Sunday, November 5, 2023

Don't you dare

In shadows deep, you mustn't tread,

If fleeting thoughts are all you bring, instead.

Don't let me hold on to a fading dream,

Release my heart from the what-ifs' scheme.


Don't question of my day's embrace,

The hollow echoes, the empty space.

Let silence linger, let distance mend,

A heartache's journey, a sorrow's end.


In whispered echoes, let it be,

A distance kept, a soul set free.

For in your presence, flames may rise,

Desires unbidden, in longing eyes.


The fear of wanting, of needing you near,

It whispers softly, in shadows of fear.

You seem to sidestep, to keep me at bay,

A choice unspoken, a love held at bay.


To touch your shoulders, taste your lips,

A dangerous dance, a precipice.

Yet I must hold back, restrain the fire,

And quell the yearning, quench desire.


In hushed plea, I beg you stay away,

For closer still, my heart may sway.

I sense your distance, your quiet retreat,

A truth I grapple, a pain hard to meet.


I've tasted the ache, the sting of before,

A heart left bruised, longing for more.

So spare me the pain, the wounds of old,

Let silence speak, let the story unfold.


#itsmedaisyLee

Wednesday, August 2, 2023

P. S.

Kung sakaling mabasa mo ito

at naisipan mong iwasan na ako

dahil hindi mo naman talaga ako gusto

sapagkat panaginip lang lahat ng 'to

Ayos lang, huwag kang mag-alala

Asahan mong hindi na kita kukulitin

At aayain sa kung saan-saang ganap

para magkasama tayo

Nadala narin naman ako

Papalipasin ko na lang ang mga araw

hanggang sa matanggap ko na

magkaibigan lang talaga tayo

Na maaaring may iba ka naman talagang gusto,

hindi ako.

Possible ring sa iba mo nilalaan

ang kantang paborito kong kantahin para sayo.

Pasensya kana,

kung inakala kong si Janice ay ako. 



Monday, July 24, 2023

Panaginip Kay Janice

Matapos ang buong gabi nating magkasama, dahil tila hindi kuntento sa nagsisimula pa lang na palitan ng kwento nating dalawa, habang sakay mo ako sa iyong motorsiklo, nag desisyon tayo na dumayo sa isang lugar na maaaring uminom pa ng bahagya habang nagkukwentuhan.

Pagdating doon ay magkaharap tayo ng upuan. Sa lamesa ay may sampung bote ng pilsen at mga pritong manok na hindi masyadong malinamnam. Pero hindi natin maiwasan na magpasahan ng mga tawa sa bawat istorya na binabahagi natin sa isa't isa. Habang hindi natin namamalayan ay sumisikat na pala ang araw at unti-unti narin akong tinatamaan sa iniinom kong serbesa.

Hindi ko alam kung ako lang ba, pero nagsisimula na akong sumisid sayong kaluluwa. Bakit ba kasi ganyan kang ngumiti? Para akong kinikiliti. Iniiwasan kong makita mo na abot tenga na ang aking tawa, sumisingkit na ang mata at nagsisimula ng dumami ang mga paru-paru sa aking tiyan na nagpapamula ng aking pisngi at nagpapakaba ng aking pakiramdam.

***

Habang maligaya ang aking kaluluwa at nakatingin sa'yong buong mukha, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. May mga taong hindi ko kilala na unti-unting pumalibot sa ating dalawa. Sa kanan ay may mga babae na sumasayaw ng mabagal habang sa kaliwa naman ay mga kalalakihan na kumakanta ng kantang..

"Halika dito, sumugal ka ng sampung minuto. Sabay tayong maglalayag sa kawalan, sakay ng ating isipan"


(Janice by Dilaw)


Sa sobrang lakas ng tugtog hindi ko na maintindihan ang pangyayari. Parang lahat sila masaya, naghihintay, nakikikanta at nag-aabang. Basta kinakabahan na ako, sabay tanong ko sayo "Anong nangyayari?" Ngumiti ka lang, yung ngiting nakakapag pahina ng kalamnan. Tuloy-tuloy parin ang musika habang naghihintay parin lahat ng mga taong nakikisaksi sa gagawin mo. Bigla kang tumayo, at dahan-dahang lumapit sakin kaya napatayo narin ako. Maya maya pa, may iniabot ang isang lalake sayo na mga bulaklak at mikropono. Huminga ka ng malalim bago tuluyang nag salita at tumingin sa aking mga mata.

