Limang araw narin
ang lumipas simula noong nalooban kami at nawala ang aking mga kagamitan. Ilang
araw ring lagi akong tulala, hindi makapagtrabaho ng maayos, walang ganang
kumain, hindi makangiti, at wala sa sarili ---- pero ayoko na! Ayoko nang
alalahanin pa ang mga bagay na iyon. Buti na lang nakalikom ako ng maraming
dahilan para hindi na isipin pa ang nangyaring iyon.
1. Mga
Kaibigan at katrabaho -
Ikinatutuwa ko na lang isipin na may mga nagpapayo sa akin, mga kaibigan,
katrabaho, na mayroon pa daw mas maraming biyaya ang nakaabang sa akin at sa
aming pamilya. Ang galing di ba? Umaasa naman ako at pinaniniwalaan ko iyon.
Nararamdaman ko, higit pa sa mga bagay na iyon ang maibabalik sa akin. HEHE.
Salamat at binibigyan nila ako ng mga payong pampalubag-loob.