Saturday, March 18, 2017
Nang ako ay muling tumula
Noo'y masalimuot ang bawat umaga
Takot sa bawat gabi
Sa mga multo ng nakaraan
Sa panaginip ko sila'y naglalabasan
Kung kaya't isang umaga,
Sinubukan kong muling lumabas
Ano na nga ba ang pakiramdam
Ng umaga sa labas ng bahay?
Naglakad ako ng matiwasay,
Nakayuko ngunit mukhang mataray
Noon ay ika-22 ng Pebrero
Suot ang paborito kong sumbrero
Iniiwas ko ang aking tingin
Sa mga taong tumititig sa akin
Taglay ang kanilang mapanghusgang mga mata
Na nakasisira ng paggising sa umaga
Tinungo ko ang lugar na aking paroroonan
Nakarating naman ako ng walang pagaalinlangan
Ngunit di ko akalain, na ang araw na iyon
Ang gigising sa aking natutulog na mga layon
Ang magtatatak na muli sa aking mga labi
Ng isang ngiting matagal kong naitabi
Isang liwanag na nanggaling sa isang hindi ko kakilala
Ako ay agad na nahawa, dumaloy sa aking sistema
Nagpaalala, dapat ako ay maging masaya na
Salamat sa haring araw ako ay muling nasilayan
Ngiti sa aking mga labi ay hindi na naiwasan
Mula sa pagkamangha sa kanyang mga mata
Dumaloy at kasiyahanng muli sa king puso ang nadama
Labels:
Tula / Poem
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)