Pagyamanin mo kung ano ang mayroon ka... kahit kapiraso, kakaunti, kahit may diperensya, hindi mo gusto, may kulang, o palpak.. Kaya at maaari mo itong gawing perpekto sa sarili mong paraan at sa sarili mong batayan, na kahit hindi mo ito ipilit na ihalintulad at ihanay sa iba, dahil hindi batayan ang paghahanap ng ibang panghalili, pamalit pansamantala, panakip butas… para lang paniwalain ang sarili mo sa inimbento mong paniniwala na doon ka masaya…
Kung nasaan ka ngayon, kung ano ang takbo at daloy ng buhay mo ngayon, kung kaninong pamilya, asawa, magulang, anak ka man napunta.. lahat ‘yan may dahilan.. dahil dyan ka nababagay, diyan ka dinala ng pagkakataon at panahon.. yan ang lugar na huhubog ng maganda sa iyong pagkatao, yan ang pamilya, asawa, magulang, anak na bagay sa iyong katangian… na wala sa iba.. na ikaw lang ang nagkataon na nagkaroon… dahil diyan ka patitibayin ng buhay at diyan ka magiging kongkreto…
At kung sakaling hindi mo gusto o hindi mo na magustuhan ang katayuan at nararanasan mo ngayon, bukas, o kahit sa paglipas ng panahon.. dahil hindi na ito gaya ng dati , hindi ka na sumasaya o hindi kana masaya dahil nahihirapan ka na ngayon… 'wag ka magrebelde, wag umapaw ang galit, 'wag mong sisihin ang mga taong nasa paligid mo, habaaan parin ang pasensya,'wag ka maburyong, 'wag ka mainip..'wag ka parin mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob…
Oo nga at hindi maiiwasan ang pagkukumpara sa mga bagay na wala ka, at mga bagay na meron ka pero hindi naaayon sa gusto mo… Pero hindi lunas ang pag-iisip na malas ka at wala ka nang karapatang lumigaya… Hindi rin pwedeng payagan at hangarin ang mga bagay na nakikita mo ngayon na wala sayo na maaari mo sanang makuha kung mas maaga o nakita mo na ito noon pa lang… hindi tama na maghanap ka ng kapalit, maghanap ka ng mas maganda, iwan mo ang sira at palitan ito ng bago at mas kaaya-aya.. Hindi solusyon ang pagsasantabi sa isang may kapintasan kapalit ng isang inaakalang mong pupuno sa kanyang pagkukulang… bakit hindi mo muna subukang ayusin at pinuhin ang mga gusot na hadlang sa iyo.. bakit hindi mo muna pagsikapang magawa ang sarili mong batayan ng pagiging perpekto… kahit hindi perpekto para sa iba… pero para sa iyo.. yung ang tiyak na magpapaligaya sa buhay mo… yun ang makapagpapatagumpay at makapagkakamit ng mga pangarap mo... yun ang makapagbibigay at makapagpaparamdam ng tunay na pagmamahal para sayo…
… and dami kong alam.. hahaha..
.