"Alam ko, ngayon lang tayo nag kakilala pero tinamaan na yata ako sayo. Pwede ba kitang maging kasintahan?" Nakangiti ka parin.

Pero na blanko ako ng bahagya, nagulat at nag-alala. Kasi tama ka ngayon lang tayo nagkasama ng mga ilang oras pero hindi pa natin lubusan na kilala ang isa't isa. Kaya sabi ko..

"Totoo ba ito? Ngayon kaagad?"

sumagot ka "Totoo, gustong gusto kita kaya sana pumayag kana, pwede ba?"

Kaya huminga ako ng malalim at sumagot sayo "Oo, sobrang saya ko ngayong araw na ito dahil kasama kita, na halos ayaw ko na nga matapos na makasama ka, pero ayaw mo ba muna akong mas makilala pa? Ayaw mo ba muna akong ligawan? Atska, alam mo ang dahilhan kung bakit hindi pweng maging tayo kaagad, naikwento ko na kanina di ba?"

Hindi ko alam kung nalungkot ka bigla sa sagot ko, kaya hinawakan ko ang mga kamay mo at nagsalita ulet.

"Pasensya kana, hindi kita sasagutin sa ngayon, pero hindi ibigsabihin nun ay hindi kita gusto, ang totoo nyan gustong gusto kitang makilala pa ng lubusan, para makita ko rin kung handa ka ba talagang pagdaanan ang mga mahihirap na bagay kapag balang araw ay dumating ang punto na mahal mo na talaga ako. Pakiramdam ko kasi masasaktan lang tayo kapag binigla natin ito, mas gusto ko yung dahan dahan. Yung sa bawat araw, mas malalaman ko yung hindi lang ang pagka gusto mong maging sayo ako ngayon kundi yung pang mahabang panahon na hindi mo na gugustuhing hindi ako mahalin sa bawat araw ng buhay mo. Na pipililiin mo ako sa maraming pagkakataon at lahat ng iyon, lahat ng pagmamahal mo ay  tutumbasan ko ng walang pag-aalinlangan at buong-buong ako"

Ngumiti ka lang at di na nagsalita, kaya lumapit pa ako sayo, niyakap na lang kita ng mahigpit habang nakapikit at nagpasalamat sa pagiging matapang mo ngayon araw na to. 

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, bigla na lang nawala yung ingay sa paligid at mukhang nag si alisan narin yung ibang mga taong nakiki isyoso sa atin. 

***

Pag-dilat ko, napatingin ako sa kisame, sunod ay sa orasan ng telepono.

Alas dose. Tanghali na pala. Kailangan ko ng gumising.



Thursday, May 23, 2019

I won’t stop everyday



I won’t stop saying that I love you

That I'm in love with every single details of your face

That I can’t get enough on staring at your eyes

That I always want to whisper in your ears

That I’m truly in love with you

That I always want your arms wrapped around me

That I always want you near me

That I’m terrified to lose you

That’s why I wanted to love you everyday

I won’t stop showing and saying that I love you

More than three times a day

I just hope that you won’t get tired

Get tired of hearing it from me

That you won’t get tired loving me too everyday


#dps

Sunday, April 22, 2018

Sisid


Limang beses isang linggo
Maaari kitang makita
Pagmasdan ang iyong galaw
Subaybayan ang bawat mong kilos

Inaabangang ika'y dumaan sa aking pwesto
Tapos tataas lahat ng aking balahibo
Saglit na hihinto ang aking paghinga
Tiyak na di maiiwasang ako'y mapatulala

Sunod noo'y mangangarap na ako ng gising
Na sana kahit minsa'y humaging ako sa iyong paningin
Sabay hindi mo na maiiwasang sa akin din ay mapatingin.
Pagkatapos mararamdaman ko ang iyong mga mata
Na unti-unting sumisisid sa aking kaluluwa




