Thursday, November 17, 2011

Welcome Home Mama Tess !


After of almost 3 weeks sa hopsital... nakalabas narin ng hospital si Mama sa wakas ! Sa tulong-tulong namin nila ate,ni daz, ni papa ,lola at ka.rey, ako, si tita vec, lalo na si nanay... ambag-ambag na pera.. nakaipon-ipon.. naawa rin ata yung hospital na yun.... at saka natakot.. paano sabi nila mama isusumbong sila kay Tulfo.. hehe.. kaya ayun.. pinalabas na si mama... duguang pirmahan ng mga promisory note... goodluck sa amin.. sana di kami mamulubi sa pagbabayad nun sa laki ng utang namin sa ospital na yun.. damuho kasi... mapagsamantala.. sa katulad pa naming mahirap lang.. haist.. di na sila naawa.....

Kagabi lang nakalabas si Mama,kasama si ate at shen-shen, galing ng hospital dumiretso na sila sa burol ni lolo.. Dun na kami nagkita nila mama kasama ang mga katrabaho ko.... Natutuwa akong makita si mama na nasa labas na.. pano super frustrated na siya , ikaw ba naman makulong ng tatlong linggo sa hospital na ang napakalaking dahilan ng hindi mo paglabas eh dahil sa wala kang pambayad ng napakalaking bill ng hospital at professional fee ng mga doctor... wiw.. nakakabaliw.. lahat kami nagkawindang-windang sa paghahagilap ng maipambabayad na pera...

Buti na lang naawa ang Diyos sa aamin.. kay mama... 
Salamat po talaga...

Kaya kahapon pa lang naghanda na ang mga bata sa bahay sa pagsalubong kay mama. Gumawa pa nga ng welcome banner ang mga pinsan at mga kapatid ko.. todo effort talaga... hindi ko nga alam ang tungkot dun eh... pag-uwi ko na lang nalaman... nauna akong umuwi kila mama... kaso sigurado pagdating nila mama eh tulog narin ang mga bata dahil sa tagal ng paghihintay sa kanya..

Eto yung ginawang welcome banner ng mga kapatid at pinsan ko.. simple lang pero touching... di ba? hehe



Hatinggabi na ata nakauwi sila mama.. di ko narin namalayan kasi nakatulog narin ako sa sobrang antok ko narin kasi....

Haist.. salamat... nabawasan narin kami ng problema kahit papano...

Sa mga natitira pang mga problema.. kaya namin yun... naniniwala akong pagsubok lang ang lahat ng mga iyon sa aming pamilya.. kakayanin namin yun.. basta wag lang mawalan ng pag-asa at paniniwala sa Ama.. gagabayan niya tayo sa lahat ng mga tuwid na lkad na tintahak naten.. kailangan lang magpakabait.. at magbagong-buhay......


           *wink*

Tuesday, November 15, 2011

Paalam Lolo...


                Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan..  hindi rin mapigilan ang umiiyak na damdamin ko ngayon..  Isang balita na nakakagulat… nakalulungkot, sobrang lungkot.. Wala na kasi si Lolo..

                Kahapon natanggap ko ang text message ni Papa na pumunta daw kami lahat sa manggahan… dahil wala na daw si lolo.. patay na… pagkatapos kong mabasa yung text na yon dere-derecho na ang pagbuhos ng luha ko.. nanginginig ang katawan ko.. parang hindi ko na naririnig ang mga nagsasalita sa paligid ko…gusto ko na sanang lumipad papunta kay lolo.. baka kasi sakaling maabutan ko pa siya.. pero iniyak ko na lang ng iniyak.. pumunta ako sa lugar na walng nakakakita saakin.. masikip sa dibdib.. iyak ako ng iyak.. pero pinilit kong matapos ang mga trabaho na dapat kong tapusin.. kahit nahihirapan ako.. kahit sabog na at lutang ang isip ko… wala na si Lolo… wala na…

Si Lolo Pol, isang mabait na lolo sa kanyang mga apo. Mapagmahal at mapagkalingang lolo. Malambing din sa pagkakakilala ko. Pero naiinins ako sa sarili ko kasi matagal na panahon ko siyang hindi nakita. Ni  hindi ko manlang siya nakita bago siya nawala. Naiiyak na naman ako ngayon. Siguro nagtatampo ang lolo sa akin, sa amin na hindi manlang siya nadalaw nung nanghihina na siya. Hindi manlang ako nagkaraoon ng pagkakataong mayakap siya kahit sa mga huling saglit. Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na alagaan siya. Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko ngayon habang inaalala ko ang mga pagkakataon na nakakasama namin si lolo. Masasayang alaala, Hindi malilimutang pagkukulitan kasama kaming lahat na mga apo niya… napakasaya…

