Thursday, June 30, 2011

Dapat sana..




Huling araw ng buwan..
Sampung buwan na pala ang nakalipas…
Dapat pala sampung buwan na…
Komplikado..
Malungkot..
Nag-away na naman kami kanina..
Bakit kaya tuwing ika-30 ng buwan madalas magtalo kami?
Sadya ba talaga..
Hays..
Siguro hindi naman.. sana..
Wala naman akong ibang gusto ngayon kundi makita lang siya..
At saka makasama..
Kaso hindi puwede…
Malabo..
Wala akong maisulat na matino ngayon..
Nakakainis…
Maghihintay na lang siguro ako …
Malapit na mag-uwian..
Overtime ba?
Nakakatamad..
Uuwi na lang ako agad…
..
Bye..

Tuesday, June 28, 2011

Ang Kwento ng Lapis at Papel



Lapis at Papel
Kung itatanong mo kung gaano kita kamahal, sasabihin ko sa'yo..

Tulad ng pagsasama ng Lapis at Papel,
na mula sa kawalan ay nakabubuo ng napaka raming kabuluhan..
Ako ang Lapis at ikaw ang Papel!
Susulatan kita ng lahat ng
aking mga pangarap,
mga kwentong masaya at nakaiiyak,
guguhit din ako ng mga larawang makulay,
Mula doon ay magsisismula ang ating daigdig
ang buhay na pagsasaluhan natin..
Hanggat may espasyo pa ako
sa mapag-aruga mong papel.
Ngayon,
At kung sakaling magsawa ka na
at ayaw mo na kong makasama
huwag kang mag-alala,
dahan-dahan.. itutupi kita
upang maging isang eroplanong papel!
sabay paliliparin kita sa hangin
sa ilalim ng malawak na langit.
Mula sa itaas,makikita mo marahil
ang ibang mundo,
Mundong malayo noong magkasama pa tayo.
Kasama ng 'yong pagiging malaya
sa pagpili kung saan mo gustong lumapag.
Nandito lang ako at masayang
nananalangin
na sana higit pa kaysa sa akin
ang mapuntahan mo..
At kung malaglag ka sa lupa
at walang sinumang pumapansin..
dahil hindi ka na sing kisig at tayog
noong nasa taas kapang lumilipad.
Kung ang lahat ng inaasahan mong pupulot
sayo ay dinadaanan ka lang
kasabay ng paglubog at
pagsikat ng araw…
Doon, doon ako darating.. upang kunin ka
at muling ialok ang mundong
binuo ko
para sayo.
Iaaayos ko at papantayin ang
mga tupi
at nalukot mong bahagi noong
eroplano ka pa!
Ibabalik kita bilang isang papel
at ako pa rin ang lapis
na walang sawang susulat sayo
at magiging kasama mo
habangbuhay..
Pag naging totoo na ang mga
bagay
na hindi natin inaasahan,
saka mo ko tanungin kung
gaano kita kamahal...,

Monday, June 27, 2011

The Mysterious Thing Called LOVE.



If you find yourself in love with someone
who does not love you, be gentle with yourself.
There is nothing wrong with you. Love just didn’t choose
to rest in the other person’s heart.

If you find someone else in love with you and
you don’t love him/her, feel honored that love came and
called at your door, but gently refuse the gift you cannot return, do
not take advantage, do not cause pain.
How you deal with love is how you deal with you,
and all our hearts feel the same pains and joys, even
if our lives and ways are different.

If you fall in love with another, and he/she falls in
love with you, and then love chooses to leave, do not try
to reclaim it or to assess blame, let it go.
There is a reason and there is a meaning.
You will know in time .

Give it back to the person who brought it alive in you.
Give it to others who deem it poor in spirit.
Give it to the world around you in anyway you can.
There is where many lovers go wrong.
Having been so long without love, they understand
love only as a need.
They see their hearts as empty places
that will be filled by love, and they begin to look at love as something
that flows to them rather than from them.
The first blush of new love is filled to overflowing,
but as their love cools, they revert to seeing their love as need.
They cease to be someone who generates love and instead become someone
who seeks love.
They forget that the secret of love is
that it is a gift, and that it can be made to grow only by giving it away.
Remember this, and keep it to your heart. Love has
its own time, its own seasons, and its own reason for
coming and going.
You cannot bribe it or coerce it, or reason
it into saying. You can only embrace it when it arrives and give it
away when it comes to you.
But if it chooses to leave from your
heart or from the heart of your lover, there is nothing you can do
and there is nothing you should do.
Love has always been and will always be a mystery.
Be glad that it came to live for a moment in your life.