-daisylee 030618

Friday, February 2, 2018

RARE



I was hooked by your calm eyes
I can feel it in my belly there are butterflies
It made me want to invade your soul
Be part of it, fill that hole and be whole

With your photograph I’m amazed
Just black and white but it truly weighs
With your dungeon images I am hypnotized
You set me in motion but I think I’m paralyzed

Your strange smile for me is so attractive
Such a quiet strength, now my force is abortive
Emotions were overflowing yet I became aggressive
I let you know my feelings, that there was no right adjective

I feel like I am facing a mirror I can see myself to you
Showing same reflection, so silent and yet so blue
I want to put at least a spark on it and see you through
See our distance to be closer, but I wasn’t asking for revenue

Now I find myself so rare, I’m insane
This isn’t possible, not at all, I’m all to blame

But I just can’t stop staring at you my dear
Listen to me and let me gaze on your atmosphere
Let me put some sparkling stars, you know I’m sincere

Let us stop holding everything back,
Forget every dreary flashback
Let’s move forward meet me halfway so we can stand,
Together on the same sky, let’s create our own land.


-daisylee 11/18/17

Tuesday, May 30, 2017

HINDI MO NA KAILANGANG MANIWALA

Sinabi ko na kasi sayo,
Na mali ang ginawa mo.
Bakit ba kasi naniwala ka pa
Na tunay ang pag-ibig
Dadayain ka lang nito
Sa matatamis na salita,
Mga pngakong wala ka namang mapapala

Sana matuto kana.
Wag ka nang umulit,
Hanggat hindi ka sigurado
Wag kang sumugal.
Magpahinga ka.
Maghintay ka

Saturday, March 18, 2017

Nang ako ay muling tumula



Noo'y masalimuot ang bawat umaga
Takot sa bawat gabi
Sa mga multo ng nakaraan
Sa panaginip ko sila'y naglalabasan

Kung kaya't isang umaga,
Sinubukan kong muling lumabas
Ano na nga ba ang pakiramdam
Ng umaga sa labas ng bahay?

Naglakad ako ng matiwasay,
Nakayuko ngunit mukhang mataray
Noon ay ika-22 ng Pebrero
Suot ang paborito kong sumbrero
Iniiwas ko ang aking tingin
Sa mga taong tumititig sa akin
Taglay ang kanilang mapanghusgang mga mata
Na nakasisira ng paggising sa umaga

Tinungo ko ang lugar na aking paroroonan
Nakarating naman ako ng walang pagaalinlangan
Ngunit di ko akalain, na ang araw na iyon
Ang gigising sa aking natutulog na mga layon
Ang magtatatak na muli sa aking mga labi
Ng isang ngiting matagal kong naitabi
Isang liwanag na nanggaling sa isang hindi ko kakilala
Ako ay agad na nahawa, dumaloy sa aking sistema
Nagpaalala, dapat ako ay maging masaya na

Salamat sa haring araw ako ay muling nasilayan
Ngiti sa aking mga labi ay hindi na naiwasan
Mula sa pagkamangha sa kanyang mga mata
Dumaloy at kasiyahanng muli sa king puso ang nadama

Friday, February 3, 2017

Wala na ang simula


Tula,
Saan ako magsisimula
Sa wakas ba na wala ng bukas?
O sa simulang wala ng mga bakas?

O sige sa simula.
Ako'y iyong naapuhap sa isang madilim na kalagayan
Ngunit wika mo ri'y ako'y magandang bulaklak
na iyong natagpuan
Hindo mo ako basta pinitas nung ako'y iyong magustuhan
Sa halip ako ay diniligan at iyong inalagaan.

Mahigit apat na taon
Masaya naman tayo noon,
Natural na may away at mga problemang pinagdaanan
Ngunit hindi tayo bumitiw, kahit gaano kahirap at kabigat
Patuloy mo akong niyakap, at patuloy akong naniwala
Nagtiwala sa magaganda mong pamagat.

Ngunit eto tayo sa dulo,
Dunggot na aking kinatatakutan
Hindi mo na natiis ang mga hirap na aking pasan
Tuluyan ka na ngang nagsawa, nawalan ng gana,
Natakot dahil hindi mo ako lubusang mahawakan
Natakot ka na baka hindi ka na sumaya,
Dahil pakiwari mo hindi tayo uubra.

