Tuesday, July 26, 2011

Adobong Kanin




Nasubukan mo na bang kumain ng fried chicken? Ng lechong baboy? Ng kalderetang baka? Pinakbet na gulay? Maaning sa sarap ng mga hamon? Ng sinigang na sugpo? Ng sarsiyadong bangus?  At ng kung anu-ano pang masasarap na putahe at ulam? Eh nakatikim ka na ba ng adobong kanin?

Siguro nagtataka kayo ano? Kasi si Mang Ising madalas kainin iyon noon. Ang sarap daw kaya, minsan nga naging favorite pa nga 'yon. E pa'no ba naman madalas nilang kainin 'yon. Nila? Oo silang magkakapatid noon, minsan na lang ngayon,kapag trip na lang daw nila. Noon parati talaga. Nangyayari 'yon kapag wala silang ulam, sinaing na kanin tapos lalagyan ng toyo,konting paghalo,tapos adobong kanin na! Nakakatawa na nakakaawa silang pagmasdan. Kapag gipit ganoon talaga ang nangyayari. Ang totoo pinag-isipan ko nga muna bago ko napapayag si mang Ising na ipost ito ngayon e. Kasi kung iisipin, parang nakakaloko, at saka hindi alam yun ng marami niyang mga kaibigan, ng mga nakakakilala sa kanya, na ganoon ang hapunan nila sa bahay, minsan buong araw na iyon ang nakahain sa hapag kainan. E sa iyon lang ang available, kesa naman hindi sila kumain di ba?

Pero naiinis siya kapag ganoon parati. Naiiyak na lang siya minsan kapag nakikita niya ang mga kapatid niya na ganoon lang ang kinakain. Sa totoo lang suwerte pa nga kapag maraming kanin at kapag may toyo pa sila. Kasi kapag wala na at konti lang ang bigas, lugaw na lang ang lulutuin. Ayos na 'yon pang laman ng tiyan. Dumarating talaga ang mga puntong iyon, dahil mahirap lang ang pamilya nila. Maraming pagkakataon na nagugutom noon. Kumakalam ang tiyan na parang hindi makatotohanan sa kanila. Tipong walang-wala talaga. Totoong-totoo dahil ako ang saksing buhay nila.

Ayaw na niya maranasan ulit 'yon Nasasaktan kasi ang puso niya tuwing nakikita na dinadanas ng mga kapatid niya ang ganoong paghihirap. Umiiyak kasi walang makain. Naiinggit sa mga kapit-bahay na sagana ang pagkain at puro masasarap ang nakahain at ‘di tulad nila… hamak na adobong kanin lamang ang laman ng tiyan. Kaya naman dahil sa mga pangyayaring iyon ay nagsikap siyang makatapos ng pagaaral. Tinapos ang Bachelor’s Degree sa kolehiyo. Para matulungan ang mga magulang, lalo na ang kanilang Ina sa pagtataguyod ng kanilang pamilya. Ngayon ay pinipillit at pinagiibayuhan na maigapang at maiahon sa kahirapan ang pamilya. Tumutulong na makatapos ang mga kapatid tulad niya. Pinagsisikapan na huwag nang maranasan ng mga kapatid niya ang  magutom ulit. Para hindi na ulit maghain ng Adobong Kanin.


Sunday, July 17, 2011

Sinong Bratinella?



//
-It can mean a lot of things. Depends on the context.
  -It can mean any of the ff: vain, snobby, bitchy, picky, elitist, tasteful, finicky, particular, fussy, demanding, selective, hard to please, discriminatory, exclusive, selective, limited, arrogant.
  -A 'brat' is an informal term for a poorly behaved child. The standard plural is 'brats'. The dolls use the 'z' spelling to be hip, I suppose.  -zim8
  -"It means 'one who is defined by their possessions and adherence to social stereotypes'" - Peter A
  -"Brats are children who are spoiled or ill-mannered. You might imagine that the wealthy children of a movie star would be brats - hence the name of the Children's dolls. - benjamin
  -http://answers.yahoo.com/question/index?
// //
//


            Brats…   bRaTz.. – kami ata yun, nila jherald, jha-de, rakhz at leEh (ako). Apat na babaeng magbabarkada mula first year college  hanggang sa ngayon. Actually, hindi naman  “bratz” ang original na pangalan namin, kasi kami talaga ang the DON’T CHA!! Yan ang ipinangalan namin sa barkadahan namin kasi uso nuon ang kantang “don’t cha” ng pussycat dolls, at yun ang kantang trip namin ng mga panahong yun kaya ayun na ang naging bansag sa aming apat. 