>> P.S.<<

     I really love this poem about how mysterious love could be. I knew about this when I was in high school. My Sister's best friend  gave a letter to her together with this poem. And it do attract my attention because I was in love at that time. I posted this here for those who still doesn't know about how do love just walk in and out in their lives.


Friday, June 24, 2011

Lamig ng Tag-ulan




                Napakalakas ng hangin, humahampas sa katawan at halos tangayin ka na sa sobrang lakas. Sabayan pa ng nakapangnginginig na lamig nito dahil sa ulan na bumubuhos  kasabay ng hangin. Ang sarap matulog kapag ganitong tag-ulan at napakalamig.

            Kapag ganito ang panahon marami rin akong naaalalang mga pagkakataon. Kapag tag-ulan kasi sumasakto enrollment na, pasukan. Naaalala ko tuloy nung nag-aaral pa ’ko. Kapag umuulan kahit may payong pa akong dala e tiyak na mababasa parin ako ng sobra. Pwede na ngang pigain ang laylayan ng paldang uniporme ko. Masaya kapag suspended ang klase dahil signal no.1 na ang bagyo. Hindi muna kami uuwi ng mga kakalase ko, pupunta muna sa mall. Doon kami magvi-videoke, kantahan to-da-max, maglalaro at magkukwentuhan. Kapag merong mapera, foodtrip naman. Kapag napagod na, saka pa lang uuwi sa kanya-kanyang bahay. Grabe, nakaka-miss mag-aral.

            Mayroon ding mga favorite moments ko noon kapag tag-ulan. Naalala ko nung first year college ako. Yung kauna-unahang taong nagpakilig sakin sa ilalim ng napakalakas na ulan at napakalamig na hangin. Ang unang naging bestfriend ko na lalaki. Si Maqui, na tinatawag ko noon na “boo”, tawag naman niya sakin e “doo”. Ang weird nga e, yung boo kasi may meaning, yung doo, ewan ko sa kanya. Ah basta, naalala ko kasi noon, dahil mag-bestfriend kami madalas kami sabay umuwi. Siyempre kapag umuulan share kami parati sa payong na gamit, habang siya naka-akbay sa’kin. Napaka-sweet  namin tignan noon. Habang ako, halos maihi na sa kilig at sa sobrang lamig. Dahil iisa lang ang payong na gamit, panigurado basa parin kami pareho. Pero ayos lang basta masya kaming magkasama. Kahit siya parati ang nauunang bumaba ng dyip, kasi sa North Faieview lang siya nakatira, e ako sa Manggahan pa, mas malayo kapag galing ng school, sa Novaliches. Kapag nakarating na ‘ko sa bahay maalala ko ulit ‘yung mga moments bago kami maghiwalay. Kikiligin ako ulit at ‘di makapaghintay na magkita kami ulit sa kinabukasan.


  

            Masarap lang alalahanin. Siyempre, bahagi parin siya ng nakaraan ko. Kahit nagkaroon kami ng matinding hindi pagkakaunawaan noon. Mabuti na lang at naging maayos narin kami bago kami naka-graduate ng college.

            Namimiss ko na nga rin siya paminsan-minsan e, miss ko na ang bestfriend ko “dati”, kasi hindi na ngayon. Pati pagiging magbestfriend namin nawala na dahil sa mga pangyayari. Pero ayos lang, basta alam ko magkaibigan parin kami ngayon. Hindi na nga lang close katulad ng dati. May sarili na siyang buhay, may girlfriend na nga siya, matagal na. Mukhang ‘yon na ang mapapangasawa niya kasi sabi niya, wala na daw siyang balak pang maghanap pa ng iba. Kaya naman masaya ako para sa kanya, sana patuloy pa siyang maging masaya kasama ang magiging sariling pamilya niya.

