"Hi Pa, miss na kita ahh..."
- ang una kung nasabi kaninang umaga pagkagising ko. Nakita ko kasi si Papa, andyan pala. Kagabi pa daw siya 'andito kasi tulog na ko, kaya ‘di ko namalayan. Ilang beses na kasing dumadalaw si Papa dito kaso 'di kami nag-aabot parati. Kaya kanina natuwa ako kasi nakita ko siya. Ang galling, ang saya! Si Mama kasi nasa bahay din, day-off nya kasi. Minsan lang kami magkasama-sama ngayon. Si Papa kasi nasa Fairview madalas, dun na siya nag i-stay. Si Mama naman sa Pasig, dun kasi siya nagtatrabaho.
Nakakatuwa kanina kasi normal lang ang lahat. Walang tensyon na tulad ng dati. Masaya kaming nagkukuwentuhan kanina at nagkakamustahan kasi matagal na kaming hindi nagkikita-kita. Matiwasay na pamilya ang imahe naming kaninang umaga. Ang sarap sa pakiramdam at malaman na puwede pala sa amin ang ganoon.
“Si Kuya na nga lang ang wala ah” sabi ng isa kong kapatid. Nasa Manggahan kasi si kuya,andun kasi ang pamilya niya,asawa at anak. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita nun.
Medyo magulo kasi hiwa-hiwalay kami. Pero parang nagiging okey narin na magkakalayo kami, kasi namimiss naming ang isa’t-isa. Kapag magkakasama kami parang mas magulo pa tuloy. Kaya ayun ang naging pasya. Ang ayusin muna naming ang buhay namin.
Habang tinitignan ko isa-isa ang mga kapatid ko, pati narin sila Mama at si Papa, marami akong iniisip . Nakakalungkot lang kasi gusto ko maging buo ang pamilya namin. Yung maging masaya naman. Magkakasama-sama sa iisang bahay, ulit.
Masarap isipin at pangarapin.
Nagpaalam ako sa lahat ng nasa bahay kanina bago umalis. Niyakap ko sila Mama at si Papa bago lumabas ng bahay. Halik sa pisngi at sinabi ko ulit kay Papa na “Miss you..” .
Bago sumakay ng dyip - nakangiti at masaya.