Thursday, July 7, 2011

Kantahan Na !




 
Bahagi na ng pagkatao ko ang pagkanta. Isa kasi iyong alternatibong paraan para mailabas ko ang aking mga emosyon at saloobin.

Kapag malungkot, masaya, tensyonado, kinakabahan, nag-aalala at higit sa lahat.. kapag in-love.

Dinadaan ko kasi mga bagay-bagay sa pagkanta. Kapag trip ko at katabi kita, bigla na lang akong totopakin at magugulat ka na lang, kakantahan na kita. Minsan nga damang-dama  pa, papikit-pikit, tatayo, tapos kapag ganado may action pa. (haha)

Marahil hindi mabubuo ang araw ko kapag walang lumabas na mga tono sa bibig ko, at kapag hindi nalapatan ng musika ang mga letra na binibigkas ko.

Samahan pa ng mga malulupit na lyrics ng mga kanta. Iba’t ibang uri ng mga kanta, iba’t iba ang ‘genre’, frustration ko ang  mga ‘rock songs’ na may pagka ‘love songs’ . Mga makabagbag damdaming mga kanta, senti minsan naman hataw sa saya. Buo na ang ligaya.


Kahit sa bahay, parati rin kantahan ang trip. Lahat ba naman kami eh marunong kumanta. Bonding moments nga kapag magkakasama kami sa bahay at nagsasabay-sabay sa mga pagkanta. May blending pa nga kami minsan kapag altogether ang kantahan. Nakakabuo kami ng isang choire. Kaya maraming nabibilib sa'ming mga magkakapatid kasi sabi nila magaganda daw ang mga boses namin. Kaya mas lalo kaming nageenjoy na magkantahan.

          Ako nga daw ang pasimuno ng pagkanta sa bahay e. Sa aming magkakapatid ako daw  kasi ang pinaka naunang nahilig  na kumanta. Ako yung naunang sumubok sa amin kung may talento ba ako sa pagkanta gaya ni Papa at Mama.  Kaya ayon, naging epidemya, lahat kami ngayon bumibirit na. Iba’t iba ng timbre, pero lahat mahuhusay. Sabi pa nga ni Papa, mala angel daw ang mga tinig namin.

        Masarap naman kasing kumanta eh, walang duda. Lalo na kapag may kinababaliwan kang bagong labas na mga soundtrack, o kaya ng favorite mong banda. Kahit nga mga lumang tugtugin pa, basta paborito mo, uulit-ulitin mong pakinggan at sabayan.  Nakakapag pagaan ng loob, nakabubuhay ng ilang natutulog na damdamin, nakapagbibigay aliw sa mga tagapakinig, nakapagpapasigla sa malumbay na puso, at nakapaghahatid  pag-asa sa mga natatakot lumigaya.

       

       




2 comments:

  1. Agree ako diyan, malaanghel talaga boses ni Sy, my buddy :)

    Namiss ko tuloy moments natin ung HS tayo, nagcompose kpa ng kanta para sa section natin tsaka meron pa akong lyrics na naaalala sa isa mo pang composed song:

    Mahal kita, ipagsisigawan sa buong mundo
    Ang tanging nais ko'y ikaw lamang, ang tanging iibigin walang iba
    ....

    haha, tama ba Sy?

    ReplyDelete
  2. yup Che.. Tama yun... yun yung pinaka una kong kanta na ginawa.. hehe.. yung sa dyamante naman yung "Sa Eskwela" hehehe...

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.