            Hindi ko nga alam kung bakit biglang siya ang naging topic ko ngayong araw e. Naalala ko lang kasi. Ang title nga nitong blog ko na “Ang mga Talata”, nalala ko rin na kapareho ng title ng kantang ginawa ko noon na ako mismo ang nag-compose para sa kanya. May konting pagkakaiba kasi “Talata” lang pala ang pamagat ng kanta ko na ‘yon. Tinutugtog ko parin at kinakanta paminsan-minsan. Kaya naaalala ko siya. ‘Di ko naman na kasi siya makakalimutan. Minsan ko paring maaalala ang mga pagkakataon na kasama siya. Mula sa pagiging matalik na magkaibigan, matamis na pagmamahalan, at sa pagiging ordinaryong magkaibigan na lang ulit. 

            Gaya nga ng sabi ko sa kanya dati, salamat sa kanya at dumating siya sa buhay ko, siya ang nagpakilala sa’kin ng unang pagmamahal. Kung wala siguro siya e hindi ako natuto sa mga pagkakamali na nagawa ko, na dapat ay hindi ko na ulitin, para hindi na ako iwan ulit ng mahal ko.
           
                       

Friday, June 17, 2011

Palaisipan


Hay napakaraming isipin.
Di ko na alam paano ko sisimulan,
Lalo na kung papaano tatapusin.
Teka.
Ano ba sisimulan ko?
Para may tapusin ako?
Magulo. Magulo ang isip ko.
Magulo ang aking buong kamalayan.


Samu't sari ang nagpapaliguy-ligoy sa utak ko.
Gusto ko na magpakatino.
Gusto ko nang gawin ang dapat na matagal ko nang dapat na ginawa.
Pero 'di ko alam kung kaya kong gawin, kung kaya kong panindigan.
Nakakatakot.
Masyadong mahirap.
Masyadong masakit.
Mukhang 'di ko kayang tanggapin.
Mukhang matinding paghihirap ang paghihinagpis na titiisin.


Durog na durog na ang puso ko dahil sa paulit-ulit na pagkawasak nito.
Maraming beses sinubukang binuo pansamantala.
Nagtiwala ng kaunti at umasa.
Pero bakit hanggang pag-asa na lang?
Walang kalinawan kung hanggang saan patutungo at patuluy na dadamayan.


Pero sanadali na lang.
Gusto ko pang sumaya.
Ang totoo gusto ko sanang sumaya, yung totoo na sana.
Yung tipong pang habang-buahy na.
Walang pasakitan.
Walang pagtitiis at pagpapanggap na masaya.
Masaya naman talaga, kaso lumulungkot ulit kapag nagkamalay na,
Kapag nagising na sa katotohanan.

Haist. Parang tanga lang.


Gusto ko ng pang-habang buhay.
Walang katapusan.





Wednesday, June 15, 2011

Ideal Man??

*


Kaninang umaga,
may nagtanong sakin kung sino o ano nga ba ang pamantayan
para humanay sa  ideal man ko.

Natawa lang ako.
Nasagot ko na kasi ang tanong na ‘to dati.
Pero ibabahagi ko lang para malaman lang ng mga hindi pa nakakaalam.
*isip*


Mas matangkad sa'kin..
Hindi macho basta ‘wag din mataba.
‘Wag rin naman maputi, pero ‘wag namang kulay ulikba.
Kahit hindi masyadong guwapo basta pwedeng matitigan,
 yung nakakainlove kapag tinititigan ..
Magaling mag-gitara at magaling kumanta,
 para jamming kami sa magagandang musika ..
Mabait, responsable, maganda ang pangrap sa buhay at masipag.


Tapos..
Kaya akong ipagtanggol, sa maraming paraan.
Kaya akong ipaglaban sa marami ring aspeto.
Kayang tanggapin ang kahit anong kahinaan o kapintasan ko.
Kayang sabayan ang daloy ng buhay at pananampalaya ko.
Hindi mapapagod na sabihin at ipadama na mahal na mahal niya ako……



. . . . . . . habang buhay


*muni-muni*




( uwian na, bukas ulit ) ^^


Saturday, June 11, 2011

MDJuan Part II

ang pagpapatuloy...


Marami na kong naging mga kakilala at matuturing ko na rin silang mga kaibigan.
Kahit hindi pa kaibigan ang turing nila sakin, ayos lang..
ngingitian ko na lang sila..
Para malaman nila na masaya akong katrabaho ko sila.

