pumunta sa malayo, pumunta sa isang lugar na iilan lang ang mga tao, yung hindi magulo, hindi maingay, yung malayo sa mata ng mga nakakikilala sa akin. Sa isang parke siguro, na may upuan sa bawat gilid, na kung saan ako mauupo. Dapat iyon ay gabi, at ang mamamasdan ko ang ganda ng ilaw na galing sa mga poste, ang ilaw na nagmumula sa buwan, at matatanaw din ang mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Baka lumiwanag at gumaan din ang aking pakiramdam.

Minsan kasi gusto ko

magmuni-muni. Isipin ang mga bagay na nagpapabuhay sa aking mga guni-guni. Pagkatapos ay sisikapin kong itaboy ito sa aking sistema.

Gusto ko naring umiyak, baka sakaling maibuhos ko palabas ng aking mga mata ang aking pagkabagabag.

Minsan gusto ko ring maglakad. Maglakad ng dere-deretso na parang walang pupuntahan. Paa ko lamang ang kumikilos at humahakbang, hindi ang aking isipan. Baka sakaling ako ay mapagod, huminto at magpahinga kahit saglit lang.

Siguro giginhawa narin ang aking pakiramdam.
Baka maya-maya lang, magiging maayos narin ang daloy ng aking isipan.

2 comments:

  1. maganda ang metapora ng akdang ito... may laman at dama ang emosyon...

    magandan tip: magpakapagod upang makapagpahinga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga no .. tama .. gagawin ko yan .. mas madaling magpahinga kapag pagod na pagod ka na :)

      tenks sa pagdalaw :))

      Delete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.