Ngiti - isang anyo, bikas, hilatsa, o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag masaya siya.
(tl.wikipedia.org/wiki/Ngiti)
Makabuluhang bagay.
Napakaraming isinasaysay, ipinapakita, ipinapahiwatig at ipinararamdam.
Mapanlinlang nga minsan ang ngiti, kasi minsan ngumingiti rin ang isang tao kapag nais niyang hindi mahalata ang mga kalungkutan o kabiguan nya.
Parang ako.
Madalas akong ngumiti, masarap kasing ngumiti, nakapagpapagaan ng loob.
Pero may nakapansin din sakin, minsan pagkatapos ng ngiti talikod sabay hikbi.
Para lang masabing hindi ako malungkot.
Para narin madaya ko panandalian ang sarili ko.
na isa akong palangiti, palatawa, walang agam-agam, walang problema, walang inaalala, walang kinakatakot at walang pinangangambahan.
Tapang-tapangan.
Pero kahit ganon, ibig ko paring ipamahagi ang aking ngiti.
Para sa mga taong inaasahan ang pag-ngiti ko araw-araw.
Kaibigan, katropa, barkada, pamilya, at minamahal.
Para malaman nila na sa bawat ngiti ko, sa bawat paglabas ng gilagid at ngipin ko, gusto ko parin ng kasiyahan. Na kailangan parin nilang makibahagi sa anumang dahilan ng aking mga pag-ngiti, sa anumang dahilan kung bakit ako kumukubli sa aking magagandang mga ngiti. Para tulungan pa nila akong magkaroon pa ng maraming dahilan para patuloy at di magsawang bumuo ng isang anyong natitiyak kong tatatak sa bawat makapagbibigay ng halaga dito at handang tumbasan ang bawat ngiti na sumusulyap sa aking pagkatao.
No comments:
Post a Comment
pahingi naman ng komento :)