Sa mga listahan ng mga naging una kong mga kaibigan, idadagdag ko siyempre ang mga kaBrod ng kuya ko na sila Sir Angelo, Sir Joel, at siyempre ang pinaka favorite ko, si Sir Elmer. Mababait sila, kahit madalas inaasar nila ako, natutuwa naman ako sa kanila, lalo na kay sir Elmer, tuwing sinasabihan nila ako na... 
" Bakit parang Blooming ka ngayon?" wahahaha... siyempre natatawa at natutuwa ako sa kanila, kaya ayos lang kahit araw-araw nila akong asarin.
Pinapasaya nila ako parati.

Si Sir Eulyses na mukhang clown, pano lagi kasing nakabungisngis, at tiyak mukha palang niya masisiyahan ka na kasi isa siyang masyahing tao sa pagkakaalam ko.
Ang boss niya na si Sir Marasigan, na napaka sweet kasi "sweetheart" ang tawag niya sakin, pero naobserbahan ko narin na itinatawag niya pala yun sa lahat ng mga girls, oh baka nga pati sa mga anak niya. *tawa*. Pero ayos lang, natutuwa naman ako kapag tinatawag niya ako.

Punta naman tayo sa mga taga baba.

Ang mga taga production, sa pangunguna ni Sir Raul, na magaling kaduet sa pagkanta.

Ang taga QA na si Sir Michael, na magaling magluto ng pancit canton, nung time na nag O.T. kami, kahit ang kaunti na lang ng natira para sakin (hehe joke)

Ang mga contractors, marami sila para banggitin, pero andun siyempre si Mang Jeremias, na tatay ang tawag ko, kasi para na niya akong anak.  Actually, kapag break time na, ang mga kasama ko parati kumain ay sila Ate Darling, Mang Jermy at Ate Salve (na bago naming supervisor sa PPIC Department kaya nasa taas na siya ngayon.). Silang Tatlo ang madalas na kasabay ko kumain, at ang gagalante nila kasama. Lagi kasing merong softdriks, pamatid uhaw at init. Madalas kasi nila akong ilibre (ang suwerte ko). Kaya sana lagi ko sila kasabay kumain. (hehe)


Ah basta, nagpapasalamat ako sa kanilang lahat.


Sana mapagtiyagaan pa nila akong makasama at makatrabaho.
Sana patuloy pa silang maging bahagi ng araw-araw kong dahilan
ng pagpasok dito sa MD Juan.

Sana tumagal din ako.
Kahit papaano.



 -end-





Wednesday, June 8, 2011

MDJuan Part I

Noong unang araw ng pagpasok ko dito, medyo kinkabahan pa ko.
'Di ko pa kasi sigurado kung papaano ang magiging takbo ng buhay at trabaho ko sa araw-araw ng pamamalagi ko dito.

Maraming tanong tuloy ang nabuo sa isip ko.

Meron kaya akong makakasundo?
Meron kaya akong magiging kabarkada o katropa?
Magkakaroon kaya ako ng maraming kaibigan?
Magiging masaya kaya ako dito?
Makakabonding ko kaya sila sa samu't saring mga trip ko?
O baka naman may makaka-away o kagagalit ako, naku, hindi kaya?
Matutuwa kaya saakin ang mga superiors ko?
Mapapansin kaya nila ako?
Mailalabas ko kaya dito ang talino ko?(kung meron man)
Marami kaya akong matututunan?
Mapopromote o mareregular kaya ako?
Tatagal kaya ako dito?

Sa araw-araw na pananatili ko dito, sa araw-araw na pagpasok ko,
may mga nasagot narin sa ilang mga katanungan ko.
Pero tinatanya ko parin  kung gaano kapino ang magiging pagkilos at pakikihalubilo ko sa mga makakatrabaho ko.

Hindi naman ako nagkamali. Naging sakto lang ang mga galaw at pakikisama ko,
dahil naging masaya ako sa mga taong naging mga kaibigan ko.

