Sunday, July 17, 2011

Sinong Bratinella?



//
-It can mean a lot of things. Depends on the context.
  -It can mean any of the ff: vain, snobby, bitchy, picky, elitist, tasteful, finicky, particular, fussy, demanding, selective, hard to please, discriminatory, exclusive, selective, limited, arrogant.
  -A 'brat' is an informal term for a poorly behaved child. The standard plural is 'brats'. The dolls use the 'z' spelling to be hip, I suppose.  -zim8
  -"It means 'one who is defined by their possessions and adherence to social stereotypes'" - Peter A
  -"Brats are children who are spoiled or ill-mannered. You might imagine that the wealthy children of a movie star would be brats - hence the name of the Children's dolls. - benjamin
  -http://answers.yahoo.com/question/index?
// //
//


            Brats…   bRaTz.. – kami ata yun, nila jherald, jha-de, rakhz at leEh (ako). Apat na babaeng magbabarkada mula first year college  hanggang sa ngayon. Actually, hindi naman  “bratz” ang original na pangalan namin, kasi kami talaga ang the DON’T CHA!! Yan ang ipinangalan namin sa barkadahan namin kasi uso nuon ang kantang “don’t cha” ng pussycat dolls, at yun ang kantang trip namin ng mga panahong yun kaya ayun na ang naging bansag sa aming apat. 

DONT CHA !
            Mga pasaway, cool girls, not the typical type of girls kasi hindi kami ganun kaarte *wahaha*, mga siga sa daan na tipong nanghahawi ng atensyon ng mga tao kapag naglalakad kasi maaangas. Pero matatalino, mga palaban sa klase, hindi naman napag-iiwanan, sumasakto lang wala namang mga bagsak na grade, lahat pasado o kaya naman pasang-awa, kasi mga tamad minsan (minsan din madalas tamad) *tahaha*

jha-de, leEh, rakhz and jherald
            Naging bratz na lang kami simula nung sumali kami sa isang clan, mga clanmates namin ang nagbansag samin ng bratz kasi parang mga bratinella daw kami. At saka sikat nun ang “bratz” dolls na movie. Since apat yung mga bida dun, sumakto sa aming apat. Ganu’n ang imahe namin sa kanila. Cute 'di ba. Parang mga timang, wala lang magawa kaya ayon kami na ang mga bratz.

            Marami narin kaming pinagdaanan, marami naring mga problema ang sumubok sa tatag pagkakaibigan namin. Pero hindi naman kami nagpatinag, sa katunayan malapit na kaming mag celebrate ng ika-5th  anniversary ng pagkakatatag ng pagkakaibigan namin. Sa July 28 limang taon na pala kami. Matagal-tagal narin. Hindi ko akalain na buo parin kami hanggang ngayon. Ilang beses na kasi kaming muntik matinag.  Nakailang di pagkakaunawaan narin ang dumalaw sa amin, napakaraming di pagkakaintindihan, pero sa awa ng panahon, eto buo parin kami.. at patuloy na nagbibilang ng taon na magkakaibigan.

            Hindi lang basta kaibigan o ordinaryong magbabarkada lang  ang pagtuturingan namin. Masasabi at matatawag na tunay na magkakaibigan. Karugtong na nga ng pagkatao namin ang isat-isa. Halos magkakapatid na kung magmahalan. Kabiguan ng isa kabiguan ng lahat. Handang dumamay sa mga problema. Handang tumulong sa kahit anomang bagay na maaaring maitulong sa abot ng makakaya. Hindi magkakailang magbigay ng kahit anong kaligayahan at kaaliwan mapasaya lang ang lahat. Walang pag-aalinlangan na tutulungan ang isa’t isa kung sakaling naliligaw na ng landas. Kung sakaling pakiramdam na ng isa ay wala na siyang mapagkakapitan, walang problema, walang takot na tutulungang makabangon at makaahon sa pagkakalubog at pagkakalugmok. Aakayin pabalik sa maliwanag na buhay

            Kahit napakaraming pagkakaiba ng mga pagkatao namin, kahit hindi magkakapareho ng antas sa buhay, kahit na liku-liko ang mga ugali, nagiging isa parin ang buhay namin kapag magkakasama. Masayang nagtatawanan, humahalakhak habang nagkukuwetuhan. Nagngingis-ngisan habang nag-aasaran. Nagbubugbugan at nagkakapikunan. Pero sa huli, bati-bati at buo parin ang samahan, wala na ‘yong kamatayan.

            Masaya ako at nakakilala ako ng mga tulad nila. Maraming beses na sila ang nagpahid sa mga bumabagsak na luha sa mga mata ko. Maraming pagpapayo mula sa kanila ang nakatulong sa buhay ko. Kahit maraming problema na sa akin nagmula, na ako ang dahilan ng pagkakagalit at pagkakatampuhan. Maraming beses na kapag mag hihintayan at tagpuan, sakin sila napepeste paano ako parati ang nahuhuli, pinaghihintay ko kasi sila ng matagal, kaya tawag nila sakin “pagong”, napakabagal ko daw kasi.

            Pero sana kahit mas marami pang problema ang dumating sa amin, kahit na mas madalas kaming hindi magkakasama, kahit magkakalayo ng pinagkakaabalahang hanapbuhay,  kahit ano pang bagyo ang humagupit sa pagkakaibigan namin, kahit sinumang mga tao ang umeksena sa amin, kahit na mas marami pang pagbabago ang maganap… sana mananatili parin kaming tunay na magkakaibigan. Hanggang sa magkaro’n na ng mapapangasawa,  hanggang sa magkaro’n na ng sariling pamilya.. hanggang sa pagtanda… don’t cha parin.. bratz parin. Wala ng hahadlang, walang makapipigil, patuloy na uusad at mas magiging matibay ang pagkakaibigan hanggang sa mas mahaba pang panahon, Hanggang sa dulo ng kahuli-hulihan.. at hanggang sa katapusan ng walang hanggan.

3 comments:

  1. I Love DontCHA / Bratz... Forever..!!!

    ReplyDelete
  2. Si Odi ba.. hehe.. wala na nga rin akong balita dun eh.. pero isa sya sa original Dontcha.. pati si emman.. neahahaha...

    ReplyDelete

pahingi naman ng komento :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.