Wala na ang Lolo namin, na nagtatanggol lalo na sa aming magkakapatid. Tumatanggap kapag halos ipagtabuyan na kami ng marami. Naaalala ko pa nga noong mga bata pa kami, si lolo kasi ang laging nag-aaya sa aming kumain kapag pumupunta kami sa kanila, dahil sa wala kaming pagkain sa bahay. Walang pag-aalinlangan kahit sardinas lang ang ihain niya saamin. Masaya na kami doon. Sabay hihingi pa ng pasensya si lolo dahil un lang ang naipapakain niya saamin, babawi na lang daw siya sa susunod. Di ko rin malilimutan nung doon pa ako nakatira kay lola, sa compound ng mga Ssberon. Si lolo pa kasi ang nagbubukas sa akin ng pinto kapag gabi na ako umuuwi noon, kahit nagagalit siya kasi late na ang pag-uwi ko at talaga nga namang naiistorbo ko ang pagtulog niya, kahit ganun.. lalambingin ko parin siya at magpapasalamat, kaya babawian parin niya ako ng inis pero may halo na ng pinipigilan niyang ngiti habang pabalik sa kwarto niya.

Kung tutuusin, hindi ko talaga laging napupuntahan si lolo na pinagsisisihan ko ngayon. Mas maraming panahon na hindi ko siya nakakahalubilo di gaya ng mga pinsan ko at iba kong kapatid. Hindi kasi ako madalas dumalaw sa compound. Pero dapat talaga, plano na namin ni ate den, na paglabas ni mama sa hospital eh pupuntahan na namin si lolo, kasi yun yung hinihiling niya.. na makita niya ang mga apo niya…. Pero… wala na, huli na ang lahat…. di ko manlang naialay ang mga huling yakap ko kay lolo. Gusto ko pa sana siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit… para iparamdam sa kanya na mahal na mahal namin siya… hindi siya nagkulang bilang lolo sa aming mga apo niya….

Mamimiss ko talaga si lolo…  sana hindi siya galit sa akin… kasi hindi ko siya napuntahan kahit nung birth day niya…. Sorry talaga lolo… Paalam po.. Mahal na mahal ka naming lahat ng mga apo mo… 


picture kasama si Lolo.. buti may naitabi pa ako... hindi ko ito iwawala.. ( kahit wala ako diyan )





Saturday, November 12, 2011

Mama is sick and stuck !


 My mom was admitted last October 30, 2011 in the hospital.  She needs to undergo operation in her gallbladder because of the doctors so called “stone” in it.  

She was getting well after the operation. We are looking forward for her continuous recovery so we can be with her soon.


But until now, she’s still there.  The hospital is still holding her because of our failure to pay for the exceeding bills. She has her medicard ,Philhealth assistant, to wrap major bills. The philhealth is geared up to pay for Php 80,000 for the hospital bill, so we still need to pay for the exceeding bills.  But that bills was too big for us. We’ve asked them if we can make a promissory note promising that we’re going to pay for it for a specific period of time. From then we have thought that our mom will be discharge that day (Nov. 4). But I am, specially, was shocked that we still need and forced to pay for the Professional Fees of the five doctors that assist my mom in the operations.   Wow ! That hospital was so greedy, as if we so looked like a rich family that we can easily pay for their demands. 
“walang awa” That was words that comes out from my mouth ‘coz Im so  mad at them.

Haist. I really don’t know what to do.

Stressed.  

I’ve already ask my friends to help me but like me, they can’t help for that big amount of money.  My officemates also tried to lend a hand, and I thank them for that. At least I know that they wanna help us. But additional problem is, the more my mom stayed there, the more our bills get bigger and bigger each day.

Now, my aunt Melvie was trying to seek help from the mayor’s office in our city. Pitiful but we need to smack for that if that will be the only way that we can crack our problem.

I hope there will be wealth from heaven that hears our cries. 


“Sana makauwi na si mama sa bahay, we missed her so much. Sana tuloy-tuloy narin ang paggaling niya. Kahit medyo nahihirapan kami ngayon, masaya parin kasi ligtas na si mama.”
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.