 
Una kong naging mga kaibigan sila Paul, Emman, at Eugine.
Si Paul na kahit inaaway ako ay siya parin nag partner ko sa trabaho.Siya nagturo sakin ng mga dapat kong gawin, siya nag turn-over sakin ng mga trabaho na dapat ako na ang gagawa.
Si Emman na lagi akong tinatawanan kapag kumakanta ako, pero sabi nila, magaling daw siya tumugtog ng gitara ( sana maka jamming ko nga siya )
Si Eugine na nakasalamin, sa kanya ako nagpapaturo sa AutoCad ( kahit di na natuloy yung tutorial namin )
At yung mga OJT na sila Garlyn, Greg at Hanna.
Si Garlyn ang pinaka namimiss ko tapos na kasi yung training hours nila dito, marami narin kasi akong naikwento sa kanya, may mga alam pa siyang mga sekreto ko (hoi wag mo na ipag kalat ha, secret lang yun)
Mabait din ang naging superior ko, si Sir Rodney, na kelan lang eh nagresign na, nakaklungkot nga kasi ang di ko manlang siya nakatrabaho ng medyo matagal-tagal. Pero siyempre nagpapasalamat ako kasi pinagkatiwalaan niya ko dito sa trabaho ko. At napakarami kong natutunan mula sa kanya..



Itutuloy . . .


Monday, June 6, 2011

TEXT MESSAGE

“Ok..  Let’s get this over and done with..
   Let’s BOTH  stop playing.
   Kasi wala namang dapat patunguhan..
   Let’s go back to what we were before,
   Pero ‘wag naman O.A,
   Don’t act or even treat me that seems
   I’m not existing..

  Let’s just be friends.
  PLAIN friends..
  That’s it….”




-          Boss Leeh

Saturday, June 4, 2011

Sa Bawat Ngiti

Ngiti - isang anyo, bikas, hilatsa, o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag masaya siya.
(tl.wikipedia.org/wiki/Ngiti)

Makabuluhang bagay.
Napakaraming isinasaysay, ipinapakita, ipinapahiwatig at ipinararamdam.



Mapanlinlang nga minsan ang ngiti, kasi minsan ngumingiti rin ang isang tao kapag nais niyang hindi mahalata ang mga kalungkutan o kabiguan nya.



Parang ako.



Madalas akong ngumiti, masarap kasing ngumiti, nakapagpapagaan ng loob.



Pero may nakapansin din sakin, minsan pagkatapos ng ngiti talikod sabay hikbi.
Para lang masabing hindi ako malungkot.
Para narin madaya ko panandalian ang sarili ko.
na isa akong palangiti, palatawa, walang agam-agam, walang problema, walang inaalala, walang kinakatakot at walang pinangangambahan.
Tapang-tapangan.



Pero kahit ganon, ibig ko paring ipamahagi ang aking ngiti.
Para sa mga taong inaasahan ang pag-ngiti ko araw-araw.
Kaibigan, katropa, barkada, pamilya, at minamahal.
Para malaman nila na sa bawat ngiti ko, sa bawat paglabas ng gilagid at ngipin ko, gusto ko parin ng kasiyahan. Na kailangan parin nilang makibahagi sa anumang dahilan ng aking mga pag-ngiti, sa anumang dahilan kung bakit ako kumukubli sa aking magagandang mga ngiti. Para tulungan pa nila akong magkaroon pa ng maraming dahilan para patuloy at di magsawang bumuo ng isang anyong natitiyak kong tatatak sa bawat makapagbibigay ng halaga dito at handang tumbasan ang bawat ngiti na sumusulyap sa aking pagkatao.

Wednesday, June 1, 2011

Bulaklak sa Parang

Unang Post. Pakikilala muna ako.
Gusto mo ba malaman kung san nanggaling pangalan ko? Hehe, syempre sasabihin ko.


Sabi kasi ni mama, yun pangalan ko daw, nanggaling sa isang NAPAKAGANDANG "bulaklak"  DAISY, tapos yung LEE ang ibig sabihin "sa parang" kaya naging "bulaklak sa parang

na kung saan sa isang parang, may nagiisang bulaklak na siyang naging isang magandang tanawin na nakabibighani sa sinumang makakita rito.





Hahaha. Siyempre kwento at explanation lang yun ng mama ko.


daisy flower
  muka namang totoo.




Di mawawala ang napakaraming mga komento. Kontra. Bida. Ako.


>>Yun muna. Meron pang susunod.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.