DONT CHA !
            Mga pasaway, cool girls, not the typical type of girls kasi hindi kami ganun kaarte *wahaha*, mga siga sa daan na tipong nanghahawi ng atensyon ng mga tao kapag naglalakad kasi maaangas. Pero matatalino, mga palaban sa klase, hindi naman napag-iiwanan, sumasakto lang wala namang mga bagsak na grade, lahat pasado o kaya naman pasang-awa, kasi mga tamad minsan (minsan din madalas tamad) *tahaha*

jha-de, leEh, rakhz and jherald
            Naging bratz na lang kami simula nung sumali kami sa isang clan, mga clanmates namin ang nagbansag samin ng bratz kasi parang mga bratinella daw kami. At saka sikat nun ang “bratz” dolls na movie. Since apat yung mga bida dun, sumakto sa aming apat. Ganu’n ang imahe namin sa kanila. Cute 'di ba. Parang mga timang, wala lang magawa kaya ayon kami na ang mga bratz.

            Marami narin kaming pinagdaanan, marami naring mga problema ang sumubok sa tatag pagkakaibigan namin. Pero hindi naman kami nagpatinag, sa katunayan malapit na kaming mag celebrate ng ika-5th  anniversary ng pagkakatatag ng pagkakaibigan namin. Sa July 28 limang taon na pala kami. Matagal-tagal narin. Hindi ko akalain na buo parin kami hanggang ngayon. Ilang beses na kasi kaming muntik matinag.  Nakailang di pagkakaunawaan narin ang dumalaw sa amin, napakaraming di pagkakaintindihan, pero sa awa ng panahon, eto buo parin kami.. at patuloy na nagbibilang ng taon na magkakaibigan.

            Hindi lang basta kaibigan o ordinaryong magbabarkada lang  ang pagtuturingan namin. Masasabi at matatawag na tunay na magkakaibigan. Karugtong na nga ng pagkatao namin ang isat-isa. Halos magkakapatid na kung magmahalan. Kabiguan ng isa kabiguan ng lahat. Handang dumamay sa mga problema. Handang tumulong sa kahit anomang bagay na maaaring maitulong sa abot ng makakaya. Hindi magkakailang magbigay ng kahit anong kaligayahan at kaaliwan mapasaya lang ang lahat. Walang pag-aalinlangan na tutulungan ang isa’t isa kung sakaling naliligaw na ng landas. Kung sakaling pakiramdam na ng isa ay wala na siyang mapagkakapitan, walang problema, walang takot na tutulungang makabangon at makaahon sa pagkakalubog at pagkakalugmok. Aakayin pabalik sa maliwanag na buhay

            Kahit napakaraming pagkakaiba ng mga pagkatao namin, kahit hindi magkakapareho ng antas sa buhay, kahit na liku-liko ang mga ugali, nagiging isa parin ang buhay namin kapag magkakasama. Masayang nagtatawanan, humahalakhak habang nagkukuwetuhan. Nagngingis-ngisan habang nag-aasaran. Nagbubugbugan at nagkakapikunan. Pero sa huli, bati-bati at buo parin ang samahan, wala na ‘yong kamatayan.

            Masaya ako at nakakilala ako ng mga tulad nila. Maraming beses na sila ang nagpahid sa mga bumabagsak na luha sa mga mata ko. Maraming pagpapayo mula sa kanila ang nakatulong sa buhay ko. Kahit maraming problema na sa akin nagmula, na ako ang dahilan ng pagkakagalit at pagkakatampuhan. Maraming beses na kapag mag hihintayan at tagpuan, sakin sila napepeste paano ako parati ang nahuhuli, pinaghihintay ko kasi sila ng matagal, kaya tawag nila sakin “pagong”, napakabagal ko daw kasi.

            Pero sana kahit mas marami pang problema ang dumating sa amin, kahit na mas madalas kaming hindi magkakasama, kahit magkakalayo ng pinagkakaabalahang hanapbuhay,  kahit ano pang bagyo ang humagupit sa pagkakaibigan namin, kahit sinumang mga tao ang umeksena sa amin, kahit na mas marami pang pagbabago ang maganap… sana mananatili parin kaming tunay na magkakaibigan. Hanggang sa magkaro’n na ng mapapangasawa,  hanggang sa magkaro’n na ng sariling pamilya.. hanggang sa pagtanda… don’t cha parin.. bratz parin. Wala ng hahadlang, walang makapipigil, patuloy na uusad at mas magiging matibay ang pagkakaibigan hanggang sa mas mahaba pang panahon, Hanggang sa dulo ng kahuli-hulihan.. at hanggang sa katapusan ng walang hanggan.

Thursday, July 7, 2011

Kantahan Na !




 
Bahagi na ng pagkatao ko ang pagkanta. Isa kasi iyong alternatibong paraan para mailabas ko ang aking mga emosyon at saloobin.

Kapag malungkot, masaya, tensyonado, kinakabahan, nag-aalala at higit sa lahat.. kapag in-love.