Bakit nga ba?
Akala ko ba tunay ka, at plano mo akong samahan
Hanggang sa huling hininga ng iyong buhay?
Kaya ka nga nagtanong, sa tuktok ng bundok
Sa bundok ng Pulag, bitbit ang iyong karatula
Kasabwat ang aking mga kapatid,
Na tila naging isang banda sa pag-awit
Magkaron lang ng magandang musika sa ating paligid.

Ano nga ang iyong tanong?
Na ang totoo ay hindi malinaw sa akin noon.
Tama, tanong mo nga kung nais ba kitang pakasalan.
Nilabas mo rin ang singsing na gusto mong isuot sa akin.
Nakatanaw lahat ng tao sa ating nakapalibot.
Mga kapatid ko, kanilang mga nobyo.
Mga taong dayuhan na hindi ko batid kung sino
Nakikitili, nakikipalakpak, nakikibahagi
Sa kasiyan na para sa akin, para sa atin.

Sinuot ko ang singsing, hindi ba?
Tugon sa iyong tanong,
Dahil malamang, matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong iyon.
Nais kitang pakasalan. Tunay, dahil iyon na lamang ang ating kailangan.
Dahil paniwala ko tayo na para sa isa't isa.
Sinubok na tayo ng panahon, malayo na ang ating narating
At wala ng makapaghihiwalay sa atin.

Mali pala ako?
Ako lang pala talaga ang nag-iisip at naniniwala roon.
Palabas lamang pala lahat ng iyon.
Sinubukan, pinagbigyan mo lang pala ang aking pantasya.
Hindi pala totoo ang lahat ng iyon.
Pinahiram mo lang pala sa akin ang iyong mga pangako.
Sinubukan mo lang palang iparamdam
Kung gaanong kaligayahan ang ating mararamdaman.
At gaano kasaya ang mapangakuan.

Ganyan ka pala?
Ayaw mo pala talaga ng hirap.
Tinapon mo lahat ng ating pangarap.
Ang magagandang simula na mayroon tayo,
Ang bawat gitna na masaya at malungkot.
Na ating naaayos kahit masalimuot.
Dahil sa wakas, binigyan mo na tayo ng wakas.

Narito na nga tayo sa wakas.
Dahil tapos na ang lahat.
Nais mong ayusin ang buhay mo
Para ayusin ko din ang buhay ko.
Pinalaya mo ako dahil gusto mong palayain kita.
Para makapili ako ng mas karapat-dapat
At para makatagpo ka ng mas kaaya-aya
Yung uubra sa iyo, yung magbibigay sa iyo ng ligaya
Yung puro ligaya lang,
Baka sakali muli sa simula

Gusto mong magsimula ulit.
Ngunit sa iba na, sa isang kaibigan,
Matagal mo na pala syang nais
Hindi ko napansin, hindi ko batid.
Bulag-bulagan.
Akala ko kasi lahat ng sakripisyo mo totoo.
Nagpanggap ka lang pala.
Pinaubra mo lang pala.
Kung ganon, yan din ba ang iyong gagawin ngayon?
Dahil hindi tayo nagtagumpay,
May nahanap kang iba na sisirain ulit ang buhay?

Haaaay, hindi na kita kilala.
Ibang-iba ka na.
O sadyang maswerte ako sapagkat
Hindi pa huli ang lahat,
Nakilala ko na kasi ang tunay na kulay ng iyong balat.

Kung ganoo'y salamat.
Salamat sa lahat ng masasayang pagmamahal
Kung lahat man iyo'y pagpapanggap ay salamat.
Dahil naramdaman ko parin naman, kaya salamat.
Sapagkat maaari na akong gumawa ng isang alamat
Alamat ng isang babaeng natagpuan,
Pinasaya, niyakap, pinangakuan,
Pinanghawakan, ngunit di rin nagtagal ay iniwan.
Isang masalimuot na alamat.

Hindi ko ito makakalimutan,
Kaya maraming salamat.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.