Tag-ulan na naman. Kaliwat-kanan ang mga pagbaha, sakit na makukuha mo sa baha, pagbrown-out, pagguho ng mga lupa, pagkasira ng mga tahanan, pagkawala ng ikinabubuhay, at pakamatay ng iilan - karamihan.
Kakaiba din talaga kapag umuulan, minsan andyan pa ang malalakas na kulog at kidlat na tiyak na iyong katatakutan dahil baka kitlin nito ang iyong buhay. Kaya maraming takot sa ulan, lalo na sa panahon ngayon, habang tumatagal palala ng palala ang mga nangyayari, mas nakakatakot kapag sa iyo ito mismo nangyari - wag naman sana.
googoogoggles.dreamhosters.com
|
Kapag tag-ulan, malas ka kapag luma na ang inyong bubong at punong-puno na ng butas, siguradong maghahanap ka ng mga batya o lata kaya para ipang-salo sa bawat tulo na maaaring kumalat sa buong tahanan. Ang hirap ng ganoong kalagayan.
Mahirap ding magpatuyo ng mga damit kahit araw-araw ka pa maglaba, mauubusan ka ng isusuot, mapipilitan kang gumamit ng mga luma mong mga damit kaysa naman wala ka ng maisuot. Lalo na kung mayroon ka pang mga kapatid na nakikigamit din ng mga damit mo, yari na. Lalo nang tatambak ang labahan.
Pero sa ganitong mga panahon masarap kumain at mag-ulam ng tuyo at noodles, saktong sakto kasi sa lamig ng panahon. Dito ko din madalas naeenjoy ang ganoong mga pagkain, lalo na kung kasabay mo ang buo mong pamilya. Na kahit na ganoon lamang ang inyong pinagsasaluhan ay nagagawa nyo paring maging masaya, kontento kung anong meron kayo, basta sama-sama.
Nakakalimutan nyong may panganib ding maaring nakaabang hatid ng tag-ulan. Hindi nyo maiisip na maaaring tangayin ng baha ang inyong pagsasama-sama. Na maaaring kidlatan ang inyong kaligayahan, at simpleng hanap-buhay. Kaya nananatili paring matatag kahit maraming bagyo na ang dumaan, kahit puno ng hirap ang buhay patuloy parin ang pakikipagsapalaran sa magulong kapaligiran. Nananatili paring nasa loob ng isang payak na tahanan, kahit masikip, kahit malamig ang dala ng hangin, tiyak itong magiging mainit dahil sa alab ng inyong samahan.
Kahit ulanin ang inyong tahanan.
Dapat manatili kayong matibay.
Hi Leeh!
ReplyDeleteNaku yes, tama ka jan. Tag-ulan na naman. Panahon na naman ng mga baha, bagyo at suspension of classes.
And yeah, ang sarap din kumain kapag malamig ang panahon. Gustong gusto ko din yang noodles at tuyo. Ayan na, ginutom tuloy ako hehe
Loved the last line...dapat lagi tayong lumalaban sa hamon ng buhay!
hehehe .. tama .. ang tag-ulan kasi ang Best time para mag-bonding ang isang pamilya .. lalo na kung saba-sabay na kakain ng kahit anong mainit na sabaw na nagpapainit sa ating maginaw na pkiramdam :)
Deletesalamat sa pagdalaw :))
salamat sa pagbati sa ikalimang anibersaryo ng damuhan :)
ReplyDelete