Limang araw narin
ang lumipas simula noong nalooban kami at nawala ang aking mga kagamitan. Ilang
araw ring lagi akong tulala, hindi makapagtrabaho ng maayos, walang ganang
kumain, hindi makangiti, at wala sa sarili ---- pero ayoko na! Ayoko nang
alalahanin pa ang mga bagay na iyon. Buti na lang nakalikom ako ng maraming
dahilan para hindi na isipin pa ang nangyaring iyon.
1. Mga
Kaibigan at katrabaho -
Ikinatutuwa ko na lang isipin na may mga nagpapayo sa akin, mga kaibigan,
katrabaho, na mayroon pa daw mas maraming biyaya ang nakaabang sa akin at sa
aming pamilya. Ang galing di ba? Umaasa naman ako at pinaniniwalaan ko iyon.
Nararamdaman ko, higit pa sa mga bagay na iyon ang maibabalik sa akin. HEHE.
Salamat at binibigyan nila ako ng mga payong pampalubag-loob.
2. Comments
sa blog - Natutuwa naman
ako at kahit papaano ay may mga nagkomento sa blog na pinost ko dito, at
nalalaman ko na may nagbubukas at nagbabasa pa naman sa blog ko, akala ko kasi
wala na.
3. FB
Page Likes - Pakana ko
parin siymepre ito, pina like and share ko kasi sa mga OJT namin ang aking FB
Page, oh diba.. hehehe.. dinagdagan nila ang aking mga kababawan.. at natutuwa
talaga ako dun. Hahaha. (pero di nila ginawa ang pag like and share sa office
ha, siyempre sa bahay nila) *wink*
4. New
Make-up kit - Isa din sa
mga kinalungkot ko sa mga nawalang bagay sa akin, dahil sa buong bag ko ay
nakuha, siyempre wala man lang natira kahit ano. Suklay, pulbo, salamin, at mga
bagong bigay pa lang sa akin ng aking kaibigan na mga pang make-up ay nadala
rin. Kaya tuwing umaga talaga bago pumasok ay frustrated ako lalo, paano ba
naman ay hindi man lang ako makapag ayos ng muka, kaya mas lalo akong
nagmumukang kawawa. Pero buti na lang, binilhan ako ng mga bagong pang make-up
ng boypren ko. Hihihi.. Kaya naman simula noon ay ngumiti narin ako at natuwa.
Mababaw lang pero masaya na ako ulit... wahahaha... makakapag-ayos na ko kahit
papaano. Gumagaan ang pakiramdam ko lalo.
5. Bakasyon - Nung Saturday ay napag desisyunan namin
ng boypren ko na umuwi sa tagaytay at magbakasyon ng dalawang araw. Tutal doon
din naman siya boboto. Para naman makalimutan ko saglit ang takot sa pagtulog,
at ayun mapayapa naman kaming nakpagpahinga doon at naklanghap ng medyo
sariwang hangin, nakatulog din ako ng mahaba-haba. Salamat kay boypren, lagi
siyang andyan para sa akin.
Kaya ngayon, ay
nagawa ko ng magpost ulit dito sa aking blog, para mawala na aking pagkalasing
sa nangyaring nakawan sa amin, mawala na ang hangover kundi maka get-over na ng
tuluyan. Wahahaha ... ako ay isang napakaswerteng nilalang.. may buhay at lakas
.. at may nakaabang na mas magandang bukas!!
*inhale*
*exhale*
Good vibes na ulit
!! :)
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)