Dinadaan ko kasi mga bagay-bagay sa pagkanta. Kapag trip ko at katabi kita, bigla na lang akong totopakin at magugulat ka na lang, kakantahan na kita. Minsan nga damang-dama  pa, papikit-pikit, tatayo, tapos kapag ganado may action pa. (haha)

Marahil hindi mabubuo ang araw ko kapag walang lumabas na mga tono sa bibig ko, at kapag hindi nalapatan ng musika ang mga letra na binibigkas ko.

Samahan pa ng mga malulupit na lyrics ng mga kanta. Iba’t ibang uri ng mga kanta, iba’t iba ang ‘genre’, frustration ko ang  mga ‘rock songs’ na may pagka ‘love songs’ . Mga makabagbag damdaming mga kanta, senti minsan naman hataw sa saya. Buo na ang ligaya.


Kahit sa bahay, parati rin kantahan ang trip. Lahat ba naman kami eh marunong kumanta. Bonding moments nga kapag magkakasama kami sa bahay at nagsasabay-sabay sa mga pagkanta. May blending pa nga kami minsan kapag altogether ang kantahan. Nakakabuo kami ng isang choire. Kaya maraming nabibilib sa'ming mga magkakapatid kasi sabi nila magaganda daw ang mga boses namin. Kaya mas lalo kaming nageenjoy na magkantahan.

          Ako nga daw ang pasimuno ng pagkanta sa bahay e. Sa aming magkakapatid ako daw  kasi ang pinaka naunang nahilig  na kumanta. Ako yung naunang sumubok sa amin kung may talento ba ako sa pagkanta gaya ni Papa at Mama.  Kaya ayon, naging epidemya, lahat kami ngayon bumibirit na. Iba’t iba ng timbre, pero lahat mahuhusay. Sabi pa nga ni Papa, mala angel daw ang mga tinig namin.

        Masarap naman kasing kumanta eh, walang duda. Lalo na kapag may kinababaliwan kang bagong labas na mga soundtrack, o kaya ng favorite mong banda. Kahit nga mga lumang tugtugin pa, basta paborito mo, uulit-ulitin mong pakinggan at sabayan.  Nakakapag pagaan ng loob, nakabubuhay ng ilang natutulog na damdamin, nakapagbibigay aliw sa mga tagapakinig, nakapagpapasigla sa malumbay na puso, at nakapaghahatid  pag-asa sa mga natatakot lumigaya.

       

       




Friday, July 1, 2011

Kaninang umaga


"Hi Pa, miss na kita ahh..."
              - ang una kung nasabi kaninang umaga pagkagising ko. Nakita ko kasi si Papa, andyan pala. Kagabi pa daw siya 'andito kasi tulog na ko, kaya ‘di ko namalayan. Ilang beses na kasing dumadalaw si Papa dito kaso 'di kami nag-aabot parati. Kaya kanina natuwa ako kasi nakita ko siya. Ang galling, ang saya! Si Mama kasi nasa bahay  din, day-off nya kasi. Minsan lang kami magkasama-sama ngayon. Si Papa kasi nasa Fairview madalas, dun na siya nag i-stay. Si Mama naman sa Pasig, dun kasi siya nagtatrabaho.
            Nakakatuwa kanina kasi normal lang ang lahat. Walang tensyon na tulad ng dati. Masaya kaming nagkukuwentuhan kanina at nagkakamustahan kasi matagal na kaming hindi nagkikita-kita. Matiwasay na pamilya ang imahe naming kaninang umaga. Ang sarap sa pakiramdam at malaman na puwede pala sa amin ang ganoon.
            “Si Kuya na nga lang ang wala ah” sabi ng isa kong kapatid. Nasa Manggahan kasi si kuya,andun kasi ang pamilya niya,asawa at anak. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita nun.
           
            Medyo magulo kasi hiwa-hiwalay kami. Pero parang nagiging okey narin na magkakalayo kami, kasi namimiss naming ang isa’t-isa. Kapag magkakasama kami parang mas magulo pa tuloy. Kaya ayun ang naging pasya. Ang ayusin muna naming ang buhay namin.
            Habang tinitignan ko isa-isa ang mga kapatid ko, pati narin sila Mama at si Papa, marami akong iniisip . Nakakalungkot lang kasi gusto ko maging buo ang pamilya namin. Yung maging masaya naman. Magkakasama-sama sa iisang bahay, ulit.
            Masarap isipin at pangarapin.

            Nagpaalam ako sa lahat ng nasa bahay kanina bago umalis. Niyakap ko sila Mama at si Papa bago lumabas ng bahay. Halik sa pisngi at sinabi ko ulit kay Papa na “Miss you..” .
Bago sumakay ng dyip - nakangiti at masaya.       
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Bawal mangopya !

MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Receive All Free Updates Via Facebook.